Chapter 46[She's Here]

Magsimula sa umpisa
                                    

Namula naman si Ethan at ngumiti ng labas ang harapang ngipin.

Magharutan daw ba sa harapan ko?! Iniingit ba nila ako?! Nak nang...

"Oh Ate Kiera! Andyan ka na!" Masayang bati ni Ethan habang hawak hawak pa ang pisngi niya. Napatingin ako kay Kiera na parating na pwesto namin. May kasa-Kasama ito na si. Sino nga ulit to?

Naka all pink ito at naka...

WTH? Para saan ang bunny headband na yun?!

Teka naala ko na!!!!

Siya si Paris! Huh? Ang pagkaka-alala ko hindi sila magkasundo.

"Ash, Here's your girl." At nginitian niya ang kapatid niya. Para lang akong eng-eng na nakatingin sa lahat at hindi nagsasalita. Because I just can't say a word.

Kitang kita ko naman na ang nagtatakhang ekspresyon ni Ash. Napatingin naman ulit ako kay Kiera ng lapitan ito ni Hunt at ginulo ang buhok nito.Napasimangot lang si Kiera dito pero hindi nagtagal ay nag-ngitian na sila ni Hunt.

What the hell happened?!

Anong nang nangyayari sa lahat. Bakit masiyado na ata akong maraming hindi alam?

Na out of focus ba ako sa kanila? At kanino naman ako nag focus?

Kanino nga ba?

Huh?! Bakit 'kanino' ang tanong ko?! Wala akong iniisip na tao ah! Wala!

I mean 'ano' ba ang pinagkaabalahan ko?

Tsk Ewan!

* * *

Nakarating na kami sa classroom ng sabay-sabay pero syempre kulang dahil sa Myrttle na iyon!

Nagiingay lang silang lahat dahil malalate daw ang instructor namin, at ako? Wala akong pakialam. Ang boring-boring. Kaya naman napatingin nalang ako sa silyang bakante sa tabi ko.

Saan naman kaya siya pumunta? Hindi kaya mahalaga talaga ang pinuntahan niya kaya miski ang magpaalam saakin.... I mean samin, ay hindi na niya nagawa?

Ugh!

Asar kong ginulo ang buhok ko at nilarozlaro nalang ang fountain pen sa bibig ko.

Kahit kelan talaga napaka-walang kwenta mo....

MYRTTLE JOONG

Agad akong lumabas sa aking sasakyan at ang malamig na hampas na agad ng hangin ang bumungad saakin. Namiss ko ang klima na ito. Dahil malayong-malayo sa mainit at maalinsangang hangin sa Pilipinas.

I just arrived in Korea earlier using our jet plane. Ang bansa kung saan ako isinilang. Ang Korea.

Agad akong lumipad papuntang Korea ng may tumawag saaking may lead na sila tungkol kay Dayle.

Just Hell! Ang tagal tagal ko nang naghihintay ng balita tungkol sa kanya and finally mayroon na. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko. Kailangan ko nang makuha si Dayle sa kanila ngayon.

Pero nagitla ako ng mag-vibrate muli ang aking telepono at nakita ko ang isang message na galing sa unknown caller na nagsabing alam na nila kung nasaan si Dayle. Nakasaad dito ang address kung saan ako pupunta kaya agad ko naman ding pinasok muli ang sasakyan ko at pinaandar ito ng mabilis.

Finally Dayle, makikita narin kita. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong ipaliwanag ang lahat.

I missed you so much Dayle, so much. At kung dati ay hindi kita nagawang bawiin sa dumukot sayo? Ngayon hindi na ako papayag na mawala ka pang ulit sa piling ko. Hinding-hindi na ako papayag Dayle.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon