IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 38)

49 2 0
                                    

''MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"


Kathambuhay ng Nobela ni Zampagitang Azul


IKAAPAT NA KABANATA


KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN


Ikatlumpo't walong Tagpo


Sa loob ng kwarto, pansamantala munang kinalimutan nina Ernie at Ine ang pag-aalala nila sa di-pag-uwi ni Louie.


Magmamadaling araw na.


Nang mga sandaling yaon, Lutang na lutang ang kagandahan ni Ine sa manipis na kulay pulang seductive gown na suot niya na sadya niyang isinuot para sa pulot-gata nila ni Ernie. Very romantic ang atmosphere. Naka-dim light with matching light music. Amoy na amoy ni Ernie ang pabango ni Ine. Very inviting.


Masuyo niyang dinampian ng halik sa noo si Ine, sa kaliwa at kanang pisngi at tumigil siya sa labi, padampi-dampi lang sa simula, hanggang sinisiil na niya ito ng nag-aapoy na halik, matagal, matagal na matagal.


Ramdam ni Ernie na darang na darang na rin si Ine na gumaganti ng halik. Gumagapang na ang mga halik ni Ernie habang unti-unting hinuhubaran si Ine, pababa nang pababa ang nagliliyab na halik na sinasabayan ng impit na pigil na pag-ungol ni Ine na nakapikit ang mga mata na ninanamnam na mabuti ang tamis ng bawat halik ni Ernie ngunit hahatakin siyang muli ni Ine pataas at muling magtatagpo ang kanilang mga labi na kapwa uhaw na uhaw sa pagmamahal, nagpupuyos, naglalagablab...kapwa hinahabol nila ang kanilang mga hininga nang mag-ring ang selfon ni Ernie.


Ngunit kapwa, wala na silang naririnig, tuloy-tuloy pa rin sila sa ritwal ng pag-ibig na kanilang ginagawa, kapwa wala na silang saplot sa katawan, at waring malayang nakapaglalangoy sa isang malawak na karagatan hanggang umabot na sila sa kasukdulan, kasabay na maririnig ang patuloy na nag-iingay na selfon ni Ernie.


"Huwag...huwag...Diyos ko....huwagggg!" napasigaw na lang si Ine sa sobrang sakit.May kung anong bagay na napilas sa kanyang kaloob-looban.


Parang natauhan si Ernie, awang-awang niyakap ang asawa.


"Sorry...sorry!" ang nasambit na lang ni Ernie sa asawa habang humahagulgol ng iyak.Ring nang ring pa rin ang selfon ni Ernie. Dinampot niya ito upang sagutin ngunit bigla na lang huminto ito sa pag-ring. Binuksan ni Ernie ang ilaw sa silid. Napansin niyang ang daming dugong pumatak sa kama.


Nahimasmasan na rin si Ine, muli yumakap nang mahigpit sa asawa."Ayan naisuko ko na ang aking virginity sa iyo! For better or for worse, wala na tayong iwanan," ang sabi ni Ine.


"Oo naman...till death do us part!" ang ganting tugon naman ni Ernie.


Nang maalala ni Ine na may tumatawag sa selfon ni Ernie.


"Sino ba 'yung tumatawag?" ungkat ni Ine.


"Di ko kilala 'yung number?"


Nag-vibrate uli ang selfon ni Ernie. Binasa ni Ernie ang text message sa screen ng cp niya."Si Louie ito Tito Ernie...naubusan ako ng load kaya dito ko nag-message sa iyo sa selfon ng tropa ko. Mamayang 10am magkita-kita tayo sa Burnham Park...ipapakilala ko na rin sa iyo mga tropa ko hahaha, may surprise ako sa iyo!"


"Si Louie pala itong tumatawag...mamayang 10am magkita-kita raw tayo sa Burnham Park!" ang sabi ni Ernie kay Ine.


"Naku, talaga naman...masyado tayong pinag-aalala ng pamangkin mo na 'yan."Napaisip si Ernie. Ano kaya yung sorpresa na binabanggit sa kanya ni Louie?

All reactions:9Grace Alon, Deng Villafuerte and 7 othersLikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now