Chapter 31

5.8K 176 3
                                    

Den's POV

It's Alyssa... Gosh! What is she doing here?

Sumakay agad ako sa kotse ko para sundan sila. Pumunta sila sa isang bahay na bato. Baka dito siya nag-stay. Parang alam ko kung kanino 'to. Parang kayla Lola Bonita 'to ah. Ano niya si Lola Bon? Dito pa ba sila nakatira?

Nakita kong lumabas ulit si Aly at pumasok sa sasakyan. Sumunod naman yung lalake kanina. Umatras ako para naman hindi nila ako makita. Lumipat ako sa may kanto.

Sinundan ko ulit sila hanggang sa tumigil sila sa road cliff. Malayo naman ako sakanila. Sht! It is really Alyssa. Alyssa Valdez, ang dahilan kung bakit pilit ko pa ring huminga at mabuhay. Ang dahilan kung bakit sumasaya ako at siya rin ang dahilan kung bakit nasaktan ako at nagpakalayo.

Bumalik ako doon sa bahay na bato kung saan siya nag-stay. Bumaba ako ng kotse at pinagmasdan ko ang paligid at pilit kong inaalala ito. Alam kong nakakaalala na ako pero may mga bagay parin namang hindi ko masyadong maalala. 95% kumbaga.

Ah! Dito ko huling nakita yung batang nagpa-piano. Tama.

"Magandang hapon po!" bati ko sa labas ng bahay nila. May lumabas naman na matanda. Mga nasa 75-80 ang edad.

"Sino 'yan?" tanong niya.

"Si Michelle po. Nandyan po ba si Lola Bonita?" tanong ko.

"Ako nga ito. Bakit, Hija?" tanong niya. "Pasok ka."

Bago pa man ako pumasok, nagmano muna ako kay Lola Bon. Naupo naman kami sa upuan sa loob.

"Michelle? Sinong Michelle?" tanong niya at sinuot ang kanyang salamin. "Ay! Kay ganda namang bata nito."

"Ay. Thank you po, Lola Bon." sabi ko. "Si Michelle Lazaro po ito. Palagi po akong bumibisita dito sainyo nung bata po ako kasi po nagagandahan po ako sa garden niyo."

"Aah. Si Michelle Lazaro nga. Anak ni Dr. Lazaro diba? Yung napaka-cute na bata noon?"

"Opo." sabi ko ng ngiting-ngiti. Hihihi. Cute pala talaga ako. Sorna. "Kamusta na po kayo?"

"Ito. Nakakatayo pa naman. Napapaganda ko parin naman yung halamanan ko dyan sa likod." sagot ni Lla Bon. "Eh ikaw, Hija? Kamusta ka na? Mas gumanda ka ah."

"Okay lang po ako. Thank you po, Lola."

"Yung medical mission ba dyan sa bayan, ikaw nagsagawa?"

"Opo. Tinutuloy ko lang ho yung mga pangako ni Dad na babalik dito. Kaso natagalan po." sabi ko.

"Ganoon ba? Mabuti naman. Alam mo namang napakabuti ng ama mo."

"Opo. Mahal na mahal niya po lahat ng tao dito." sabi ko.

"Oo nga eh. Mabuti at ipagpatuloy ko ang sinimulan ng sma mo."

"Opo, La. Kung nabubuhay po iyon, tuwang-tuwa po yun."

Napangiti naman si Lola dahil sa mga naalala niya noon.

"Gusto mo bang magmeryenda muna?"

"Ay. Huwag na po. Kumain na po ako bago pumunta dito." sabi ko. "Pwede ko po ba makita yung garden niyo sa likod?"

"Oo ba." sagot ni Lola at tumayo at ginuide ako papunta sa likod. "Yung apo ko, yun rin agad ang pinuntahan dito."

"Alin pong apo niyo? Yung inampon niyo ho?"

"Ah hindi. Yung isa. Galing sa Maynila. Tumulong siya sainyo sa Medical Mission kanina." Napakunot ang noo ko dahil inaalala ko kung sino yung mga volunteers kanina. "Mukhang hindi mo kilala."

"Yung magaling po bang mag-piano? Yung nakita ko po nung huling araw ko dito?" tanong ko. "Ang gaganda pa rin po ng halamanan niyo. Ang pupula ng roses."

"Hmm. Marunong iyon mag-piano. Tila ba't nasa langit ka kung tumugtog iyon. Baka siya." sagot ni Lola. "Salamat."

