Chapter 44: [The Plan]

Magsimula sa umpisa
                                    

"This is least thing we can do to make her happy." Maikli pero malamang sabi sakin ni Autumn.

Tama, nakakainis man.. Pero totoo ang sinabi ni Autumn. Ito lang ang magagawa namin para mapasaya si Myrttle.

Hindi ko maitatangi ang sayang bumabalot sa mga mata ni Myrttle habang sinasabi niya samin ang plano niya sa mag-ama. At oo ganito si Myrttle. Kaya espesyal siya para saamin.

Lagi niyang isinasantabi ang kanyang sarili, mapasaya lang ang iba. Kung minsan ay nagsasakripisyo pa ito para lang makitang masaya ang ibang tao.

I should know. She's the reason, kung bakit nakita ko na sa wakas ang Mommy ko. Siya ang dahilan kung bakit nabuo muli ang pamilya ko. And now siya naman ang nangangailangan. Wala kaming magawa kung hindi ang gawin lang din ang ikakasaya niya. Ang magpasaya lang din ng ibang tao. Malaki ang naging papel ng karakter na ito ni Myrttle sa aming tatlo. Kay Autumn, kay Aki at lalo na sakin maging sa pamilya ko.

Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpakawala ng malakas na buntong hininga. Pinagmasdan ko matapos niyon si Myrttle at Blaise na naglalakad lalakad sa hindi kalayuan samin.

Okay fine.... gagawin ko to para sayo Myrttle dahil nakikita kong masaya ka sa ginagawa mo. But the next time na gagawa ako ng pabor? Sisiguraduhin ko ng ikaw naman mismo ang sasaya hindi ang ibang tao..

CELINE HARRISON BLAIRE

"Princess ang daming foods! Excited na akong kumain!" Hawak ni Kuya Ethan sa braso ko. Habang parehas kaming nilalanghap ang mabangong amoy ng mga pagkain sa aming harapan!

Wah! Heaven!

"Oo nga kuya Ethan pero tignan mo si Kuya bakit niya hinihiwa 'yung lityon? Asan na 'yung taga-katay niyan?" Nagtatakha kong tanong habang nakatingin sa kuya kong matatapos ng pagpira-pirasuhin ang lityon.

Omo! Ang gwapo parin ng kuya ko ! Hihi.

"Aba malay ko diyan sa kuya mo Princess. Ang alam ko ay pinaalis niya yung binayaran ni Tito na taga katay niyang lityon nung dumating eh." Nagtatakha ding sagot ni kuya Ethan.

Eh talaga? Omo! May sakit ba si kuya?! Never si kuyang gagawa ng isang bagay na madumi lalo na ang masebo. Ang weird lang...

"Naku, h'wag na kayo magtaka. Inutos kasi sa kanya 'yan ni Myrttle kaya ayan ayaw magpatulong. Kuya mo talaga. Isa siyang dakilang Hokage." Natatawang sagot samin ni Kuya Landon galing kung saan.

Ano daw? Hokage what?

"Mga Kuya ano po ang Hokage?" Takhang tanong ko ulit sa kanilang dalawa.

"Ang hokage ay other word para sa 'the moves' ng isang lalake." Hawak pa sa baba ni Kuya Landon at sinalubong ang kilay sabay ngiti.

OMG! ang gwapo!!!!

"Tama, Ang the moves naman ay ginagawa ng mga lalake kapag gusto niya ang isang babae. Halimbawa nalang ng ginagawa ng kuya mo ngayon. Dahil utos 'yan sa kanya ni Myrttle. Ayaw niya pagawa sa iba." Pilyong ngiti rin ni Kuya Ethan!

Ugh! Masyadong nakakasilaw ang kagwapuhan nilang dalawa!!

"Hoy! Mga loko-lokong 'to! H'wag niyo nga turuan ng kung ano-ano si Celine." Nagulat ako ng kotongan pa ni Ate Linzy si Kuya Landon at Kuya Ethan.

At mukhang masakit 'yun!

Pero ano daw?! Kapag gusto niya ang babae? So ibig sabihin may gusto si kuya kay Ate Myrttle?!

My god! Seryoso na ba "to?

Naagaw ang atensyon ko ng tanggalin ni Kuya Blaise ang apron niya at naglakad papalayo.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon