"Alam mo rita lagi nalang tayong namamasyal dito sa mall..halos lahat ata ng sulok ng mall eh nalibot na natin"sabi ni sisi
Napatingin nalang ako sakanya..kahit kaylan talaga napaka-reklamador nya naiinip samantalang sumasama naman pag-niyayaya
Nasa isang section kami ng mga furnitures ng bigla nya 'kong kalabitin
"Rita asan ba dito yung cr?.kaylangan kong umihi saka mag-aayos narin ako ng sarili."
Nawala ang pagtitig ko sa mga sofas saka sya nilingon
"Sa second floor pa yun eh talaga bang naiihi ka na?"
Tumango lang sya..
"Oo hintayin mo nalang ako rito at ako nalang mag-isa ang pupunta..wag kang aalis dito ah sandali lang ako" ani sisi sabay alis
Lumipas ang ilang minuto..ng nagsawa na 'ko sa mga furnitures doon ay pumunta nalang ako sa tabing escalator para hintayin si sisi
Kumunot ang noo ko ng matanaw ang naglalakad na si sisi..tulala sya at parang maputla kaya agad ko syang nilapitan
"Hoy sisi bakit ganyan ang ayos mo?.akala ko ba mag-aayos ka.?.nag-ayos ka na nyan ah." sarkastiko kong sabi sakanya
Tumingin sya sakin..lalo akong nagtaka dahil parang naging kakaiba ang kilos nya hinila nya 'ko papunta sa isang bench
"Rita..m-may n-nakita ako kanina sa cr ayoko nang pumunta sa cr."-sya sa pautal-utal na pananalita
Natawa ako sakanya..
"Ano bang nakita mo?.nakakita ka lang ata ng pogi kaya ka nagkaganyan eh"
Nagulat ako dahil sa pagtulo ng luha nya..nag-umpisa na syang magkwento
-sisi's pov-
Nasa cr na 'ko..nakaramdam ako ng biglaang pag-ikot ng tyan..ano ba 'yan natatae pa 'koPumunta ako sa ikatlong cr..pagka-upo ko palang ay nagsimula na 'kong tumae..hay ang sarap sa pakiramdam
Ng matapos na 'ko sa ginagawa ay dumukot ako ng tissue..badtrip naman oh!!bakit walang tissue dito kainis naman anong ipang-pupunas ko nito.?
Nagulat ako ng may kamay na lumusot sa ilalim ng pinto..sa mga cr ng mall ay kita ang hita ng nag-ccr dahil hindi naman buo ang pinto
Maputi ang kamay at mahahaba ang kuko..sa babaeng kamay siguro ito may cutics pang kulay pula pero mas sumaya ako ng makita kong may hawak syang tissue at mukang inaabot nya yun sakin..agad ko yung kinuha saka ako nagpasalamat
"Miss salamat ah.!!.wala na kasing tissue dito eh." pasigaw ko sa babaeng nag-abot nun sakin..walang sagot
Ng natapos na 'kong magpunas ay kinuha ko na ang bag ko..nakikita ko parin ang paa ng babae..infairness pula ang stilleto nya at talaga namang napaka-puti ng paa naka-steady lang sya sa tapat ng pintuan kung san ako nag-ccr..paborito nya siguro ang pula
Nagtaka lang ako dahil paglabas ko ay wala na roon ang babae..nagkibit-balikat nalang akong pumunta sa salamin para mag-ayos
Maya-maya'y may babaing pumasok..muka syang janitress kunot ang noo nyang kinausap ako
"Hoy miss.anong ginagawa mo rito?" tanong nga
Baliw ba sya?malamang mag-ccr..cr to eh klaseng tanong yun.?!
"Miss bawal mag-cr dito..under renovation pa itong cr na 'to hindi mo ba nakita ang tarpaulin na nasa labas nitong cr?.wala ka bang napapansin?..kaya nga walang kahit sinong pumapasok dito" sabi nung janitress
Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa takot..
"Pero ate may kasama nga po akong babae dito sa ladies cr na 'to..inabutan pa nga nya 'ko ng tissue."
"Hay naku!!kanina pa 'ko nasa tapat pero wala pa 'kong ibang nakikitang ibang pumasok bukod sayo." Mataray na sabi ng janitress
"Saka kaya nirerenovate 'tong cr na 'to kasi may nagpakamatay dito..hindi pa napapa-blessing 'to hangga't dipa naaayos ang buong cr."pagpapatuloy nya
Natagpuan ko nalang ang sariling tumatakbo paalis ng cr..hawak ang tissue mas nagulat ako dahil inuuod na sya at sobrang dumi na parang may mga buhangin at lupa..napaiyak nalang ako sa sobrang takot
Ng naikwento sakin ni sisi ang lahat ay halos matakot ako kasi naman ay habang naghihintay ako kanina sakanya ay may lumapit saking isang babae na mahaba ang buhok..maputi all red ang suot at may cutics na kulay pula
Dahil ino-offeran nya rin ako ng tissue
BINABASA MO ANG
Horror Files
HorrorBuklatin at basahin ang iba't-ibang kwentong magpapakilabot sayo at sa katabi mong hindi mo nakikita