IKALIMANG KABANATA : IGINUHIT NA PANGARAP (Tagpo 46-D)

51 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKALIMANG KABANATA


IGINUHIT NA PANGARAP


Ikaapat na po't anim na Tagpo (D)


Bago pa sumayad ang katawan ni Ernie sa lapag ng swimming pool, humiwalay na ang kanyang kaluluwa. Sakto namang nasapo siya ng matipunong bisig ng isang higanteng Siyokoy. Kitang-kita niya ng Itinaas nito ang kanyang katawang wala ng buhay at ipinaikot-ikot na parang turumpo nang walang anuman at buong lakas na ipinukol ng Siyokoy ang katawan ni Ernie sa isang makipot na lagusang punumpuno ng mga nagkiwal na mga linta. Sa kanyang panghihilakbot, napasigaw na lamang nang malakas  ang kaluluwa ni Ernie na tanging piping saksi sa mga pangyayari.


Nagising na lamang si Louie nang marinig ang malakas na sigaw ni Ernie na nakatabi kay Jershey. Nilapitan ni Louie ang Tito Ernie niya na tila binabangungot at niyugyog sa balikat.

"Tito Ernie...gising! Binabangunot ka!"

Nagising na rin si Jershey at takang-taka sa nangyayari.

"What's happening Kuya Louie?"

"Your Ninong Ernie is dreaming..."ang maagap na tugon ni Louie kay Jershey.

Ilang saglit pa'y nagising na si Ernie na pinagpapawisan nang malagkit. Napabangon ito mula sa pagkakahiga.

"Diyos ko! Buti na lang at panaginip lang pala ang lahat!" humihingal na nasambit ni Ernie habang tutop-tutop ang noo.


May humahangos na yabag at sunod-sunod na kumatok sa pinto. Bubuksan ni Louie ang pinto. Papasok si Arianne na labis na nag-aalala.


"Diyos ko...anong nangyayari rito?" ang sunod-sunod na pag-uusisa ni Arianne.

"Wow sexy naman ni Ate Arianne!" ang bati ni Jeshey na nakangiting walang malay kay Arianne na wala sa loob na naka-bra at panty lamang.

Tinakpan agad ni Ernie ang mata ng anak na si Jeshey. Napalatak naman sa labis na paghanga si Louie sa kaseksihan ni Arianne.


"Wow bumaba ang Diyosa sa langit!" ang di-napigilang paghanga ni Louie kay Arianne.

"Bastos!" ang sigaw ni Arianne kay Louie na labis na napahiya sa sarili nang mapansin niyang naka-bra at panty lang siya, sabay talikod at mabilis na tinungo ang kanyang silid na kadatig lang ng silid nina Ernie, Jeshey at Louie.


"Ako pa ngayon ang bastos hahaha" ang matawa-tawang reaksyon ni Louie. Di-maiwasang magkatawanan na lang sina Ernie at Louie habang nagtatakang pinagmamasdan sila ni Jershey na larawan ng kawalang malay. 


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulDonde viven las historias. Descúbrelo ahora