IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 36-A)

46 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAAPAT NA KABANATA

KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN

Ikatlumpo't anim na Tagpo

Naging 'viral' na umani ng 'million views' at ng 'ten thousand shares' ang ipinost ni Louie na 'video' ng kasal nina Ernie at Ine sa mga pahina ng facebook. Na-feature din ito sa mga sikat na broadcasting news program sa iba't ibang television network sa bansa. Naging laman din ito ng mga tabloid at mga kilalang pahayagan sa Pilipinas. Naging paksa ito ng usapan sa loob ng mga tahanan, karinderya, parlor, barber shop, palengke at mga mall gayundin sa iba't ibang panig ng Pilipinas na nakaranas ng hagupit ng bagyong si Hannah maging sa buong mundo.

Tuwang-tuwa ang mga tao na nakapanood ng "video" habang basang-basang nagdidiwang sa kagalakan ang lahat ng panauhin na dumalo sa kasalan dahil sa sunod-sunod na patak ng ulan na nagmumula sa maliliit na butas ng bubong na pawid ng lumang bahay habang sinasaksihan nila ang muling pagkabuhay ni Padre Tino na inakalang patay na. At sa pagbabalik ng ulirat ng pari, natuloy rin sa wakas ang naantalang kasalan, at pagkatapos ng seremonya ng kasal, habang naghahalikan na sa harap ng mga panauhin ang bagong kasal na sina Ernie at Ine, napautot nang malakas ang pari kaya't umugong ang malakas na tawanan sa loob ng lumang bahay. Inihit ng katatawa ang buntis na si Althea hanggang sa ito'y tagasan at agad na pinangko ni Dr. Adonis para isugod sa ospital.

Dahil sa pag-viral ng video, naanyayahan sina Ernie at Ine kasama si Louie para makapanayam ng mga tanyag na broadcasting news program ng bansa. Dito, inilahad nila ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan hanggang sa matuloy na ang minimithing kasal nila. Nalaman din sa interbyu, sa pagsisimula nila sa kanilang buhay may-asawa, nabanggit nilang balak nilang magbalutan danga't kapos pa sila sa puhunan sa nabanggit na negosyong kanilang papasukin.

Sa mga nabanggit na programa, may mga caller na di na nagpakilala na labis na natuwa sa kanilang magandang kwento at nag-alok ng tulong na puhunan na umabot ang mga pledges nang sobra-sobra sa dapat asahan. Nag-uumapaw sa kagalakan ang mag-asawang Ernie at Ine gayundin si Louie.

Sa isip ni Ernie, di na niya kailangan pang mamasukan sa Kuya Ruperto niya at paalipin sa hipag niyang si Liling na sobra-sobra kung siya ay maliitin. Sa kalooban ni Ine, abo't abot naman ang pasasalamat niya sa Diyos.

Instant celebrity ang mag-asawang Ernie at Ine gayundin si Louie. Kahit saan sila magpunta, nagkakawayan sa kanila ang mga tao, kilala man nila o di kilala.Nagbiro pa nga si Ine.

"Sarap naman ng maging instant celebrity! Daig pa natin ang mga artista!"

Matatawa naman si Ernie.

"Ngayon ko lang din naranasan na lahat na lang ata ng tao kilala tayo! Mahirap din palang maging artista," ang biro pa ni Ernie.

Gaya nuong minsan, kumain sila kasama si Louie sa Gerry's Grill sa SM Baliuag. Tuwang-tuwang nilapitan sila ng dalawang tin-edyer na magkasintahan at ibinalitang napanood sila sa nag-viral na video ng kasal nila at nag-request na magpa-picture pa na kasama sila. Nagpa-picture din ang nabanggit na magkasintahan na kasama si Louie na sagad hanggang tainga ang ngiti.

All reactions:4Rachelle Bautista Mijares, Aileen Quinto and 2 othersLikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now