[MPG2>19-Magulo ang mundo]

Start from the beginning
                                    

Nakaramdam ako ng galit at sakit sa sinabing yan ni Uno..

"pinoprotektahan? Oo nga pala..ito ang alam mong paraan para protektahan ako. hindi ba tinapos mo na ang lahat sa atin Uno? Sa pamamagitan ng pag-iwan at paglayo mo sa akin mapoprotektahan mo ako. kaya huwag ka nang makialam pa dito Uno.. nauna kang bumitiw.. LAYUAN MO NA AKO NG TULUYAN!!!!!"

Tumakbo na ako palayo sa kniya...

sa kanila..

napakasakit Uno..

gusto mo akong protektahan kaya ka lalayo?

Kalokohan yun Uno..

Mas ramdam kong ligtas ako pagnasa tabi kita..

Pero ito ang pinili mo..

Tuloy tuloy na ang pagtulo ng mga luha ko..

Hindi ko na nakikita ang dinadaanan ko kaya hindi ko napansin kung ano man yung humarang sa paa ko

kaya ako nadapa paharap.

Naramdaman kong masakit ang tuhod ko pero wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko..

Naiinis ako sayo Uno..

Naiinis ako sa mga desisyon mo..

Hindi mo man lang ako naisip,,

Hindi mo naisip na kailangan kita sa tabi ko..

"UNO!!!! Ang tanga tanga mo!!!!!"

Patuloy lang ako sa pag-iyak..

An tanga tanga mo Uno..

======

Hmmm...

Bakit parang ang lambot na ng hinihigaan ko?

Nasa damuhan lang ako kanina pero ngayon parang..

Parang nasa kama ako...

Idinilat ko ang mga mata ko..

Tama nga ako..

Nasa isang kwarto ako..

Waahh..

Hindi ko kwarto ito..

Asan ako?

Sinilip ko yung sarili ko sa ilalim ng kumot..

Iba na ang suot ko..

Waahh..

Narape ba ako??

Gumilid ako sa  kama at umupo..

Saka ko lang napansin na may nakaupo pala sa couch malapit sa bed..

Tulog siya..

Si Zain..

Bakit kahit tulog eeh ang gwapo niya?

>,<

Teka hindi ito ang oras para magkacrush Eri!!

Bumaba ako sa kama at lumapit sa kanya..

Ang gwapo niya nga talaga..

Ang kinis din ng balat niya..

Mahaba ang pilik mata..

Nakasalamin siya pero hindi siya mukhang nerd..

Nakadagdag pa sa kagwapuhan niya yung salamin..

Hindi ko napansin na sobrang tinititigan ko na pala siya at ang lapit na nung mukha ko..

Bigla siyang dumilat kaya naman nagulat ako at napaatras..

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeWhere stories live. Discover now