Chapter 26: [ The Announcement ]

Start from the beginning
                                    

Hindi ko naman sinasadya pero masamang tingin ang agad na itinapon sakin ng iba kong ka-myembro na ikinairita ko kaya sinagot ko sila ng masama ding tingin at umiwas na sa mga ito.

Ayokong makipagtalo kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa buong meeting hall ng Crimson Palace.

Ang hall ay napupuno ngayon ng mga itim at na lamesang bilog na pinalamutian ng mga ginto at pulang mga ribbon. Ang mga ito ay kinapwepwestuhan ngayon ng isang daang grupong opisyal na myembro ng Crimson Palace.

Nasisigurado kong ang iba sa kanila ay nanggaling pa sa ibang lugar. Na hindi ko na ipinagtakha dahil sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang muli naulit ang pagpapatawag ng pulong ng Reyna ng Crimson.

Sa isang daang grupo na mayroon ang Crimson palace ay may natatanging sampong grupo na pinakamalakas sa lahat. At kami ang nangunguna doon.

Ang sampong grupong iyon na kinabibilangan namin ay nasa harapang bahagi ng bulwagan ngayon.

Ang iba ay magkakasayahan, at ang iba naman ay masamang nakatingin sa isa't-isa. Bagay na hindi katakha-takha dahil mahigpit ang labanan para makabilang lang sa sampung grupong iyon.

Sa tabi naming lamesa ay ikinaagaw ng aking paningin ang nagiisang babaeng nakapwesto sa katabi naming lamesa.

Matagal narin noong huli ko siyang makita. Nakasoot parin ito ng kanyang full mask na kahit minsan ay hindi ko pa nakitang hinubad niya. Magara at astig din ang pagkakagawa sa gown nitong soot na may mumbinasyon ng asul at itim.

Her codename is Angel of death. We called her Angel. At oo, taliwas sa lahat ang kanyang estado dahil kung kami ay may limang myembro. Si Angel ay nagiisa lang. Gayunpaman ay nagawa niya paring makabilang sa sampong natatanging myembro ng Crimson Palace.

Queen Mizuki, Sakura the protector, and Angel of death.

Sila ang mga personalidad na kahit kelan ay hindi pa nakikita ang mga mukha. At ang mga maskarang soot nila ay hindi nila tinatanggal kaya naman para saamin ay isa silang palaisipan.

Nang manawa na ang aking mata kakamasid ay agad na akong tumayo ngunit bago umalis ay binigyan ko muna ng lollipop si Ethan.

"Here." Abot ko sa kanya nito na agad din nitong kinuha kasabay ng kanyang pag-ngiti.. Bagay na ikinangiti ko rin dahil sa wakas at hindi na ito umiyak pa.

Matapos niyon ay tumayo na ako ng tuluyan upang magtungo sa labas ng palasyo at lumanghap ng sariwang hangin.

Ayoko sa loob, hindi ko magawang maging kalmado matapos kong makita si Mizuki na may iba nang kasamang lalake sa kanyang pagbalik. Matagal akong naghintay sa pagkakataong ito. Gusto kong ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. At hindi ako mapipigilan ng kahit na sino.

Pero dahil sa prustasyon ay marahas kong inihilamos ang kamay ko sa aking mukha dahilan upang matanggal ang aking maskara.

Ugh! Sino ba kasi ang lalaking iyon! Hindi pwedeng may nobyo na siya! Gusto ko ako ang maging nobyo niya!

"You're having a bad night huh?" Ngunit agad akong napabalikwas ng bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.

Ang babaeng pinagmamasdan ko lang kanina ay nasa tabi ko na.

Ang rank 9 solo gang na si Angel of death.

Malayo ang tingin nito na sinundan ko lang din naman.

" Get lost." I commanded lamely. Na sinundan naman nito ng aburidong pagbuntong hininga. Bagay na hindi ko pinansin at pinagmasdan lang din ang malawak na kagubatang nakapalibot sa Crimson Palace.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now