IKASIYAM NA KABANATA: AGAW-LIWANAG-AT-DILIM(TAGPO 111)

11 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikaisandaa't labing-isang Tagpo

Matapos ang makapigil-hiningang pagsakay sa Big Thunder Mountain Railroad at makabalik na ang nagkakatuwaang mga panauhing pasahero, biglang nag-ring ang mobile cp ni Ernie. Agad naman nitong sinagot ang tawag."Hello, sino 'to?" tanong ni Ernie.

"Papa Ernie, this is your son, Jershey!" sagot ng nasa kabilang linya.

"Anak, musta ka na? Nasaan ka?" ang nasasabik na pangungumusta ni Ernie.

"We are already here in Japan?" ganting tugon ni Jershey, "....kasama ko sina Mama Althea, Papa Adonis at Aniway."

"Wow, saan dito sa Japan?" Mataas pa rin ang emosyon ni Ernie dahil sa matinding excitement pagkarinig sa tinig ng anak.

Nasasabik din si Ine na nakikinig sa usapan ng mag-ama.

"Pakausap naman kay Jershey..." pakli ni Ine.

"Kakausapin ka raw Jershey ng Mama Ine mo..." sabi ni Ernie.

"Alright Papa Ernie..."

Iaabot ni Ernie ang mobile phone niya sa asawa.

"How are you my little darling? I miss you so much! Musta rin Mama Althea mo at Papa Adonis?" masayang-masaya si Ine habang kinakausap si Jershey!"

"I miss you too Mama Ine! Sobra hahaha...I hope to see you soon..." si Jershey pa rin na di-magkandaduto sa pagsasalita dahil sa pananabik.

"Wow magaling ka ng mag-Tagalog hahaha...see you soon too..." "Musta raw kayo sabi ni Mama Althea at Papa Adonis?""We are fine hahaha pakisabi mo sa kanila..."

"Wow, ang galing mo na rin umingles Mama Ine hahaha," ang ganting papuri ni Jershey."Anak, Jershey...pakibigay mo naman ang phone sa Mama Althea mo nang magkausap naman kami..." ang paglalambing ni Ine sa anak-anakan.

Nang biglang naputol ang linya ni Ine. Naubusan na ng load ang cp ni Ernie. Patuloy pa rin niyang naririnig ang boses ni Jershey kaya lang, di na niya masagot ang mga sinasabi nito. Mamaya, boses na ni Althea ang kanyang naririnig.

"Anong nangyari?" usisa ni Ernie.

"Naubusan ng load ang cp mo..." sagot ni Ine.

"Tara na...labas na muna tayo...hanap tayo nang mapapa-loadan..." pag-aaya ni Ernie.Susunod na sina Louie, Jessa, John at Bea Jessa sa mag-asawang Ernie at Ine habang lumalabas sa Big Thunder Mountain Railroad Station.

Pagkalabas nila, sakto namang masasalubong nila sina Althea, Adonis, Jershey at Aniway. Magkakagulatan pa sila nang magkita-kita.

"What a small world...Tita Ine, di ba si Jershey 'yun?" ang nanlalaki ang mata ni Louie nang masulyapan si Jershey na akay-akay ni Mama Althea habang akay-akay naman ni Papa Adonis si Aniway.

Pagkakita ni Jershey kay Ernie, bibitaw ito sa kamay ni Althea at buong pananabik na tatakbuhin nito ang ama. Sa bugso ng damdamin, buong higpit na magyayakap ang mag-ama.

Buong pananabik namang magyayakapan sina Althea at Ine. Masaya namang nakatingin sina Adonis at Aniway gayundin sina Louie, Jessa, John at Bea Jessa.

All reactions:3Grace Alon, Carol Palomo Legaspi and 1 other

1LikeCommentShare


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now