SAMPONG KABANATA : DALUYONG (TAGPO 121)

9 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASAMPONG KABANATA

DALUYONG

Ikaisandaa't dalawampo't isang Tagpo

Lumipas ang magdamag, nakatulog sina Ernie at ang babaing naging biktima ring katulad niya ng trahedya na di pa rin niya nakikilala. Kapwa naghihilik na magkayakap pa ang dalawa nang di nila namamalayang pasukin sila ng rumaragasang daloy ng tubig na naglalandas sa maliliit na lagusan ng gumuhong gusali na kinaruruonan nila.

Unti-unting lumalim ang tubig at napuno ang guwang ng gumuhong gusali hanggang magising sina Ernie at ang babaing biktima na nagsisinghap. Napilitan silang magpupusag nang magpapausag hanggang tangayin sila ng agos sa isang tila makipot ngunit mahabang tunnel sa loob ng gumuhong gusali.

Pagdating nila sa dulo ng tunnel, bumangga sila sa isang animo nakahambalang na tren. Nag-uunahan sina Ernie at ang babaing kayakap niya sa magdamag na pilit na nangunyapit sa isang nakabukas na pinto ng tren at kapwa pinilit makaigpaw nang isa-isa para makasampa sa tren. Nang nasa loob na sila ng tren, napansin nilang marami nang nakasakay na pasahero sa loob nito at nang makita sila, nagtawanan nang malakas ang mga ito.

At tumakbo na nang matulin ang tren na palayo nang palayo, na halos magkabala-balandra ang kanilang mga katawan sa mga pasaherong naroon na mga nakaupo na hanggang tiyempong mapaupo silang dalawa sa isang bakanteng upuan para sa dalawang katao.

Napansin ni Ernie na isang pares na lalaki at babae ang mga sakay ng tren sa bawat upuan na pamilyar sa kanya ang mga mukha. Parang nakikilala niya ang mga sakay. Karamihan sa mga sakay ay well-known sa alta-sosyedad, anak ng mga mayayamang negosyante. May mga galing sa mga pamilya ng politiko na matataas ang katungkulan sa gobyerno. May mga sikat na artista at mga laos na artista. Mga direktor at direktora sa pinilakang tabing.

May mga kilala rin siyang mga kamag-anak, kapitbahay at mga kaibigan na mahirap ngunit nagsi-yaman. May mga mayayaman din ngunit nagsi-hirap din malaunan.

Masasaya ang lahat. May nagkakantahan. Umiinom ng alak. Mayroon din namang naghahalikan at namamasyal ang mga kamay sa iba't ibang maselang bahagi ng katawan ng kanilang mga kapareha. Malutong ang mga halakhakan na pumupuno sa bawat kasulok-sulukan ng tren.

Nang mapansin ni Ernie ang babaing kanyang katabi na tahimik na nagmamasid sa paligid na abot-abot ang kabog ng dibdib.

Nakilala na rin niya sa wakas ang babae. Di siya maaaring magkamali.

"Arianne?" usisa ni Ernie.

"Ako si Arianne?" balik na tanong ng babae.

"Oo, ikaw si Arianne!" kumpirmasyon ni Ernie.

"Kunwari pa kayong di-magkakilala hahahaha kung makaarte kayo...parang di naman kayo magkabit hahaha" sabay-tawa ng isang malanding babaeng pasahero na luwa na ang kaluluwa sa suot nitong seductive dress.

"Oy may-asawa na 'yang kabit mo at saka isa pa...di kayo mapapasama sa tren na 'to kung di kayo magkabit hahahaha," ang pang-uuyam ng ikalawang pasaherong babae na matapos magbuga ng hinihitit niyang sigarilyo, makikipag-lips to lips naman ito sa isang maskuladong bigotilyo.

"Bakit? Puro ba magkakabit ba ang mga pasaherong sakay nito?" ang nagugulumihanang tanong ni Ernie.

Magtatawanan ang mga kasama nilang pasahero sa loob ng tren.

"Saan ba patungo ang biyaheng ito?" nagtatakang tanong ni Arianne.

"Di ba ninyo alam...biyaheng impyerno ito hahahaha," ang malakas na tawa ng isang animo si Max Alvarado na kontrabida sa pelikula.

"Ayoko rito! Ibaba ninyo ko. Hindi ako si Arianne. Lalong hindi ako kabit! Paraaaaaaaaa!" sigaw ni Arianne na di pa rin nakikilala ang sarili.

Nanlalaki ang matang manghang-mangha ri Ernie sa tinuran ni Arianne.

Muli, pinuno ng tawanan ang kahabaan ng loob ng tren.

All reactions:5Maria Digna Ramos, Grace Alon and 3 others

11LikeCommentShare

Yan ang katotohanan ayaw nilang magkasala ngunit sa kaibuturan Ng kanilang puso may lihim na pagnanasa sa isat isa. Isang kasalanang kahit hindi ginagawa ay batik sa ating kaluluwa.

LikeReply


Write a comment...

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now