Chapter 25: [ The Palace Queens]

Start from the beginning
                                    

Bagay na nakapagbibigay saakin ng kilabot dahil tila malalamon ka nito ng buo.

Nang tuluyan na akong nasiyahan sa muli kong pagtitig sa maskara ay tuluyan ko ng sinoot ito upang makumpleto na ang pormal na kasootan bilang isang reyna ng pinaka mahusay na dibisyon sa loob ng ilang taon.

I am now wearing a glamorous gown made by Paris na talaga namang ikinaangat ng porselana kong kulay at buhok kong mamula-mula. May kumbinasyon ng pula at itim ang gown na malayang nakalaladlad sa sahig dahilan upang matakpan nito ang paanan ko. This dress looks classic the way Paris made it. Hubog ang katawan ko dito na nilagyan pa ng mangilang mga kumikinang na bato na nakapalibot sa kaliwang bahagi ng bewan ko. Ngunit may pagkakonserbatibo din base sa hiling ko ditong lagyan ng sleeves ang isosoot ko ngayon dahil sa peklat na natamo noong itulak ako ni Alaine sa nasusunog na kahoy noon.

I can't help smiling because this glamorous dress compliments the mask I am wearing.

Which is good dahil ang maskarang ito may malaking gampanin para saaming mga reyna ng dibisyon. Dahil ito ang nag kukubli sa aming mga tunay na pagkatao. Malaki ang kapahamang maaring maidulot saamin ng bagay na iyon kaya naman kailangan naming protektahan ang pagkakakilanlan naming apat.

But who cares? Ang talaga lang namang inaalala ko ay ang mga taong malalapit sakin. My job are too dangerous. At alam kong isang maling kilos ko lang ay may mapapahamak. Kaya naman hanggang maari ay tinatago ko ang pagkatao ko sa lahat. Sa school, maging sa palasyong ito.

Bilang lang ang nakakaalam kung sino ako at kasama na si Paris doon. Bagay na dapat lang dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lugar na ito.

"Myrko, kamusta na pala kayo ni Autumn?" Ngising kong tanong sa kambal koa agad nitong ikinalingon saakin ng nakasimangot.

Pfft...I knew it. Ang lakas talaga ni Autumn, tinotoo ngang papahirapan niya ang kapatid ko sa panliligaw.

Sad life bro. Pero bahala ka sa problema mo.

"Tsk, Edi heto nanliligaw parin! Tulungan mo naman kasi ako doon sa kaibigan mo! Hindi man lang naawa sakin! Hindi man lang tumatalab ang kagwapuhan ko sa kaibigan mong iyon! " Giit nito pero inirapan ko lang siya.

Napaka hangin.

If I know mas gwapo ako sa kanya kanina. Sabi kaya ni Paris... Teka si Paris! Shemay nakalimutan ko! Baka kung ano nang ginagawa ng dawalang 'yun!

"Tye! Doon ka na nga, pumunta ka doon sa kwarto mo. May bata doong babae. Iuwi mo siya sa bahay nila. Dalian mo bago pa kita kurutin." Agad naman siyang lumayo sakin dahil alam niyang naiirita ako at tototohanin ko kyon. Bagay na taranta pa niyang ikinalabas ng pinto.

"Hay parang bata." Buntong hininga ko ngunit isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ko.

Sino bang niloloko ko, hindi ko maitatangging namiss ko ang isip bata kong kambal. Hindi ko rin naman masisisi si Autumn kung ba't niya pinapahirapan si Myrko. Isip bata kasi.. Ayaw pa naman nun sa childish. Naku naman.

Myrko is after my verry close friend.

Autumn Banbini. The Queen of Grimoine Palace.

May pagka-saltik din kasi iyung si Autumn kaya naman naghahabulan silang dalawa.

Autumn is one of my childhood friend ngunit malimit lang nilang makita si Dayle noon. Kaming apat ay ang tagapagmana ng apat na dibisyon ng Gangster at Mafias sa Doom society. Noon ay sobrang gulo ng lahat. Ang apat na panig ay nagbabanggaan . Until that day came. Ang araw kung kailan kami nagtagpo tagpo.

Sampong taon palang ako noon nang magsimula akong isama ni Lolo sa Arena of Game of doom. Ang lugar kung saan naglalaban ng palakasan ang mga myembro ng Doom Society. Mga madugong labanan na kinamulatan ko na sa batang edad pa lamang. Ngunit hindi nagtagal ay naging normal na sakin ito hanggang sa mawalan ako ng ganang panoorin ang mga laban na iyon.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now