Chapter 42: [Slave]

Start from the beginning
                                    

"Sabing tahimik 'e!" Sigaw ni Landon na ikinagulat naming lahat.

"You shut up!" Ganti naman ni Ate Linzy dito.

"Problema mo ba?!" Galit na daing ni Landon.

"Problema mo rin ba?"

Ganti naman ni Ate Linzy.

At hindi ako makasinget sa kanilang dalawa dahil ramdam na ramdaman ko ang tensyon.

Napatingin naman ako sa ibang rulers at bumuntong hininga lang naman silang lahat at pumukit na.

Don't tell me hindi nila pipigilan si Ate Linzy at Landon?!

No, Kailangan kong nay gawin!

Go Ethan! Ikaw nalang ang pagasa para hindi na sila magaway!

"Tama na 'yan."

Pikit mata kong awat sa tono kung saan gayang gaya nito ang viral video ng Pabebe Girls sa facebook.

"What the!"

"Than-Than!"

Sabat at halos nandidiri nilang pigil saakin.

Nanliit naman ako nang tignan nila ako ng masama lahat.

Yah! Gusto ko lang namang awatin sila ah!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Agad kong minulat ang mata ko nang kalabitin na ako ng driver.

Sinimangutan ko lang naman ito at bumaba na.

Sa wakas nakarating narin kami sa isa sa mga resort ni Dad sa Bolinao Pangasinan.

Wala nang tao sa loob ng Van kaya naman nagdesisyon na akong bumaba matapos kong isoot ang shades ko.

Pagkababang-pagkababa ko palang ay napakunot na ang noo ko nang bumungad saakin ang mga mapangintrigang mga mata ng lahat. Na tila ba hinihintay ako ng mga itong lumabas!

Pansin kong nakagayak na ang mga ito at nagkukumpulan sila sa isang kubong nakalaan para sa mga bisita.

"What?!" Bulyaw ko dahilan upang kanya-kanya na silang magkalasan at nagsimula ng maglakad sa tulay upang tuluyang mapuntahan ang dagat.

Matagal narin mila noong nakapamasyal kami dito nila Mom. Limang taong gulang palang si Celine noon. Pero hanggang ngayon ay wala paring kakupas-kupas ang kagandahan nito.

Ang resort ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang reception kung nasaan ang mga kubong tutuluyan ng mga bisita. At ang white sand beach na ipinagmamalaki ng Resort ni Dad. Ang dalawang ito ay pinapamagitan ng isang artificial pond kung saan nandoon ang iba't-ibang isda tulad ng mga karpa. Bagay na ikinagaganda nito ng husto lalo na't may pagkakataon kang titigan ito dahil sa tulay na nagdudugtong sa dalawang bahagi ng resort. Gawa lang ito sa kahoy ngunit ang kasimplihan nito'y nakadadagdag sa kung gaano kanatural ang ganda sa resort na ito.

Sa pwesto ko ngayon ay tanaw na tanaw ko ang puting buhanginan sa dulo ng tulay maging ang mga nakahirerang kubo para sa tambayan ng mga maliligo sa asul na asul na tubig ng dagat.

Pero kahit na ganito kaganda ang lugar ay kunot noo ko paring tinitignan ang lahat.

Inis ko lang ring pinagmasdan ang mga Rulers na naguunahang tumakbo sa beach para tumakas sa galit ko.

Napakabibilis!

Nakakainis kasi! Dapat ay masaya ako ngayon 'eh! Kasi Birthday ni Celine pero ano?! Daig ko pa sinakluban ng langit at lupa!

Badtrip! Naiinis akong natalo ako ng isang babae! At ang pinaka nakakabwisit doon ay si Myrttle pa!

Ugh! Hindi ko matatanggap 'yun!

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now