Chapter 28: [ Her tears]

Depuis le début
                                    

Ramdam na ramdam ko ang mabigat na paghinga nito sa balat ko. Na tila nakakapaso dahil sa sobrang lapit nito sa mukha ko.

My heart hurts like hell. I want to punch him, I want to slap him but I can't manage to move a little.

Napatulala ako sa nangyayari ngayon. Gustong mag react ng katawan ko pero hindi ko magawa.

What's happening to me! Move!! Ugh!! But I-i cant!

Gusto kong magkumawala ngunit nananatiling tila batong nanigas ang aking katawan.

I look at his eyes. Wala itong buhay. Galit... galit ang bumubuo dito.

"Pwera nalang kung akitin mo ako para maging sayo at sunud-sunuran mo. Just like what your mother did to my father." Bulong nito saakin na sapat na upang mawalan ng kontrol sa sarili ko.

My M-Mom? My real mother?

Dahil sa narinig ko'y hindi na ako tuluyang nanlaban sa kanya. I just looked down and a warm thing came out from my eyes. Nangatog na rin ng tuluyan ang tuhod ko at ang pagkakayakap nalang niya sakin ngayon ang nakakapagpatayo saakin.

Am I crying? A-ako umiiyak?

B-bakit?

Pero mas lalo lang pumangibabaw ang galit sa puso ko ng mag-sink-in sakin ang lahat ng sinabi sakin ng lalaking ito.

Bagay na naging dahilan ko para tinibayan ko pa ang tuhod ko at marahas siyang tinabig papalayo saakin. Nagdilim na ang paligid ko sa pagkakataong ito at isang malakas na sampal nalang ang namalayan kong dumapo sa pisngi ni Blaise.

"D-Don't ever d-dare to say things against my Mother again." Pagbabanta ko dito kasabay ng tuloy-tuloy nang pag-bagsak ng mga luha ko.

Nagdugo ang mga labi nito na tila ba natauhan sa ginawa niya saakin.

H-How dare you to accused my Mother! How dare you...

I can't stop my tears from falling and I don't even know why I'm crying right now. I don't know...

I just d-don't know.

* * * * *

Tuluyang napatigil ang lahat ng bigla nalang sampalin ng dalagang si Myrttle si Blaise sa harapan ng lahat ng rulers. Walang idea ang mga ito sa nangyayari. Halos kiligin pa nga si Linzy sa dagliang pagyakap ni Blaise kay Myrttle, sa pagaakalang maganda itong bagay. Pero sila'y nagkamali nang tuluyan na nilang nakita ang mga luha ng dalaga...ng kanilang kaibigang si Myrttle.

Bagay na ikinainis ng ilan at bagay na ikinagalit ng mga kalalakihan.

Ang totoo'y nahihiya ang mga rulers sa kanilang sarili dahil sa matapang na pagtatapat ni Myrttle kay Blaise. Mga katagang pinananatili lang ng mga rulers sa kanilang isipan upang huwag masaktan ang kanilang leader.

Ngunit ang mapaiyak si Myrttle sa hindi malamang dahilan ay sobra-sobra na para sa mga ito.

"Don't ever say that again! Maybe...yes! I didn't meet my mother yet. Oo hindi ko siya kilala. At oo ni mukha niya hindi ko pa nakikita p-pero—" Basag na boses ng dalagang si Myrttle na ikinatakha pa ng mga Rulers.

"—pero naniniwala ako. Naniniwala ako na hindi iyan totoo. S-sinungaling ka, Sinungaling...."

Ngunit naputol ang sasabihing iyon ng dalaga nang isang tao ang hindi nila inaasahang dumating.

"Blaise! Oh my god! Anong nangyari sayo!!"

Sigaw ng dalagang si Alaine De Castro na ikinalingon ng lahat ng may kunot sa mga noo.

Pero iba lang ang naging reaksyon ni Myrttle dito. Dahil bigla nalang natawa ng mapait ang dalaga kasabay ng marahas nitong pagpunas sa kanyang mga luha.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant