[MPG2>33-MinoxKitkat]

Magsimula sa umpisa
                                    

==============


Mino:

Andito kami ngayon sa bar ni John.

"Oy Mino cp mo kanina pa tumutunog. Di mo sasagutin??" Renn

"tss..hayaan niyo lang yan"

Sinilip ko yung phone ko..

Naka 23 missed calls na si mommy..

Haaaayy..

Bahala sila..

Maya maya pa ay biglang may tumayo sa harap ko.

Masama ang tingin ng mga kasama ko sa kanya.

"mga bodyguard ko" paliwanag ko sa kanila.

"young master Mino pinapauwi na po kayo"

"hindi ako uuwi..sabihin niyo"

Tumingin siya doon sa mga kasamahan niya.

Lumapit sila at bigla na lang akong binuhat..

"Oy! Oy!!"

Anim silang kumaladkad sa akin palabas ng bar.

Tinatakasan ko sila..

"Oo na uuwi na! bitiwan niyo ko!!"

Hindi nila ako sinunod.

Sinakay nila ako sa sasakyan.

Pagdating ko sa bahay, andun na nga sila.

Mga magulang ko, si Althea at yung mga magulang niya.

"Hi Mino!!!" agad akong binati ni Althea at humalik siya sa pisngi ko.

"di mo bagay.." pasimpleng bulong ko sa kaniya

"wala naman akong magagawa.." sagot niya

"oh pare, bagay na bagay talaga silang dalawa.." daddy ko

"oo nga pare ahahahaha.."

"o pano maghapunan muna tayo?" mommy ko

Nagsipunta na ang lahat sa kusina..

Nahuli ang daddy ko at inakbayan ako.

"subukan mong sirain ang gabing ito. Subukan mo lang talaga. Malaking pera ang naksalalay dito."

Yun pala yun..

"oo salamat ha. Maayos naman lagay ko. Salamat sa pagtanong after nating hindi magkita ng ilang taon" tinanggal ko ang kamay niya at naglakad na ako papunta sa dining.

Isa si Kitkat sa mga nagseserve ng food.

Namamaga ata yung mga mata niya..

"uuhh..Mino hijo kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ng mommy ni Althea

"ok naman ho."

"anong kukunin mo pagkacollege mo?" daddy niya naman.

Sasagot palang ako nang sumingit ang daddy ko..

"magiging abogado yan. Diba anak?"

Hindi na ako sumagot

"aba! Abogado pala ang mapapangasawa ng anak ko hahahahaha"

"oo nga daddy"

"etong si Althea naman, anong kinukuha?" tanong ng mommy ko

"aaah, tapos po ako ng kursong architecture pero nagmamasteral po ako ngayon ng Business Administration"

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon