Chapter 28: [ Her tears]

Start from the beginning
                                    

Gusto ko na sana siyang sipain sa pagmumukha pero wala talaga ako sa mood ngayon. Ayoko, at huwag mo akong pilitin.

Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano rin ang problema niya kung ayaw ko kay Alaine. Bakit, siya ba ang nakakita sa kagaspangan ng paguugali ng babaeng iyon? Alam niya ba kung paano ako tinulak ng babaeng iyon sa nasusunog na bintana nung narinig niya ang sigaw ni Blaise?

Yeah, siguro nga pinipersonal ko si Alaine kung minsan. Pero hindi ako kampante sa wirdo niyang mga ikinikilos. Ang mga konklusyon at kutob na nabubuo saakin ay hindi ko maisantabi dahil ito lang ang hawak-hawak ko ngayon para matulungan siya.

Matulungan ka Blaise. Matulungan ang isang siraulong leader na inaako ang lahat.

"You shouldn't fight in front of the food." Mahinang pigil ni Agata na nakayuko lang habang nakatitig sa pagkain nito.

Yeah we should stop. Ayaw ni Agata sa ganito. Agata is a lady with full of life etiquette. Ang buhay na hindi ko kayang isabuhay.

"Sa bagay hindi nga kita kontrolado! Lahat naman kayo 'e. Wala akong control sa inyo. Sino nga naman ako hindi ba?! I'm just your freaking Leader, who can't do anything!" Gigil nitong sigaw kasabay ng malakas nitong paghampas ng kanyang kamay sa lamesa. Bagay na ikinagulat ng lahat. Pero ikinakunot ng noo ko.

Ano ba talaga ang problema niya?! Huwag niyang sabihing dahil ito sa mga sinabi ko kanina? The hell?! Mali ba ang mga pinagsasasabi ko?!

Ethan holds my arms pero hinawi ko lang ito.

Hindi na Ethan. Hindi ko hahayaang kainin siya ng kakitiran ng utak niya.

"'Yun nga, leader ka lang namin." Pabalang kong sabi dito kasama ang aking mapait na ngiti.

Pero binawi agad ang ngiting iyon at galit na galit na tumayo sa kinauupuan ko. "Leader na walang ibang ginawa kung hindi isipin ang ego niya. Leader na walang ginawa kung hindi sundin kung ano lang ang gusto niya. At leader na walang ginawa kung hindi gustuhing kumilos mag-isa!"

Dahil sa gigil ay agad kong ring inihampas ang aking kamay sa lamesa.

"Oo, tama ka! Pasok nga sayo ang depinisyon ng isang magaling na leader!" Sarkastiko ko pang halukipkip dito.

Nakakainis! Bakit ba sa lahat ng tao, dito pa ako sa lalaking ito hindi makapagtimpi?! Lahat ng bagay napagtitimpian ko pero bakit sa kanya hindi? Bawat salitang lumalabas sa kanya ay tumatagos saakin na halos ika-guilty ko kahit hindi dapat!

Ang sakit Blaise lalo na't kung sayo galing!

'Ni hindi ko naman inapakan 'yung pagiging leader niya ah?! Anong problema niya?! Gusto ko lang siyang itama. Gusto ko lang na malaman niya ang saloobin ng mga myembro niya. At alam kong makakatulong sa kanya iyon.

"So hindi dapat ako ang maging leader?!" Mapait nitong ngiti na ikinanlaki ng mata ko.

Anong pinagsasasabi niya?!

" Edi lumabas din ang gusto mo! Gusto mong maging leader kaya ka ganyan? Gusto mo akong palitan!" Lumabas na ito sa kanyang kinauupuan at naglakad na papalapit sakin. Hindi naman ako makagalaw dahil sa hindi ko maintindihan kung saan niya hinuhugot ang lahat ng sinasabi niya ngayon.

"Pero sorry ka, dahil sampid ka lang sa grupo na 'to kaya hindi mo magagawang maging leader ng kung ano! Pwera nalang kung—"

Tigil nito sa harapan ko na ikinagulat ko.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at nakita ko nalang ang sarili kong hapit-hapit nito. Bagay na ikinalambot ng husto ng tuhod ko. Dahil sa mababagsik na mga mata nito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now