UNANG KABANATA: AANDAP-ANDAP NA ILAWAN (Tagpo 9)

133 5 0
                                    


MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

UNANG KABANATA

AANDAP-ANDAP NA ILAWAN

Ikasiyam na Tagpo

Nang biglang mag-ring ang cp ni Ernie. Cp no. ni Ine ang tumatawag. Nag-aalanganin niyang sagutin ito.

Magkahalong kaba at pananabik na inabangan ni Ernie ang tinig ng nasa kabilang linya habang inilapit na mabuti sa kanyang kanang tainga ang kanyang selpon na lumang-luma na sa katagalan ngunit mahusay na nagagamit pa. Tinig ng humahagulgol na babae ang kanyang narinig.

"Hello...hello...Ernie...Ernie pwede bang makausap ka?" ang sabi ng tumatangis na babae sa kabilang linya.

Ine ikaw ba 'yan? Ano ba nangyari sa iyo at bakit umiiyak ka?" ang nagugulumihanang tanong ni Ernie.

"Di ako si Ine...ako ang Ate niya...si Luisa," habang patuloy na walang patid sa paghikbi.Lalong nagtaka si Ernie. Bakit tinatawagan siya ng Ate Luisa ni Ine?

"Si Ine...nasa ospital...dito kami sa ospital sa Dr. Gloria D. Lacson General Hospital...sa Nueva Ecija...agaw-buhay...si Ine," ang putol-putol na pagsasalita ng Ate ni Ine habang patuloy sa kanyang pag-iyak.

"Ha? Diyos ko po...bakit agaw-buhay...a-ano po ang nangyari?" ang natatarantang tinig ni Ernie.

"Saka na ko magpapaliwanag...sana maabufan mo pa siya ng buhay..." ang huling salitang nawika na lamang ng kapatid na babae ni Ine hanggang sa tuluyan na itong nawala sa linya.

Sa susulpot si Ruperto sa likuran ni Ernie.

"Sino ba 'yang kausap mo?" ang pag-uusisa ng Kuya ni Ernie.Sa darating si Louie.

"Ano biyahe na ba tayo Tito Ernie?", ang masayang tanong ni Louie.

"Oo...aalis na tayo, nakakarga na 'yung mga kahong-kahong balot na ide-deliver natin sa Nueva Ecija. Kuya, alis na kami ni Louie." ang nag-aapurang sagot ni Ernie at halatang umiiwas sa tanong ng Kuya niya na di na nag-usisa tungkol sa kausap niya.

Agad sumakay sa dyiping sarao kasunod si Louie. Ilang saglit pa, humahagibis na ang sasakyan patungong Nueva Ecija. Di-maipinta sa mukha niya ang matinding pagkabalisa. Napuna agad ni Louie ang wala sa lugar niyang pagmamaneho.

"Dahan-dahan lang Tito Ernie...baka mabangga tayo niyan...", ang puna ni Louie."Ano ba ang problema Tito Ernie? Parang wala ka sa sarili mo at parang ang lalim ng iniisip mo. Hindi napapansin ni Ernie, may luha nang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon