IKALIMANG KABANATA : IGINUHIT NA PANGARAP (Tagpo 47)

48 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKALIMANG KABANATA


IGINUHIT NA PANGARAP


Ikaapat-napo't pitong Tagpo

Habang tumatakbo ang kotseng minamaneho ni Louie, abala naman sa unahan ng sasakyan si Ernie sa paglinga-linga sa paligid, Pinagmamasdan niya ang mga nagsabit na mga larawan ng mga tarpaulin sa kalsada ng mga kandidato sa pagka-Kapitan at mga kagawad gayundin ang nakapaskil na larawan sa mga tarpaulin ng mga lumalabang SK Chairman at mga kagawad sa sangguniang kabataan. Maririnig naman sa car radio si Rene Sta. Cruz, isang bantog na brodkaster na nagbabalita sa mga kaganapan sa Pambaranggay na Halalan 2023 sa iba't ibang panig ng kapuluan ng Pilipinas. Abala naman sina Arianne at Jershey sa likod ng kotse na masayang nagkukulitan.

Maya-maya, magri-ring ang selfon ni Ernie. Tumatawag si Kapitan Anchong, Sasagutin niya ang tawag nito.


"Bakit po napatawag kayo Ninong?" usisa ni Ernie.


"Makikiusap sana ako na baka pwede mong kausapin ang Kuya Ruperto mo na huwag na muna siyang tumakbong Kapitan. Last term ko na inaanak...sa susunod na halalan na lang siya tumakbo at hihilingin ko sana...na suportahan na lang ulit n'yo ko sa aking pagnanais na maipagpatuloy pa ang aking paglilingkod bilang nanunungkulang Kapitan...at pangako, sabihin mo sa Kuya mo na pag siya na ang tumakbong Kapitan sa susunod na halalan, buong puso ko siyang susuportahan!" ang tinig ni Kapitan Anchong na nakikiusap na nasa kabilang linya.


"Sige po Ninong...tignan ko po kung ano ang magagawa ko..." ang nasambit na lang ni Ernie na labis na nag-aalala.


"Huwag mong tignan! Gawin mo! Maaasahan ko ba inaanak ang tulong mo?" ang mariing sabi ni Kapitan Anchong.


"Sige po...sige po Ninong...makakaasa po kayo..." ang nasabi na lang ni Ernie para di mangulit pa si Kapitan Anchong kahit alam niyang malalagay siya sa isang gipit na kalagayan.


"O, siya inaanak...aasahan ko 'yan. Pagpalain ka ng Diyos!" ang huling hirit at mahigpit na pakiusap ni Kapitan Anchong kay Ernie.


Nawala na sa linya si Kapitan Anchong, di pa rin mapakali si Ernie. Pakiramdam niya, napasubo siya sa naging usapan nila ng kanyang Ninong Anchong.


"Naku, paano 'yan Tito Ernie...paano kung di pumayag si Tito Pertz na umatras sa halalan...makukumpromiso ka..." ang paalala ni Louie sa amain.


"Bahala na...susubukin ko pa ring kausapin si Kuya Ruperto..." ang nasabi ni Ernie na labis pa ring nag-aalala.


Sa tatawag naman sa cp ni Ernie si Althea. Nakabukas ang camera ng cp ni Althea. Sasagutin ito ni Ernie.


"Musta Althea?"


"Eto pauwi na kami...tatakbong Kapitan si Papa sa aming baranggay sa Hagonoy...kailangan naming makauwi para tumulong sa panangampanya ni Papa... musta na si Jershey?"


"Ayun nasa likod ng kotse...kakulitan ni Arianne..."


"Pwedeng makausap?"


"Sure!"


At iaabot ni Ernie kay Arianne ang cp ni Ernie para makausap ni Althea ang anak. Iaabot naman ni Arianne ang cp kay Jershey. Mag-uusap ang mag-ina.


"How are you baby? Do you miss me?"


"Yes of course Mommy, I miss you very much...where is Daddy Adonis?"


"Here! He's driving..."


"Tell Daddy Adonis, I miss him so much..."


"Daddy miss you so much too baby..."


Nang makarinig sila ng mga sunod-sunod na putok ng baril sa daan.


"Diyos ko...anong nangyayari? Bakit ata nagkakaputukan d'yan...?" usisa ni Althea.


"Louie...itabi mo ang sasakyan...dali!" ang sabi ni Ernie na nabigla rin sa mga pangyayari.

Patuloy pa rin maririnig sa kabilang linya ang tinig ni Althea na naghihisterya.

Mabilis na itatabi ni Louie na kumakabog ang dibdib sa may gilid ng kalsada ang kotse habang tanaw na tanaw nila ang isang tumatakbong SUV na tinatadtad ng tama ng bala na pagewang-gewang na sumalpok naman sa isang malaking close-van na truck. Takot na takot naman si Jershey na mapapayakap kay Arianne na aligaga rin at di malaman ang gagawin. Kagyat namang nagsitabi na rin ang iba pang sasakyan sa highway.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin