Chapter 36 [I'm Sorry]

172K 4.5K 1.1K
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Sa sobrang saya ng gabi ko'y maaga akong nagising upang gumayak patungo sa school. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya sa ganoong pangyayari?! Matutupad lang naman ang pangarap kong makasama si Queen Mizuki! Ang babaeng gustong gusto ko!

At dahil sa gwapo ako'y nagpagdesisyunan kong manlilibre ngayon ng breakfast para sa Rulers! Ipapamukha ko sa Myrttle na 'yan na hindi lang siya ang may lovelife!

Huh! Kung inaakala niyang siya lang, pwes ako din!

If I know, mas perfect match kami Mizuki kesa sa kanya at sa bisugong iyon!

But...Ugh! bakit ko ba siya iniisip? Ang mahalaga makakasama ko si Mizuki sa laban! Sa wakas! Sa wakas matutupad narin ang pangarap ko!

Sa aking pagharap sa full length na salamin ay tumambad agad saakin ang nagliliwanag kong kagwapuhan. Kaya naman agad kong sinuklay ang aking basang-basa pang mga buhok ko kasabay ng pagkagat ko sa aking labi.

"Oh Blaise, why so gorgeous?" Titig ko pa sa aking mga abs na talaga namang mas ikinaperpekto ng aking kagwapuhan. I'm only wearing a pants na unti-unting nababasa dahil sa mga tubig na natira saaking katawan gawa ng aking pagligo.

Saglit ko pa muling pinagmasdan ang aking mukha ng mapansin kong nagkukulay pula parin ang aking pisngi. Bagay na ikinakunot ng aking noo.

Good Lord! Namumula parin hanggang ngayon ang kurot saakin ni Mizuki!

Pero hindi ko talaga maiwasang mapaisip 'eh. Masyadong biglaan ang pagkurot saakin ni Mizuki kagabi. Oo, kinilig ako doon. Pero, 'yung kamay niya kasi... Sobrang pamilyar ang amoy ng kamay niyang iyon.

Amoy strawberry...

Kaamoy at kasing diing kumurot ni... No, that's no way.

Ang layo ni Myrttle kay Mizuki! Bakit ko ba kasi sila ikinukumpara?!

Dahil sa inis ay pinili ko ng mas bilisan ang aking kilos para tuluyan ng makababa sa aking kwarto. Pinilit kong ialis ang ideya na iyon sa aking isip upang tuluyan ng maging maganda ang araw ko. Nakangiting bumaba kaya buong ngiti rin akong sinalubong ng mga katulong naming nakaherera na ngayon.

Tuwing umaga at alam na nilang oras na ng aming pagbaba sa kwarto ay mabilis nang hihirera ang mga kasambahay sa aming mansyon upang kami ay batiin. Ito ay nakagawian na lalo na't ito ang ibinilin ni Mom sa mga kasambahay namin noon pa man.

Si Mommy.

"Magandang Umaga Young Master." Sabay-sabay nilang bati saakin na hindi ko maiwasang hindi mangitian pabalik. Kita ko ang pagtatakha sa kanilang ekspresyon na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin.

Marahil ay hindi sila sanay na pansinin ko sila. Magsimula bata palang kasi ako ay likas na sa akin ang hindi sila binibigya ng pansin.

"Nakahain na ang agahan mo Young Master." Masayang bati saakin ni Manang Ising. Kaya napatingin ako sa lamesa at napakadaming nakahain dito.

Tss. Paano ba ito? Hindi ako pwedeng kumain. Sa school ako mag aalmusal kasama ang Rulers. Actually, nauto lang talaga nila ako kagabi na ilibre ko sila kaya nauwi ang lahat sa ganito.

"Aw. Pasensya na po Manang Ising, pero may usapan po kasi kami nila Ethan, at sabay sabay po kaming kakain ng agahan ngayon." Paumanhin ko na agad nitong ikinalungkot. Kaya naman agad ko itong nginitian at tinanaw ang mga pagkain sa mesa.

"It's okay Manang Ising. Kayong nalang pong lahat ang kumain nitong agahan. Para po hindi narin masayang." Tanaw ko pang muli sa iba pa naming kasambahay na tila nagugulat pa sa sinasabi ko. "Sige po, aalis na po ako Manang." Tuluyan kong paalam at mabilis ng lumabas sa mansyon.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon