Russel: Okay lang naman daw so, sinamahan ako nung Richard. Habang naglalakad kami, kinausap niya ako. Ang gwapo niya sa totoo lang kaya enjoy ako habang nagsasalita siya. Parang from that day on ay crush ko na agad siya. Nagkwentuhan kami at ang astig niya.

Russel: Nakarating kami kila Dianne kaya another set of conversation na naman. Naaliw talaga ako. Umalis na siya. Ilang araw siyang hinanap hanap ng mga mata ko. He's the only guy i like. That particular guy makes me smile on the first day. Ngiti na hindi ko na nagawa sa ibang lalake nang may nakilala pa ako sa lugar na yun.

Russel: I never asked my cousin about Richard, dahil ayokong isipin nila na may gusto ako sa taong yun. Inaasahan kasi ng mga pinsan ko na maraming magkakacrush sakin.
seen 7:50 pm

Russel: After that, ngkaroon ako ng tropang babae na si Jessica. Sinamahan niya ako sa bayan para magcomputer kami. Tapos pauwi na kami ng may isang tumatakbo papunta samin. "Chad? Bakit ka tumatakbo?" Tanong ni Jessica sa hinihingal pang si Chad.

Russel: Grabe, naka cap siya, may dating na parang si Richard. May similarity sila kaya naalala ko si Richard. Parang magkatono pa sila ng boses pero hindi magkatulad. "Nakita ko kasi kayo eh." Tumingin siya sakin at ngumiti. Kilala ba niya ako para sabihin na 'kayo?' tsaka parang kilalang kilala na niya ako.

Russel: Siguro dahil isa siya sa mga lalaking nakakita sakin at hindi ko lang siya namukhaan. Pero matapos banggitin ni Jessica yung name ko, binanggit din naman niya na parang close na kami kaya nagtaka ako. Hindi lang siguro siya mahiyain.
seen 8:02 pm

8:05 PM

Russel: Hinatid niya kami hanggang sa lugar namin tapos umalis na din siya agad. For the mean time, kinalimutan ko muna si Richard dahil kay Chad.

Russel: After 2 days, nagpunta uli kami sa bayan dahil namatay yung lola ng kakilala ni Jessica. Nagkita na naman kami ni Chad. Kwentuhan then kinuha niya yung phone number ko pati fb. Kinabukasan nagtext siya sakin. Crush daw niya ako dahil habang tumatagal, paganda ako ng paganda. Kinilig ako dahil crush ko na rin naman siya.
seen 8:10 pm

8:12 PM

Russel: Then sakto, nasalubong ko siya nang pinuntahan ko si Dianne. Balak pala niya akong dalawin. Kwentuhan, bolahan hanggang makarating kami kila Dianne. Pero ang pinagtataka ko lang, naalala pa daw niya ang una naming pagkikita. Inignore ko na lang dahil alam ko naman na sa bayan kami unang nagkita.
seen 8:14 pm

8:15 PM

Russel: Nagkita sila ni Dianne. Binati siya nito. "Richard! Napadpad ka na naman dito? Blah blah blah." Naschock ako! Oh my god. Si Chad at Richard pala ay iisa lang.

Russel: Bagong gising si Richard nung una kaming nagkita. Walang cap at nakahubad baro pa. Kaya pala parang iba ang boses niya. Saka ko naalala nung nagkita kami sa bayan. Pangalawang beses na pala kaming nagkita nung time na yun. Nagets ko na kaya ganun ang pakita niya sakin. Parang palagay na ang loob niya dahil nagkwentuhan nga pala kami sa unang pagkikita.
seen 8:20 pm

8:25 PM

Russel: So, hindi ko na lang pinahalata sa kanila ang lahat dahil alam naman ni Dianne na magkakilala na kami sa first day palang. Inaasahan kong magtataka si Dianne dahil another gwapong lalake na naman ang kasama ko pero hindi. Nagkatuksuhan at nasulsulan pa ako ng malandi kong pinsan. Ayoko nang ikwento pa kung paano siya nanligaw at paano ko siya sinagot. Nagalit si papa nung nalaman niya dahil pinsan ko din pala ang magsusumbong.

Russel: Hindi naman ako nagalit kay Dianne dahil nahahalata na lagi kong kasama si Chad at pinaamin lang naman siya. Hindi kami nagbreak ni Chad nung umalis ako kaya nalungkot ako to the max. Kasabay naman nun yung pagkamiss ko sayo at nagalit ka pa sakin. Kaya nakipag break na lang ako kay Chad dahil wala din namang mangyayari. Nakita pa nila papa yung post niya sa timeline ko.

366 DaysWhere stories live. Discover now