IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM (TAGPO 112)

12 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikaisandaa't labindalawang Tagpo

Para kay Ernie, isang magandang pagkakataon ang pagtatagpo muli nila ng kanyang anak na si Jershey. Walang pagsidlan sa sobrang saya ng kanyang pusong ama lalo't magkatabi sila ngayon sa isang riding boat kasama sina Ine, Althea, Adonis, Aniway, Louie, Jessa, John at ang transwoman na si Bea Jessa kabilang ang iba pang riders na binubuo sila ng dalawampo't dalawang katao.

Bago pa sumakay, napag-alaman ni Ernie sa isa sa mga staff ngPirates of the Caribbean Riding Station na may mahigit na tatlong libong riders ang bumibiyahe kada oras para saksihan ang kapana-panabik na pakikipagsapalaran ni Captain Jack Sparrow.

Sa loob ng labing-anim na minuto ng kanilang most exciting adventurous journey, kasama ang characters ng Pirates of the Caribbean na parang mga totoong taong nakasama nila sa mga kahindik-hindik na labanan na gaya ni Captain Jack Sparrow na tumangging i-transport ang one hundred slaves na lulan ng cargo ship na Wicked Winch na pagma-may-ari niya as a privateer na inatasan ng East India Trading Company under the command of Cutler Beckett na i-transport ang cargo na puno ng one hundred slaves.

Nang matuklasan ni Jack na mga alipin ang kanyang sakay, tumanggi siya na ihatid ang mga ito. Sa halip na sumunod, itinakas ni Jack Sparrow at pinalaya ang isaandaang alipin. Dahil dito nagalit sa kanya si Cutler Butler, pinasunog at pinalubog ang Wicked Wench kasama si Jack Sparrow gamit ni Beckler ang galleon na puno ng armas at kanyon at inakusahan siyang isang notorious pirate dahil sa ginawa niyang pagnanakaw sa kargo ng mga alipin.

Habang nagaganap ang pambobomba sa Wicked Wench ni Jack, abot ang hiyawan at ilag nina Louie, Jessa, John at Bea Jessa, Aniway at Jershey na para bang sila ang tatamaan ng putok ng mga baril at ginagawang pagpapasabog ng kanyon. Matapos makalagpas sa nakapaninindig-balahibong mga tagpo, halos lahat ng riders ay di mapigilan ang pagkakatuwaan at tawanan.

Saksi silang lulan ng kanilang mga riding boats nang makipagkasundo si Jack kay Davy Jones na crew ng Dutchman Ghost Ship na ibalik muli sa kanya ang sinunog at pinalubog na barko niya, ang Wicked Wench kapalit ang one hundred slaves na kanyang pinalaya na tinupad naman ni Davy Jones ang kanilang kasunduan. Ngunit dahil sunog na sunog na ito, pinili ni Jack na palitan na lang ito ng pangalan na "Black Pearl" na ginamit niyang instrumento sa kanyang pamimirata.

Nakipagsanib-puwersa sina Will Turner at Elizabeth Swann kay Captain Berbosa para tulungan si Jack Sparrow laban sa Caribbean Pirates. Tunay na exciting ang paglitaw ng mga ghosts sa mga riding boats kabilang ang makaitlong beses na paglitaw sa tubig ng ghost na si Davy Jones na ikinagulat at ikinatakot ng mga sakay sa kani-kanilang riding boats gayundin ang galleon full of guns and cannons na ginamit sa pamamaril at pambobomba sa bawat nagaganap na labanan, nakakaaliw ang mga sound at music na ginamit in highlighting remarkable scenes.

Tunay na nag-enjoy ang magkapatid na Jershey at Aniway gayundin naman sina Ernie, Ine, Althea, Adonis, ang mga magbi-bf na sina Louie at Jessa, John at Bea Jessa. Bawat isa sa mahigit na tatlong libong riders, may baon na ngiti at bakas ang labis na kasiyahan sa kanilang ginawang paglalakbay sa Pirates of the Caribbean.

Pagkaalis nila sa Pirates of the Caribbean Riding Station, sakto namang tumatawag si Ate Luisa kay Ine.

"Ine, kumusta na kayo riyan sa Japan?" tanong ni Ate Luisa sa kabilang linya.

"Ok naman kami rito. Ang saya-saya namin ni Ernie. Imagine Ate, nagkita-kita kami rito nina Mareng Althea kasama ang buong pamilya niya...kayo ba kumusta na riyan? Kumusta takbo ng negosyo natin?"

"Ok naman ang business natin...parehong pumi-pick up yung balotan natin dito sa Nueva Ecija at sa Baliuag....siyanga pala, Mahal na Araw na, magpapabasa ba ko dito sa Nueva Ecija?"

"Oo naman Ate Luisa, matagal na nating ginagawa 'yan...mangumbida ka na ng magbabasa ng pasyon...pati sa Baliuag magpabasa ka....hinto muna ang paggawa sa balotan...mamanata naman tayo...magpakain ka...pakainin mo yaong mga mahihirap at kapos sa buhay...sige Ate bahala ka na riyan..."

"Sige-sige ingat kayo riyan..."

Mawawala na sa linya si Ate Luisa.

"Mabuti pa ata Ernie, magpabasa na rin tayo ng pasyon rito..." ang wala sa loob na nabanggit ni Ine sa asawa.

"Wala tayo sa Pinas Ine, baka bawal rito 'yan hahahaha," ang natatawang nasambit na lang ni Ernie.

Naisip niya tuloy, umiral na naman ang pagiging relihiyosa ng asawa. Samantala, di na naghiwalay ang mag-amang Ernie at Jershey. Ramdam na ramdam niya ang pagiging ama niya kay Jershey na naging bunga ng kanilang pagkakasala ni Althea nang mga sandaling yaon. Di-mabibili ng salapi ang sayang nararamdaman ni Ernie kapiling ang anak gayundin si Jershey na tinanggap na ang katotohanang si Ernie ang kanyang tunay na ama.

Pasulyap namang nangingiti si Althea sa pagiging malapit na sa isa't isa nina Ernie at Jershey. Ibinubuhos naman ni Adonis ang lahat ng kaniyang atensiyon kay Aniway na naging anak naman niya kay Althea.

All reactions:6Grace Alon, Carol Palomo Legaspi and 4 others

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now