Chapter 47: [Dayle Trinidad]

Start from the beginning
                                    

"Ah-Eh. Me too, D-Dayle. Where have you been? The five of us were looking for you."

Okay?

I heard a hissed beside me at ikinagulat ko nang makita kong si Agata ito.

OMG! Mutual feeling again?! Shocks! Makakasundo ko talaga ang future sister-in-law ko!

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" mahinang bulong ko sa kanya. Tumango ito at binigyan ako nito at inirapan ang eksena sa harapan.

"Daig pa fan girl."

"Miss daw. Baka chansing,"gatong pa ni Agata na ikinatawa ko ng mahina.

"She looks like an Angel." I whispered. Noting my sarcasm.

"Yet she acts like a w—" But we both froze when we felt someone's stares behind us.

Sabay namin itong nilingon ni Agata at ikatingala. Bagay na ikinanlambot ng tuhod ko nang makita ko ang nanlilisik at nakakatakot na tingin ni Hunt.

"W-What?" Buong pagmamatapang kong protesta rito na ikina kaunting kinaikot lang ng mata nito kasabay ng pagalis niya sa aming likuran para puntahan ang babaeng nagngangalang Dayle.

"Kung makaikot ng mata, kala mo naman dyan," nguso kong bulong at pinagmasdan ang mga lalaking tila tuwang-tuwang makita si Dayle. Maliban kay Blaise na halatang ilang sa pagkakalambitin ng babaeng iyon sa kanya. At nakakakilig lang dahil kahit sa ganitong sitwasyon ay nagawa niya pa rin nitong sulyapan si Myrttle ng may buong pagaalala.

I stepped beside Myrttle, to make her feel that she is not alone. But it seems like she doesn't notice me, or let me say, she's not in this room right now.

I tried to read Myrttle's mind. But I failed to even read her blank sad expression. Does she know this girl or something?

The boys can't believe to see her again. Na para bang matagal na itong nawala. But their conversation bothers me, especially when my li'l brother broke his voice.

"Ang buong akala ko, hindi na kita makikita. Ang akala ko, nawala ka na talaga. Salamat naman at ligtas ka."

Wait? Nawala? Ligtas? Who is she? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya? Lahat ng tao sa buhay ng kapatid ko'y naikwento na niya sa akin. Except to this girl na ni katiting ay hindi niya naikwento. And what's with 'Salamat naman at ligtas ka'?

I narrowed my eyes to Dayle when her face expression flinched in a second. I don't know kung namamalikmata ako pero nagbago ang kung ano sa mukha nito. Pero hindi iyon nahalata ng boys dahil niyakap nito ng mabilis ang kapatid ko.

"A-Ano ka ba naman, syempre hindi ako papayag na hindi ulit kayo makita. Namiss ko kaya kayong lima." She smiled bitterly. And those smiles changes when Landon, Ash, and Hunt joined them. Parang naging peke na naman ang ekspresyon nito sa hindi malamang dahilan. But I can't deny how happy our boys are. They look so relieved for something I really don't get. Nevermind. Basta hindi pa rin ako kapante sa babaeng ito. Lalo na sa wirdong bagay na nakita ko.

BLAISE

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Dayle Trinidad, the one who has a big part for Five Kings. Ay nasa harapan na namin ngayon at buhay na buhay. Hindi ko ito inasahan. Ito iyong bagay na hindi ko akalaing mangyayari pa.

Lots of changes are going on to her physical appearance. Umimpis ang cheek bone nito at namutla ang dating mala-rosas na balat. But good thing is that her smile remains. A genuine smile of hers na ikinagaan agad ng loob naming lahat. Though their is something off to her expression but who cares. She's still our brave Dayle.

Sana talaga'y hindi na niya naranasan ang trahedyang iyon. Sana talaga'y naging sapat ang kakayahan naming lahat para maligtas siya noon. Pero wala kaming nagawa. At kasalanan itong lahat ng kahina-hinalang babaeng kasa-kasama niya noon.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now