IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM (TAGPO 95)

16 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikasiyam-na-po't Limang Tagpo

Bihis na bihis na ang mag-asawang Ernie at Ine para sumunod sa Castro Hospital nang makatanggap ng text message si Ernie kay Althea.

"Ernie, makabubuti sigurong 'wag ka na munang dumalaw sa ospital...hangga't di pa naaayos ang problema naming mag-asawa" ang nabasang mensahe ni Ernie mula kay Althea na nag-appear sa screen ng selfon niya.Pinabasa naman ito ni Ernie kay Ine.

"Mabuti pa nga siguro Ernie...'wag ka na munang sumama...ako na lang muna ang pupunta roon...tama si Althea, nag-aalala sigurong baka di-magandahin ni Adonis ang pagdalaw mo..." ang maagap na tugon ni Ine sa asawa.

"Sino ang maghahatid sa iyo roon?" ang pakli naman ni Ernie na bakas sa mukha ang pag-aalala rin.

"Papahatid na lang ako kay Atong!" matipid na sagot ni Ine.

"Sige...ikaw ang bahala...paano kung hanapin nga pala ako ni Jershey? Nakapangako pa naman ako...na susunod ako roon para madalaw rin si Aniway...paano kung magtampo na naman sa akin ang anak ko?" ang nangangambang tanong ni Ernie.

"Huwag kang mag-alala...gawa na lang ako ng alibi...sabihin kong nagtatae ka...o hala, paalis na ko..." sabay-talikod ni Ine sa asawa at mabilis na tinungo na nito ang pintuan palabas ng bahay.

Naiwan si Ernie na malalim na nag-iisip. Mauupo ito sa may sala. Ipipikit nito ang mga mata at mataimtim na mananalangin na sana'y gumaling na si Aniway at higit sa lahat, maayos na muli ang di-pagkakaunawaan ng mag-asawang Althea at Adonis.

Pagkatapos manalangin, makararamdam ng antok si Ernie. Papasok siya sa silid nila ni Ine. Magpapalit ng damit. Naka-t-shirt na siya at panjama nang siya ay mahiga ngunit nawala na lamang basta ang kanyang antok nang tatangkain na niyang matulog. Parang tukso namang naalala niya si Arianne.

Sa halip na mapanatag at makatulog siya, dinalaw siya ng matinding takot. Paano kung mapanaginipan na naman niya ito at tuluyan na siyang bangungutin at di na magising pa?

Muli, siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Sumuntok nang sumuntok sa hangin. Nag-seat up. Nag-push-up. Nag-stationary jogging sa loob ng silid. Sadyang pinagod nang husto ang sarili. Habang nag-e-exercise siya, bumabalik sa alaala niya ang psychological advice sa kanya ni Dr. Montelibano.

"Ikaw ang gumagawa ng problema mo...hindi si Arianne! Hindi ang mga napapanaginipan mo tungkol sa Paraisong Ginto na mundong nilikha ni Arianne para sa inyong dalawa. Ikaw ang lumikha ng mundong 'yan para sa inyong dalawa ni Arianne...hindi si Arianne!

Natatakot mo lang aminin na mahal mo na si Arianne! At ikaw ang hindi maka-move on! Ikaw ang may hawak ng buhay mo! Ikaw rin ang makalulutas ng problema mo. Kumapit ka lang kay Hesus...manalangin nang taimtim. Siya ang gawin mong sentro ng buhay mo...at tiyak na mapanghahawakan mo ang sarili mong buhay sa pamamagitan Niya!"

Nang makaramdam na ng pagod si Ernie, nagpalit na siya ng t-shirt at panjama. Habang namamahinga, paulit-ulit na naririnig niya ang paalala ni Dr. Montelibano sa kanya. 

Muli, ipinikit niya ang kanyang mga mata, parang may liwanag na sumilay. Dinama niya ang liwanag na unti-unting bumalot sa kanyang kabuuan. Nanalangin siya nang taimtim. Tinatawag niya ang pangalan ni Hesus. Kinakausap. Isinusuko niya ang sarili. Di niya namamalayan na nalalaglag na ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Diyos Ko! At Panginoon Ko! Patawarin mo po ako sa aking mga pagkakasala! Palayain mo po ako sa Paraisong Ginto! Bigyan Mo po ako ng kapayapaan ng kalooban!"

All reactions:3Charet B. Monsayac, Dory Batas and 1 other11LikeCommentShareMagaling ang psychologist na nakausap nya. Tama ang nagging payo Kay Ernie.LikeReply


Write a comment...

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now