IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 36-B)

47 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKAAPAT NA KABANATA


KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN


Ikatlumpo't anim na Tagpo (B)


Sa sobra-sobrang biyayang natanggap mula sa mga nag-offer ng tulong puhunan ng mga televiewers na di na nagpakilala na nakapanood ng nag-viral na video na inaplod ni Louie sa pahina ng facebook na nagbigay-daan sa pag-interbyu ng mga batikang host sa iba't ibang brodcasting news program ng bansa sa mag-asawang Ernie at Ine, kasama si Louie na tuwang-tuwa rin at gaya ng mga ikinasal ay naging instant celebrity rin.


Mga ilang araw pa ang nakalipas, nag-uumapaw sa kasiyahan si Louie nang makatanggap siya ng may kalakihan ring halaga sa facebook dahil sa nag-viral na video na kanyang inaplod. Binalatuhan pa rin ni Louie ang mag-asawang Ernie at Ine na halos di-makapaniwala sa sobra-sobrang biyayang natamo nila.


Inisa-isa ni Ernie kasama si Ine, ang kanyang mga kapatid na naghihirap at binigyan ng tulong puhunan sa pag-asang makaaahon din ang mga ito sa hirap. Huling pinuntahan ni Ernie ang kanyang Dikong Romy na di nakadalo sa kasal pati hipag at mga pamangkin, kinumusta ang kalagayan nito at inabutan ng sampong libong piso bilang panimulang puhunan sa negosyong nais nitong simulan. Natunghayan ni Ernie, kasama si Ine, ang kasiyahang loob na di mabibili ng salapi sa ginawa nilang pagbabahagi ng biyaya sa mga ito. Ang ilan sa kanyang mga kapatid ay napayakap pa nang mahigpit at di-napigilang maiyak sa ginawa nilang pagtulong sa mga ito.


Kinabukasan, dinalaw naman ni Ine, kasama si Ernie at Louie, ang kanyang Ate Luisa, lulan ng pampasaherong dyipni ni Atong patungong Jaen, Nueva Ecija. Masayang-masaya rin si Atong nang abutan ng balato nina Ernie at Louie mula sa mga biyayang kanilang natanggap sa pag-viral ng bidyong inapload ni Louie sa fb.


Nang dumating na sila sa bahay nina Ine sa Jaen, nagpaiwan na lang sina Louie at Atong para magkakwentuhan nang masinsinan sina Ernie, Ine at Luisa.


Nang magkaharap na sina Ine at ang kanyang Ate Luisa, di-mapigilan ni Luisa na di-mapaiyak.


"Paano 'yan? Iiwan mo na ko Ine. Mag-iisa na lang ako rito sa bahay natin..." ang di-mapatid-patid na luha ni Luisa habang kausap ang kapatid na si Ine.


Matamang nakikinig lamang si Ernie na nauunawaan ang saloobin ng hipag."Huwag kang mag-alala Ate...dito kami titira ni Ernie habang tulong-tulong tayong magnegosyo sa pinaplano namin ni Ernie na pagawaan ng balutan..." ang paliwanag ni Ine na di na rin mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha.


Biglang aaliwalas ang mukha ni Luisa sa narinig.


"Talaga? Di ninyo ko iiwan!" ang masayang nawika ni Luisa habang pinapahid ang luha sa mga mata.

"Oo, Ate! Di ka namin iiwan ni Ine...sama-sama tayo sa hirap at ginhawa..." ang nakangiting sabi ni Ernie sa hipag.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now