Bakit ko pa sasayangin ang laway ko sa Myrko na 'to! Pero huwag niya lang talagang sabihing nagkamali lang siya ng pagpasok ng kwarto!? Ang akala niya ba ay dito ang kwarto ng ASAWA NIYA?! UGH!!!!

Pwe!! Asawa-Asawa! seventeen years old palang nag-asawa na?! Kalokohan!

Tumigil ulit ito sa pagtawa,"Okay hindi na talaga promise!" Hugot pa nito sa hininga niya, "So ayun nga! Good morning Bro! I mean Good Afternoon pala!" Parang engot pa nitong bati saakin.

MYRKO JOONG

Laughtrip itong future boyfriend ng kapatid ko! Kung magalit saakin wagas! Hindi ba niya nahalatang magkamukha kami ni Myrttle? Naku naku naku! Ang dami na talagang taong slow ngayon! 'Di sila gumaya sakin napakagaling kong pu-mick up!

Nakita ko naman ang nanlilisik na mata sakin ni Blaise na walang ginawa kundi ang magpaka-beast mode!

Lagi nalang nakasimangot! Paano niya mapapasaya ang kapatid ko kung maging sila hindi ba? Tss! Hindi pwede 'yun! Bibihira na nga ngumiti ang maganda kong kambal dadagdagan pa niya.

Naku naman!!

" Tss! So ano nga kailangan mo dito?" Mahinahon nitong tanong sakin. Pero kita ko paring nagpipigil lang ito ng inis sakin.

Bakit? Hindi pa ba siya nakakita ng taong isinilang na mas gwapo pa sa kanya? Naku naku naku. Wala na tayong magagawa diyan..

Gwapong-gwapo ko lang na isinandal ang sarili ko sa pader at pumulsa.

And yeah! Sisimulan ko na ang pagsasabi sa kanya ng totoo. Na hindi ko asawa ang kapatid ko. At sa pamamagitan ito ng pag-gaya ko ng galaw nang napaka-ganda kong kapatid.

Kita ko naman ang pagpapalit ng ekspresyon ng mukha nito dahil napalitan ito ng pagtataka sa ginagawa ko.

Naku naku! Mas gwapo ba ako sa ganitong estado? Aw! Ayoko kasing maging cool baka maging perfect na ako!

Pero dahil mabait ako pagbibigyan ko siyang makita akong cool sa ilang mga sandali hanggang mahulaan niya kung anong relasyon namin ni Myrttle.

Tama Myrko ang talino mo talaga!

I started with the glare Myrttles' usually gave me, "I'm here to tell you something." Kaswal ko pang tono. At kita ko namang kumunot ang noo nito.

Pfft... So ganito itsura ni Blaise kapag katapat niya na ang kapatid ko?!

"T-tell about w-what?" Kabado pa nitong tanong sakin. Gusto ko siyang tawanan dahil halatang-halata sa kanya ang pagkamaputla ng mukha niya.

Until one evil plan flashed in my brainy mind.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Iyung totoo? B-bakit nag-iba bila ng mood itong lalaking 'to? B-bakit a-ang sama na niyang tumingin s-sakin? At b-bakit ako kinakabahan ng ganito?!

Pero mas lalo akong kinabahan nang humakbang papalapit saakin si Myrko with his serious stares!

"T-tell about what?" Tanong ko dito.

Inilapit nito pa ng sarili niya saakin. Hanggang sa huminto ito sa harapan ko ng walang halong emosyon.

Ugh!!! Whats wrong with his action?! Katulad na katulad ito ng kay Myrttle....

Inilapit pa nitong lalo ang mukhs niya saakin kasabay nang pagguhit ng isang mapangasar nga mga ngiti...gaya ng ngiting mayroon kay Myrttle.

He moves like M-Myrttle...

He speak like M-Myrttle...

At nang maintindihan ko na ay talaga namang nanlaki ang mata ko kasabay ng marahas kong pag tulak sa napakalapit niyang mukha saakin!

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Место, где живут истории. Откройте их для себя