IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 41)

48 2 0
                                    


''MAGHINTAY KA LAMANG AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKAAPAT NA KABANATA


KUKUTI-TUTITAP NA BITUIN


Ikaapat-napo't isang Tagpo


KInabukasan, nakapagkit pa rin sa isip ni Ernie ang magandang mukha ni Arianne, nakangiti sa kanya habang patuloy pa rin niyang naririnig ang awiting inawit nito na "Maghintay Ka Lamang...Ako'y Darating", na waring bato-balaning humihigop sa kanyang buong pagkatao. Nagbalik lang siya sa kanyang ulirat nang marinig niya ang tinig ni Ine na abala sa pamimitas ng sariwang mga strawberry sa La Trinidad Strawberry Farm kasama ang mga nagkakatuwaang sina Luisa, Atong, at Louie na abala rin sa pamimitas. Ramdam nila ang mahalumigmig na simoy ng hangin.

"Ernie, halika rito...tignan mo itong mga napitas kong strawberry...ang gaganda at ang sasariwa..." ang sigaw ni Ine.

Lalapit naman si Ernie na may dala-dala na ring napitas na strawberries at ilalagay sa basket ni Ine. Matapos makapamitas,masayang magkukuhanan ng 'picture' sina Ernie, Ine, Luisa, Atong at Louie. Maglilibot-libot pa rin sila sa mga tindahang nakapaligid sa La Trinidad Strawberry Farm para mamili. Ilang saglit pa, punumpuno na ang dyipni ni Aton ng mga pasalubong na kanilang ipanreregalo sa mga pamilyang di-nakasama sa lakad at ilang mga piling kaibigan. Nasa unahan na ng sasakyan sina Atong at Ernie samantalang nasa loob na ng sasakyan sina Ine at Luisa kasama ng mga pinamiling halos mapuno-puno na. Ilang minuto na ang nakararaan, wala pa rin si Louie. Inip na ang lahat.

"Saan na naman nagsuot 'yang Louie na 'yan? Aba'y kay tagal naman...parang babaeng kay kupad-kupad!" ang inip na inip na nagrereklamong pagtutungayaw ni Luisa.

"Ate naman hahaha...di ka na nasanay kay Louie!" ang lakas ng tawang tugon ni Ine."Nagdududa na nga ako sa hitad na 'yan...di ko matantiya kung bading ba o tutuong lalaki!" ang pakli ni Luisa.

Ganon na lamang ang tawanan ng apat sa sasakyan. Malayo palang makikita na nina Atong at Ernie si Louie na pakendeng-kendeng pa habang hawak-hawak ang isang wooden penis na ashtray. Nang pumasok sa loob ng sasakyan si Louie, napahiyaw sa kabiglaanan ang manang na si Luisa.

"Ayyyyy....damuhong bastos ka....ano ba yang damuho kang binili mo na 'yan? Itapon mo 'yan...ayokong makakita ng ganyan dito sa loob ng sasakyan!" ang galit na galit na pagtutungayaw ni Luisa.

Hagikgikan naman sa sobrang katuwaan ang apat sa loob ng sasakyan.

"Don't panic Tita Luisa! Di ko naman sa iyo ito ireregalo!" ang sabi ni Louie na nanghaharot pa habang hawak-hawak ang wooden penis na astray.

"Huwag mong hawakan 'yan...nakapandidiri ka at kenino mo naman 'yan panreregalo 'yan hitad kang bakla ka!" ang ayaw-paawat na pagpapalahaw ni Luisa.

"Eh kenino pa? E di kay Ate Liling at nang mabuhay ang dugo at magising na hahaha..." ang patuloy na panghaharot ni Louie.

Nagkakandaiyak na sa katatawa si Ine. Gayundin sina Atong at Ernie na kapwa iniihit sa katatawa habang si Luisa ay pulang-pula na ang pisngi sa sobrang pagkainis kay Louie."Mag-asawa ka na kasi Ate Luisa...para di ka na naghihisterya kapag nakakakita ng ganito hahaha..." ang patuloy na pambubuska ni Louie.

Tampal dito tampal duon ang ginawa ni Luisa kay Louie habang nagkakatuwaan ang lahat. Nang mahimasmasan na si Ine sa katatawa...

"Seryoso Louie...kenino mo ba ireregalo 'yan?"

"Eh kenino pa? De kay Tito Perts!" ang paliwanag ni Louie.

Habang tumatakbo ang sasakyan patungong antique house na kanilang tinuluyan, pawang tahimik na ang lahat. Pagkarating duon, pinagkukuha na nila ang kanilang mga gamit at kinumpleto na nila ang bayad sa rental nila ruon.

Sa sobrang pagod habang pauwi ng Baliuag, nakatulog na sina Ine, Luisa at Louie. Si Atong na lang ang gising, pinipigil ang antok, panay na rin ang hikab habang nagmamaneho samantalang si Ernie, nayuyukayok na rin ang ulo sa kaantukan. Nang biglang mag-ring ang selfon ni Ernie, makailang ulit din itong nagri-ring hanggang huminto na rin ang pag-iingay ng cp ni Ernie na sakto naman ikinagising ng may-ari. May natanggap siyang text message kay Arianne.

"Yung tungkol sa nasabi ko sa iyo...please sa ating dalawa 'yan. SECRET lang natin 'yan!"Napamulagat si Ernie nang mabasa niya ang text message ni Arianne. Paano niya iiwasan si Arianne na labis na gumugulo sa kanyang isipan? Sa loob-loob niya, kabago-bago pa lang silang kasal ni Ine, may mga pagsubok na siyang haharapin.

All reactions:10Herman Manalo Bognot, Carolina Javier and 8 others1 commentLikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now