IKAANIM NA KABANATA : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 60)

33 2 0
                                    



"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikaanim-na-pong Tagpo

Sa loob ng silid, mahimbing nang natutulog si Ine samantalang nakapikit lamang ang mga mata ni Ernie ngunit gising na gising pa rin ang kanyang diwa. Naguguni-guni niya ang isang kabaong na sa tuwing sisilipin niya ang isang bangkay na nasa loob nito, tumatambad sa paningin niya si Kapitan Anchong.

Mapapadilat siya, mawawala ang kabaong at ang bangkay ni Kapitan Anchong habang nakatitig siya sa kawalan. Mapipilitan siyang bumangon. Mapapabuntong-hininga nang malalim si Ernie habang nakaupo sa gilid ng kama. Pilit na nilalabanan ang takot na nakikini-kinita niya sa kanyang balintataw. Uusal siya ng panalangin. Matagal. Puulit-ulit. Iniisip ni Ernie na mabubura ng kanyang mga dasal ang masamang pangitain na bumabagabag sa kanyang kalooban.

Nang mapagod, muli siyang mahihiga. Ipipikit muli ang kanyang mga mata. Parang tuksong tatambad na naman uli sa kanyang paningin ang bangkay ni Kapitan Anchong sa loob ng kabaong na nang kanyang muling silipin, mapapadilat ang nanlilisik na mga mata nito na tila inuusig siya sa isang kasalanang di naman siya ang may gawa.

Tuluyan nang mapapabangon si Ernie na hinahabol ang sariling hininga. Ipipilig niya ang ulo, pilit na binubura ang kanyang mapaglarong imahinasyon. Di niya maiwasang mapapikit muli, isa na namang kabaong ang dumalaw sa kanyang guni-guni, sa pagkakataong ito, walang laman ang kabaong. Ididilat niya ang mata, biglang papasok naman sa isip niya, "Para kanino naman kaya ang kabaong na ito?"

Mapapaupo muli sa gilid ng kama. Malalim na mag-iisip. Ilang saglit pa, tatayo na si Ernie. Sa pakiwari niya'y di talaga siya patutulugin ng kanyang masamang pangitain.

Sa labis na pagkabalisa niya ng gabing yaon, nagpasya si Ernie na dahil sa di rin lang siya makatulog sa halos buong magdamag, kahit nakararamdam ng bahagyang pagkahilo, nagpasiya siyang lumabas ng bahay nang di man lang nagpapaalam kay Ine.Buo na ang kanyang pasya na kausapin ang kanyang Ninong Anchong upang bigyan ng babala hinggil sa kanyang masamang pangitain.

Lulan ng kanyang SUV, tila lutang at wala sa sarili na tinatalunton na ni Ernie ang mga daan sa Baliuag. Madaling araw palang, natagpuan na lamang niya ang sariling patungo na siya sa Alido Subdivision at sa ilalim ng punong acacia, inihinto niya ang minamanehong sasakyan, malapit sa mansion ni Kapitan Anchong.

Habang nasa loob ng sasakyan, pilit na nilalabanan ni Ernie ang nararamdamang pagkahilo bunga marahil ng sobrang pagod at sa mga oras na ito'y ayaw pa rin siyang dalawin ng antok.

Mag-uumaga na nang mapansin niyang may isang SUV Fortuner na huminto sa harap ng mansion ni Kapitan Anchong. Kilala niya ang bumaba. Tama! Si Ruperto Cruz Santos III, ang kanyang kapatid sa ama na tumatakbo rin sa pagka-Kapitan. Sa isip ni Ernie, nabuo na ang kanyang hinala na pinatakbo lang ito ni Kapitan Anchong para basagin ang boto ng kanyang Kuya Ruperto. Matapos na mag-doorbell, kitang-kita ni Ernie nang papasukin ng katiwala ang panauhin.

Magandang 'timing' ito sa loob-loob ni Ernie. Baka ito na ang magandang pagkakataon para makausap na rin niya ang kapatid sa ama gaya ng bilin ng kanilang yumaong ama na si Ruperto Santos Sr. Naisip ni Ernie na hintayin na lamang niyang matapos ang pag-uusap nina Ruperto Cruz Santos III at Kapitan Anchong bago niya kausapin ang kapatid sa ama saka na lang niya isusunod ang pakikipag-usap niya sa Ninong Anchong niya. "Hitting two birds at one stone!" sa loob-loob ni Ernie.

Nang biglang tumawag si Ine, sinagot agad ito ni Ernie.

"Bakit napatawag ka Wonderwoman?" biro ni Ernie na pilit na nilalabanan pa rin ang pagkahilo.

"Superman naman...nasaan ka ba? Nagising ako na wala ka na sa tabi ko...alam mo naman na di ka dapat maglabas-labas muna ng bahay ng wala ka pang police protection..." ang nag-aalalang tinig ni Ine sa kabilang linya.

"Huwag kang mag-aalala mahal...di ako pababayaan ni Lord...ipinatag mo ang loob mo...dito ko sa mansion ng Ninong Anchong...kailangan kasing magkausap na kami...."paliwanag ni Ernie na unti-unti nang lumalala ang nararamdamang pagkahilo.

"Sige mag-ingat ka...patatawagan ko kay Ate Luisa si Roman para makabalita na kami kung nagkausap na sila ng Hepe ng Baliuag para mabigyan ka ng police protection d'yan..."

"Ok...ingat din kayo riyan ni Ate Luisa."

Nang makaramdam ng panunubig si Ernie, bumaba ito ng kanyang SUV para jumingle ngunit nakaramdam ito ng matinding pagkahilo. Umikot ang kanyang paningin hanggang tuluyan na lamang siyang naihi sa pantalon nang di-namamalayan. Dahan-dahan siyang bumagsak mula sa kanyang kinatatayuan.

Magkamalay pa kaya si Ernie? Di kaya para sa kanya ang kabaong na walang laman na dumalaw sa kanyang balintataw?

All reactions:2Len Cruz Odtohan and James Alfred Simpao Villamor1

Like

Comment

Share  Hayss nakakaexcite naman ang susunod na kabanata ng kwento.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now