[MPG2>24-Yano <3 Jade]

Start from the beginning
                                    

Again, nalate siya at kiniliti niya naman ako..

"aaarrrrggghhhh...hindi ko na matiis ang mayabang na yun!!" sigaw ko pagpasok ko ng council.

"relax ka lang Jade...wag mo na kasing pansinin.."

"hindi! May goal ako at dapat kong matupad yun! Mapapatino ko ang lalakeng yun"

"eehh...matino naman si Yano eh." Singit nung isa kong kasama sa council.

"yung necktie niya magulo pati na ang buhok..lagi pang late"

"alam mo Jade hindi naman dating nalelate yung si Yano. Simula lang nung sinita mo siya lagi na siyang late"

"aaaayyyyiiieeee" sigawan nilang lahat sa council.

"hmph..ah basta papatinuin ko yun."

Naglakad na ako papunta sa pwesto ko at nilabas ang notebook ko..

Gagawa ako ng strategy para maparusahan yung Yano na yun..

Luluhod ka din sa akin mwahahaha..

==================


Yano:

"pansin ko lagi kang late ngayon" John

"late ako nagigising"

"yun ba talaga o dahil dun sa nasa council na lagi mong kinukulit" Caleb

"sus...siya ang kumukulit sa akin no. hindi ganun ang type ko"

"alam mo Yano kialala kita" John

"namumula ang tenga mo pagnagsisinungaling ka!!" sigaw nilang lahat

Agad kong tinakpan ang tenga ko...

"tara na sa room late na tayo!!!"

=====================


Jade:

Ngayong umagang to for sure!

Mailalagay din kita sa pila ng mga late!!!

Ang haba na nung pila ah..

Wala parin ang mayabang na lalakeng yun..

Hanggang sa ginawa na nila yung punishments nila wala pa din siya..

Pumunta ako sa may gate at sumilip..

Walang tao..

"Jade balik na tayo sa office" sabi nung kasamahan ko

"okay."

Naglakad na ako papunta sa council.

Kinuha ko yung mga gamit ko at dumiretso na sa klase ko.

Bakit kaya wala yung mayabang na yun?

Teka nga bakit ko nga ba iniisip yun?

Aaayyy nako Jade!!!

Natapos ang klase na siya ang laman ng utak ko..

TT^TTwala tuloy akong naintindihan ajuju..

Nung nagring yung bell

Agad ko nang kinuha ang gamit ko para pumunta na sa council.

Nakasalubong ko yung dalawa kong kasamahan na sila Maggie at Lance.

Paglabas namin ng building ay nakita namin na may pinagkakaguluhan ang ilang mga estudyante.

Bilang part ng council ay agad kaming nagtungo doon.

Pinalayo namin ang mga estudyante at tumambad sa amin ang dalawang lalake na nagsusuntukan.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeWhere stories live. Discover now