" Lumabas na muna kayo, Ma, Pa. I want to be alone. " bumitaw ako kay Papa saka dumapa ulit sa kama ko. " Makakaya ko naman ang problema ko eh. Andyan naman si Enzo para sa akin. "

" Anak.. "

" He cares for me.. He is there for me.. "

" Courtney, " naramdaman kong umupo ulit si Mama sa tabi ko. " Anak, pagpasensyahan mo na si Mama kung nasampal kita ngayon. Nagulat lang kasi ako sa mga sinabi mo sa amin. " then hinagod nya ang likod ko saka niyakap ako ng mahigpit. Napaiyak din sya pagkatapos nun. We're both crying. " I'm sorry. Ngayon ko lang narealize na may mali pala kami sa'yo. Bigyan mo sana kami ng Papa mo ng chance na makabawi sa lahat ng pagkukulang namin. I'm sorry, anak. " bumangon ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko din ang luha sa mga mata ni Mama. Niyakap ko sya. Pinadama ko na kahit ganun pa ang nangyari, mahal ko pa rin sila.

" Sino ba naman ako para di kayo pagbigyan? Sorry din po kung nasagot ko kayo. Sobrang sama lang talaga ng loob ko. Nagkadapatong patong na kasi lahat ng mga iniisip ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. " lumapit sa amin si Papa saka niyakap kami nito.

" Tama na ang drama. Ok? Ang mahalaga, maayos na tayong lahat. Sana wala ng ganito para masaya.. Everything will be fine. "

Pagkatapos nang usapan na yun, naging close kami sa isa't isa ng mga magulang ko. Nagkaroon kami palagi ng bonding. Napagdesisyunan din ng mga magulang ko na dun na ako magpa-opera sa Amerika. Kapag dun daw, madaming chances na makakakita ako ng donor dun ng cornea. Nung una tutol ako dahil mapapahiwalay ako kay Enzo pero tama din naman si Papa eh. Para sa kapakanan ko rin naman ang desisyon nila.

" Anak, madaming magagaling na doktor dun. Dun okey ang serbisyo nila. Asikasong asikaso ka. Kaya wag ka na mag-alangan na pumunta ng Amerika. Para din naman sa'yo yun eh. Kelangan lang talaga kaya ka aalis. Maiintindihan din naman siguro yun ni Enzo, di ba? " tumango na lang ako bilang sagot.

May magagawa pa ba ako? I have no choice but to leave. Nakakalungkot man pero yun ang dapat. Wala na ring nagawa si Enzo nung sinabi ko yun sa kanya. Naintindihan din naman nya eh.

After nung dinner date namin ni Enzo nung Valentine's Day, nagpunta na kami ng Amerika para isagawa na agad ang operasyon. Yun ang huling date naming dalawa. Gusto ni Enzo sumama sa amin pero hindi pwede. Di sya pinayagan pero naiintindihan ko naman yun e. Hindi sa lahat ng oras, kasama ko sya. Hindi sa lahat ng sandali, nandyan sya at aasa ako na lagi syang nasa tabi ko. May buhay din syang dapat asikasuhin at hindi lamang ako.

Nung nasa Amerika na ako at hindi pa araw ng operasyon ko, lagi kaming nagwe-web cam, skype at nagtetext ni Enzo kahit mahal ang rate. Pero nung after operation, wala na. Natigil. Ewan. Di ko alam kung bakit. Basta natigil lang. It just happen.

Naging okey naman ang operasyon ko. Thanks God! Wala ng naging problema. Kaso, akala ko nung okey na ang lahat ay uuwi na kami ng Pilipinas. Hindi nangyari. Nagdecide kasi si Papa na dun ko na lang daw ipagpatuloy ang pag-aaral ko at tapusin. Nung una, tutol na tutol ako at ayaw ko talaga. Ayaw ko dahil naghihintay sa akin si Enzo sa Pilipinas. Nangako akong babalik ako kapag maayos na ang lahat. Pero kahit anong pilit ko na umuwi kami, hindi pa rin sila nakinig. Hindi nila ako pinayagan. Iyak lang ako ng iyak that time pero nagka-usap kami ni Papa at pinaliwanag nya ang gusto nyang mangyari.

" Courtney, gusto ko lang na tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Bata ka pa para seryosuhin ng husto si Enzo. Ang relasyon nyo.. "

" Pa, napatunayan na rin naman sa'yo ni Enzo na mahal nya talaga ako di ba at karapat dapat sya ng tiwala nyo. Di pa ba sapat yun? " malungkot kong saad.

" I know. Kaya nga ginagawa ko 'to di ba? Kung talagang mahal ka nya, maghihintay sya ng gaano pa katagal. You said, may pangako kayo sa isa't isa di ba? Na hihintayin ka nya. Kung talagang nagtitiwala sya sa'yo, hindi sya bibitaw sa pangako na yun kahit ano pa ang mangyari.. Hihintayin at hihintayin ka pa rin nya. "

" Pa.. "

" Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo talaga kahit hindi kayo magkikita at magkakasama ng ilang taon.. Believe me! God will find the way para magkita kayong dalawa. Tatlong taon lang naman yun. I'm sure succesful na sya nun after 3years. Ikaw, naka-graduate na.. Just trust him at sana magtiwala din sya sa'yo. "

Buhat nun, tuluyan ng nawala ang komunikasyon naming dalawa. Nag-aral ako ng mabuti kahit nahihirapan ako. Di ko kasi alam kung ano ang iniisip nya kasi basta na lang kami nawalan ng ugnayan nang hindi ko sinasabi. Masakit yun para sa akin pero wala naman akong magawa. Kinuha kasi ni Papa ang cellphone ko kung nasaan ang contact number nya, offlimits din ako sa computer. Sobrang hirap! Pero lahat ng yun, tiniis ko para kay Enzo kahit sobrang miss ko na sya. Umaasa akong di rin sya bibitaw sa pangako namin sa isa't isa.

**

Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Ngayon, graduate na ko sa kursong Tourism at pauwi na ako ng Pilipinas. Excited talaga ako! Excited na akong makita si Enzo. Ang tagal ko ring nagtiis dun sa Amerika eh. Madaming nangyari sa loob ng tatlong taon. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay mahal pa rin ako ni Enzo. Sana mahal pa rin nya ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko pa rin sya. At sa oras na dumating ako sa Pilipinas, hahanapin ko talaga sya.

** May part two pa. Pasensya na kung pinutol ko.

Last na last na talaga ang sunod na part nito. :) pasensya na!

To be continue..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now