IKALIMANG KABANATA : IGINUHIT NA PANGARAP (Tagpo 46-E)

53 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKALIMANG KABANATA


IGINUHIT NA PANGARAP


Ikaapat napo't anim na Tagpo (E)


Bagama't natawa si Ernie sa pagsugod ni Arianne na wala sa loob na naka-bra at panty lang, ramdam niya ang labis na pag-aalala nito sa kanyang kalagayan. Rumihistro sa isip ni Ernie ang pamumula ng pisngi ni Arianne sa labis na pagkapahiya nang mapansin niya na naka-bra at panty lang siya nang mabati ng batang si Jershey ang kanyang kaseksihan at ang naging eksaheradong reaksyon ng paghanga ni Louie sa mala-diyosa niyang kagandahan.


Di pa rin mawala sa isip ni Ernie ang kanyang napanaginipan na parang tutuong-tutuo. Sa kanyang pagninilay-nilay, naisip niyang marahil isang babala ito sa kanya na kailangan niyang iwasan si Arianne kung ayaw niyang magulo ang buhay niya lalo na ang pagsasama nila ni Ine.


Malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isipan ang ginawang panunumbat sa kanya ni Althea nang iwan niya si Jershey sa loob ng kwarto gayundin ang ngiting pang-uuyam ni Ine at ang banta nitong pakikipaghiwalay sa kanya at ang ginawang panunumbat sa kanya ni Louie nang mahuli sila ni Arianne na magkalapat ang kanilang mga katawan at mga labi sa isang mainit na tagpo sa may swimming pool ng hotel.


Parang tuksong nagpa-flash back sa kanyang isipan ang mga kahindik-hindik na pangyayaring naganap sa kanyang panaginip lalo na nang ibalibag siya ng isang higanteng Siyokoy sa isang lagusang punumpuno ng mga nagkiwal na mga linta. Napaisip nang malalim si Ernie, ano kaya ang ipinahihiwatig ng Siyokoy sa kanyang panaginip?Nasa ganoong pagdidili-dili si Ernie nang mapansin ni Louie na tila wala sa sarili ang tiyuhin niya habang nakatitig sa kawalan.


"Tito Ernie, lalim naman ng iniisip mo? Ano ba 'yang napanaginipan mo?" ungkat ni Louie sa amain.


Saglit lang, nakabalik na agad si Ernie sa sarili nang mapagtantong di nga pala siya nag-iisa sa silid at pilit inayos ang sarili.


"A...e...sariwa pa rin kasi sa isip ko ang napanaginipan ko...Ibinalibag ako ng isang higanteng Siyokoy sa isang tunnel na punumpuno ng linta..." ang pagkukwento ni Ernie.


"Siyokoy?! Napaka-weird naman pala Tito ng napanaginipan mo..." ang tugon agad ni Louie sa ikinuwento sa kanya ng Tito Ernie niya.


"What is Siyokoy?" usisa ni Jershey na nakikinig sa kanilang usapan.


Di malaman ni Ernie kung paano niya ito ipapaliwanag sa anak. Sasapuhin ito ni Louie.


"Ah....ha! It is a sea creature..." ang paliwanag ni Louie.


"What is a sea creature?" usisa ulit ni Jershey.


Pag ganitong nagiging mausisa na si Jershey, walang magawa si Louie kundi kahit ano na lang ang maisagot niya rito para ma-satisfy lang niya ang curiosity ng bata.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now