Wait. Apo niya yun? Ibig sabihin, nandito siya. Ba't iba pakiramdam ko, natutuwa ako. Pakiramdam ko, kinakabahan akong nae-excite ako. Iba talaga pakiramdam ko. Halo-halo. After ng ilang taon, mukhang maririnig ko ulit siyang tumugtog.

"Sayang nga't umalis siya. Hindi mo tuloy nakilala. Hayaan mo, bukas bumalik ka ulit dito, ipapakilala kita." sabi ni Lola.

"Opo." sagot ko. Naagaw naman ng tensyon ko ang rose na malaki at pulang-pula. Naiiba siya sa ibang rosas dito. Nakahiwalay pa ito sa iba. "Ang ganda po ng rosas na yun."

"Maganda talaga 'yan. Alam mo ba? Yung apo kong 'yun ang nagtanim niyan. Kaso iniwan niya 'yan nung pumunta siya ng Maynila pagkatapos niya ng elementarya." kwento ni Lola. "Yung unang tumubo niyan, nalanta. Nakailang subok siya bago niya mapatubo ng maganda. Hanggang sa umalis siya. Hiniwalay niya yan. Inalagaan ko. Yung isa, namatay na. Yung unang-unang bulaklak dyan. Pagkatapos ng pagkatagal-tagal na panahon, ayan na yung pangalawa. Ilang buwan na rin 'yan, hindi pa rin nalalanta."

Wow. Ang galing naman. Pghihirapan mo muna talaga bago mo makuha yung napakagandang bunga.

"May kwento pa siya dyan." sabi ni Lola. Tinutukoy niya yata yung apo niya. "Ibibigay niya lang daw yan sa taong pinakamamahal niya, pinakamahalaga sakanya. Yung mamahalin niya buong buhay. Kaya maswerte yung pagbibigyan niya nyan."

Ang swerte nga. Ang ganda kaya nung flower. Parang ang daming story dyan sa bulaklak na 'yan.

"Ang ganda naman po. Maswerte po talaga yung bibigyan niya niyan."

"Talaga." pag-agree ni Lola Bon. "Dumidilim na ah. Asan na kaya yung dalawa yun?"

"Nasan po pala yung piano niyo, Lola Bon?" tanong ko.

"Nasa loob. Tara. Pasok na tayo."

Nakita ko agad yung piano. Hindi ko kasi 'to nakita kanina. Nilapitan ko ito at hinaplos. Mukhang bagong-bago pa. Alagang-alaga talaga ni Lola.

"Ang ganda pa rin po, Lola ng piano niyo. Mukhang bago pa po eh."

"Naku. Inaalagaan ko talaga 'yan. Ini-regalo yan sakin ng asawa ko. Inaalagaan ko rin 'yan kasi para sa apo ko. Mahilig yun dyan." sagot ni Lola. Napangiti naman ako doon. "Michelle, dito ka na maghapunan."

"Sige po. Na-miss ko rin po yung luto niyo eh."

"Naku talaga kayong mga bata kayo."

Nagluto na si Lola Bon. Ako, naglibot-libot pa ako. Matagal na talaga nung huli akong nakapunta dito.

After niyang makaluto, kumain na rin kami.  Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan pa kami ng mga bagay-bagay

Magna-9 na nung nagpaalam na akong umuwi.

Bukas, magkakakilala na kami...

Alyssa's POV

Gabi na nung umuwi kami ni Dong. Grabe! Kung ano-ano na pinagsasabi. Hindi yata sanay uminom ng beer eh.

"Para kang nasha langit kung nakita mo yun." sabi niya ng may tonong lasing.

Ako na nag-drive. Sabi niya kanina siya na daw magda-drive pabalik. Pagda-drive-in ko ba 'to? Lasing na eh.

Pagdating ko sa harap ng bahay ni Lola, may itim na kotse. Mukhang yung tinuturo ni Dong kanina. May pumasok naman na babae. Hindi ko na nakita yung mukha eh. Tinted pa yung kotse niya. Bumaba na ako. Pagdating niya sa harap ko, medyo bumagal yung takbo nung kotse.

Sino ba yun?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
AN:

Magkikita na kaya sila bukas? Gusto niyo na rin bang magkita sila? Just comment your answers, Guys. 😄

Sorry talaga hah. Baka kasi every weekend na lang ako makapag-update.

P.S
   Pero kung makaabot ng 25 yung votes, magu-update agad ako. Jk. 😄

Haha. Sorry. Ang demanding.😂

Keep safe, Readers.

Until My Last Breath | AlyDenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang