IKASAMPONG KABANATA : DALUYONG (TAGPO 119)

6 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASAMPONG KABANATA

DALUYONG

Ikaisandaa't labingsiyam na Tagpo

Sa loob ng gumuhong gusali, tila naaalimpungatang unti-unting nagbabalik sa kanyang ulirat ang duguang si Ernie nang maulinigan ang mga pamilyar na tinig na tumatawag sa kanya na hinahanap siya.

Di siya maaaring magkamali ang unang tinig na naulinigan niya ay ang tinig ng asawa niyang si Ine. Malauna'y nawala. Nakiramdam siya habang lapat na apat ang katawan niyang nanghihina sa ibabaw ng tatlong bangkay na naroroon na mga di na kumikilos na di niya malaman kung patay na o buhay pa rin na tulad niya.

Sumunod may naulinigan na naman siyang isa pang tinig na tinatawag ang kanyang pangalan. Di siya maaaring magkamali. Tinig 'yun ni Althea. Muling nakiramdam siya. Ngunit hindi na nasundan ang pagtawag ng tinig.

May tinig na naman siyang narinig. Tinig 'yun ni Arianne. Isang bahaw na tinig na parang nanggagaling sa ilalim ng balon.

Sumunod ang tinig ng anak niyang si Jershey na umiiyak na tinatawag ang kanyang pangalan.

Ilang sandali pa, pawang nagsilahong parang bula na ang mga tinig na kanyang naririnig. Pakiwari ni Ernie nasa loob siya ng isang mapanglaw na libingan. Pinilit niyang gumalaw, bumangon ngunit walang lakas, walang kalaban-laban ang mga nanakit niyang mga buto't mga laman.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang makarinig siya sa labas ng gumuhong gusali ng mga tinig ng mga nagsisipaghukay mula sa mga rescue team sa iba't ibang panig ng mundo na nagtutulong-tulong para kuhanin ang mga bangkay at iligtas ang mga biktima ng trahedya na may pag-asa pang mabuhay.

Sa mga oras na 'yaon, nagbalik sa gunita ni Ernie ang lahat nang magkita sila ni Arianne sa roof deck ng hotel at magkayakap na inabutan ng malakas na lindog hanggang sa unti-unting magkabitak at tuluyang umuho ang flooring ng roof deck na kinatatayuan nila at magkasama silang natangay sa ilalim ng gumuhong gusali.

Maya-maya pa'y umulan na nang malakas. Natigil ang paghuhukay. Wala nang naririnig si Ernie na nagkakagulong mga tinig ng mga nagsisipaghukay kundi malakas na buhos ng ulan at pagaspas ng malakas na hangin.

Mula sa gumuhong gusali na kinalalagyan ni Ernie, may tumulo sa ulunan niya na mga patak ng ulan, may mga pumatak rin sa kanyang mga labi.

Sa may di-kalayuan, isang babaing may mahabang buhok na halos di mo na makikilala sa mga natuyong dugo nito sa ulo, mukha at katawan na nakahiga rin ang unti-unting nagkamalay. Bagama't nanghihina'y pinilit na tumayo at nang makaramdam ng matinding uhaw, tinungo ang pinaggagalingan ng patak ng ulan.

Sakto namang pumapatak ang ulan sa uhaw na uhaw na mga labi ni Ernie. Sinibasib ng babaing duguan ang mga ulang pumatak sa mga labi ni Ernie. Sinaid nito ang mga labi ni Ernie na walang nagawa kundi magpaubaya na lamang sa ginagawa ng babaing nais matighaw ang kanyang sobrang pagkauhaw.

All reactions:5Charet B. Monsayac, Carol Palomo Legaspi and 3 others

11LikeCommentShareI

t was a tragic end for those who only wanted to love and be loved.

LoveReply

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now