UNANG KABANATA: AANDAP-ANDAP NA ILAWAN (Tagpo 8)

137 7 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na  Nobela ni Zampagitang Azul

UNANG KABANATA

AANDAP-ANDAP NA ILAWAN

Ikawalong Tagpo

Matapos makapag-deliver na ng balot sa Divisoria sina Ernie at ang pamangkin niyang si Louie, inentrega na ni Ernie sa Kuya Ruperto niya ang halagang napagbilhan ng balot. Matapos makuha ni Louie ang bayad sa kanyang serbisyo, magalang na nagpaalam na ito kay Ruperto.

"Tito, patawag ka uli pag kailangan mo ang serbisyo ko!" ang nakangiting paglalambing ni Louie sa amaing si Ruperto.

"Oo pamangkin..bukas nga pala...may order sa akin sa Nueva Ecija...eto katatawag lang ng suki ko...bukas nang maagang-maaga kayo lalakad ni Tito Ernie mo para mag-deliver dun," ang magandang balita ni Ruperto sa pamangkin niya na anak ng kanyang pinsang buo na si Armando sa mother side.

Nang makatanggap ng text message si Ernie kay Arianne.

"Tubig ka ba?"

Sinakyan naman si Ernie ang trip ni Arianne. Sa hirap ng trabaho niya sa pagawaan ng balot, kahit paano nalilibang siya pag ganitong nakakatanggap ng pick up line kay Arianne.

"Bakit?" text ni Ernie.

"Kasi ikaw ang pamatid-uhaw ko sa araw-araw!" ang ganting tugon ni Arianne.

Tuloy naman ang usapan ng mag-amaing Ruperto at Louie.

"Ikaw Louie...bawas-bawasan mo 'yang pambabae mo...aba'y daig na daig mo ang Kuya Ernie mo...nakakalima ka na...ang Tito Ernie mo, walang isa man lang ata!" ang pangangantiyaw ni Ruperto habang nakatingin kay Ernie na nakikinig sa usapan nila ni Louie.

"Naku hindi Tito Pert...si Tito Ernie pa...ang bagsik sa chicks nyan hehehe! Sige...uwi na ko, bukas na lang," sabay talikod ni Louie sa magkapatid para tuluyan nang umuwi sa bahay nitong may ilang kanto lang ang layo sa kanila.

Pagkaalis ni Louie, hinarap naman ni Ruperto si Ernie.

"Lumalakas ang benta ng balot natin Ernie. Kinakapos na ko...di ko masuplayan yung demand...kaya naisip ko...bukod sa sampong incubator, dagdagan ko pa ito ng sampo pa para matugunan natin yung mga order....sayang kung sa iba pa mapupunta yung dapat kitain natin," ang masiglang pagkukuwento ni Ruperto sa bunsong si Ernie.Sandaling tinigil muna ni Ernie sa pakikipag-text kay Arianne. Nakakita ng magandang tiyempo si Ernie.

"Kuya, may kaunti na kong naiipon sa mga pinasusuweldo mo sa akin...baka pwede naman, mapahiram mo ko ng isang incubator para makapagsalang ako ng itlog ng itik na pupuhunanan ko...para kahit paano, madagdagan pa ang kita ko..." ang pagsusumamo ni Ernie sa Kuya niya.

"Sige payag ako, sa isang kundisyon...huwag mong pababayaan ang iyong obligasyon sa ating pagawaan..."ang bilin ni Ruperto sa kapatid.

"Oo naman Kuya...lalo pa kong sisipagin niyan," ang pangakong nakangiti ni Ernie sa Kuya niya.

Sa sandaling yaon, si Ine ang nasa isip niya. Katulad ng Kuya Ruperto niya, yayaman din siya. Magkakaroon din siya ng malaking pagawaan ng balot at mga trabahador na tunay na maaasahan. Ititira niya sa malaking mansyon ang magiging reyna ng kanyang tahanan na si Ine at mga magiging anak nila. Tulad ng Kuya niya, pag-aaralin din niya ang mga anak sa mga kilalang pribadong paaralan sa Baliuag o kung kakayanin pa kahit pa sa mga sikat na unibersidad sa Maynila.

Marami nang text si Arianne kay Ernie na di niya nasasagot. Binuksan niya ang cp at binasa niya ang huling text message nito na halata niyang nagtatampo.

"Busy ka ba? Bakit ang dami ko ng text di mo sinasagot?"

Para burahin ang pagtatampo ni Arianne na ang turing niya'y parang bunsong kapatid lang at isa pa'y 'big buyer' nila ang pamilya nito sa balotan, nag-send din siya ng pick up lineskay Arianne.

"Singsing ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi gusto kitang isuot sa daliri ko!"

Lalong kinilig si Arianne sa na-recieve na pick-up line kay Ernie. Nag-text uli ito sa kanya.

 "Maghintay ka Lamang...Ako'y Darating!"

Napaisip uli si Ernie. Tama ba itong ginagawa niyang pakikipag-pick up lines kay Arianne?

Baka kaya nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Naisip rin ni Ernie na di naman siguro, alam naman ni Arianne na malayo ang agwat ng edad nilang dalawa.

Kinabukasan nasa isip pa rin ni Ernie si Ine nang mag-vibrate ang cp niya. May tumatawag sa kanya. Nag-appear sa 'screen' yung cp number ni Ine. Nataranta siya. Di niya alam kung sasagutin niya o hindi. Naisip niya na i-open na lang ang cp niya at pinakinggan lamang niya ang tinig ng tumatawag. Nag-aalala siyang baka ito yung nag-text sa kanya na pinagbantaan siya kung patuloy pa rin siyang makikipag-ugnayan kay Ine.

All reactions:4Rachelle Bautista Mijares, Hazel Carlos Santos and 2 others


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon