IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM (TAGPO 99)

18 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikasiyam-na-po't Siyam na Tagpo

"No worries!" "No stress!" Pakiramdam ni Ernie, isa siyang 'Bagong Tao'. Di na siya ginugulo ng mga alaala ni Althea lalo na si Arianne na di na dumadalaw sa kanya sa mga panaginip. Malaki ang naitulong sa kanya ng pagbabasa niya ng Bibliya sa araw-araw, ang kanyang pakikipag-usap at pananalangin sa Diyos ng maikatlong beses sa isang araw: isa sa umagahan, isa sa tanghalian at isa sa hapunan bago matulog.

Tunay na tumatak sa kanyang puso at isipan ang mga pahayag sa kanya ni Dr. Montelibano na hindi si Arianne ang gumagawa ng problema sa buhay niya kundi siya mismo ang gumagawa ng problema niya. Siya lamang ang may hawak ng buhay niya at anuman ang maging kahinatnan nito, mapabuti man o mapasama, walang ibang may pananagutan kundi ang sarili niya.

Sariwang-sariwa pa sa kanyang kamalayan ang umaalingaw-ngaw na tinig ni Dr. Montelibano, "Gawin mong sentro ng buhay mo si Hesus, sa pamamagitan Niya, tiyak mapapanuto ka sa paghawak sa buhay na kaloob sa iyo ng Poong Maykapal!"

"Ernie!" tawag ni Ine.

Inagaw ng tawag ni Ine ang malalim na pag-iisip ni Ernie na nakatunghay sa ipinapagawang 'two-story-house' na nasa finishing touches na.

Mapapalingon si Ernie sa papalapit na asawa.

"Wow...ganda na ng bahay natin! Kailan ba natin ipabe-bless 'yan?" tanong ni Ine.

"Bago tayo umalis patungong Japan..." mabilis na tugon naman ni Ernie.

Nakangiting lalapitan ni Architect Mallari sina Ernie at Ine nang mapansing nasisiyahan sa bahay na kanyang ipinapagawa.

"Musta na mga bossing? Ano ba masasabi ninyo sa bahay n'yo?" ang bati ng arkitekto.

"Amazing! Ang ganda! Saka ang bilis ng pagkakagawa..." ang natutuwang sabi ni Ernie.

"Kailan ba Architect Mallari matatapos 'yan? Mga one-week pa po tapos na tapos na 'yan..." ang tanong ni Ine.

"Hayan...Wonderwoman...narinig mo...one-week na lang pala...pwede na tayong magpabinyag hahaha" biro ni Ernie.

"Bakit sino po ba ang bibinyagan?" usisa ni Architect Mallari.

"Ikaw talaga Superman...biniro mo na naman si Architect...magpapa-blessing po ang ibig niyang sabihin..." ang pagtutuwid ni Ine.

"Hahaha di ako nagbibiro...bibinyagan natin ang two-story-house natin na 'yan para sa magiging first baby natin..."

Mabilis na nasakyan ni Architect Mallari ang pagbibiro ni Ernie.

"Aba'y sige po...pag kayo'y nakabuo...ako po ang Ninong ng magiging anak ninyo," ang ganting biro naman ng arkitekto.

Magkakatawanan ang tatlo.

"Buti po kaya kunan ko kayo ng picture na mag-asawa sa harap ng palasyo n'yo hahaha," alok ni Architect Mallari.

Masayang magpo-pose ang mag-asawa sa iba-ibang anggulo habang kinukuhanan ni Architect Mallari gamit ang I-Phone niya.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now