Chapter 24: [ Myrko ]

Start from the beginning
                                    

T-teka b-bakit saakin?

Ngunit nanigas ako ng tuluyan at tila kinain akong bigla ng paghuhuramintado ng puso ko ng tuluyan akong lingunin ng lalake.

Hinubad din nito ng tuluyan ang mask niya na talaga namang nakapagpanganga pa saakin!

Si Ash Taylor!

S-siya nga!

But hell! This is no good. Paano kung... Ugh! I need to get out of hear! Or else... I'm really doom!

P-pero anong nangyayari! B-bakit ang bilis ng kabog ng puso ko... M-may panganib ba?

Pinasingkit pa nito ang kanyang mga mata na para bang sinisiyasat ako.

Sa totoo lang ay ang kisig niya ngayon sa soot niya. Isang beses palang kaming nagkikita sa school. Pero ang makita siya sa ganitong estado ay nakakapantulo ng laway. I mean, he is perfectly wearing his suits!

"You're the Queens protector right?" He asked me without breaking his gaze. Hindi ko maiwasang mamangha sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Because he can still maintain his emotionless expression. But I just gave him nod for confirmation.

Pero mas lumapit pa siya sakin ng husto na ikinakaba ko! Bagau na nakapagpaatras saakin.

"You look so familiar." Intriga nitong bulong sakin at lumapit pa ng husto. Nag lean forward din ito na kalevel ang mukha ko.

We're now inches apart and my face are burning like hell!

Paanong... Paanong nare-recognize niya ako samantalang cover ng mask ang kalahating mukha ko at ang lower part lang nito ang kita!?

"Just say a word." Utos nito sakin at ramdam na ramdam ko ang hininga nito! Dang! Para akong kinukoryente dito!

Pero imbis na magsalita ay napalunok lang ako.

Ayoko, dahil alam kong sa oras na magsalita ako makikilala na niya ako! Pero anong gagawin ko?!

Mommy!

"Sakura."

Tawag ng isang boses na ikinagulat ko ng husto

It must be her! Sa kanya lang ang boses na iyon!

Agad ko namang itinulak si Ash at hinanap ang may-ari ng boses na iyon. Napatingin din naman si Ash dito ngunit nagulat ako ng isang lalake ang unang-una ko.

Maiksi at kulay itim ang buhok. Nakasoot ng pulang suit. May kaliitan kumpara sa iba. Pero ang kanyang mukha at mata!

W-Wait... Huwag mong sabihing—

Kyahh! Ang gwapo niya!

Gusto ko pa sanang titigan ang taong ito ngunit naalala ko ang sitwasyon ko. Dahilan upang mabilis akong nagtago sa likuran ng nito upang umiwas kay Ash. Wala namang nagawa si Ash kung hindi ang umalis dahil sa ginawa ko.

Tama! umalis ka! Amo ko 'yang kaharap mo! How dare you!

"Whiiee salamat Queen..."

But her cold stares stop me.

Ikinagulat ko naman ng hilahin ako nito palabas ng Hall at nagtungo sa isa pang silid. Wala itong kibo kaya naman parang gusto ko nalang putulin ang kamay ko para makawala nalang sa mahigpit nitong hawak saakin.

Ugh ! Mas pipiliin ko nalang palang maipit sa sitwasyon ko kanina kasama si Ash kesa sa ngayon!

At wala naman akong nagawa kung hindi ang mapalunok nang ikandado na nito ang pintuan ng kwartong pinasukan namin.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now