IKAANIM NA KABANATA : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 73)

19 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikapitompu't tatlong Tagpo

Umalingaw-ngaw ang putukan sa paligid ng bulubunduking Montalban Rizal.Sa Jaen, Nueva Ecija, nagpatuloy ang 'prayer vigil' sa maluwang na bakuran ng pagawaan ng balot. Gaya ng dati, pinangungunahan pa rin ni Luisa na may hawak na 'wireless microphone' ang pagrorosaryo. Buong taimtim na nananalangin sina Ine, Althea, Adonis, Louie, Atong, Arianne at mga estudyante ng SLU, mga kamag-anak, kapitbahay at mga kaibigan.

Naroon din sina Kuya Ruperto, Liling, Efren at Beet na kabilang sa dagsa-dagsang 'prayer warriors' na kumakatawan sa iba't ibang sektor ng lipunan na pawang may hawak na mga rosaryo habang sama-samang nananalangin sa ikaliligtas ng magkakapatid na Ernie sa kamay ng sindikato ng drogang dumukot sa kanila. Naroon din si Mang Damian na nangangasiwa sa pagpapameryenda sa mga taong nakikiisa sa'prayer vigil'.

Marami ang nasawi at naging sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng dalawang paksyon ng sindikato ng droga. Napabalita rin batay sa interbyu sa ilang mataas na opisyal sa isinagawang operasyon ng PDEA sa pakikipagtulungan ng pulisya na matagal na nilang minamanmanan ang nabanggit na sindikato.

Natuklasan ang pagawaan ng droga sa ikatlo at ikaapat na palapag ng gusali kabilang rin ang mga matataas ng kalibre ng armas na iniingatan ng lihim na organisasyong pinamumunuan ni Kapitan Anchong.

Hindi humihinga sina Ine, Arianne, Althea, Adonis, Jershey, Louie, Atong, Luisa, Kuya Ruperto, Liling, Efren, Beet at halos lahat ng taong naroon sa prayer vigil habang pinapanood sa isang malaking telebisyon na (ginagamit rin sa pagrorosaryo) ang ginagawang pagbabalita ng isang tanyag na broadcasting station lalo pa nga't nabunyag na si Kapitan Anchong pala ang lider ng nabanggit na sindikato ng droga.

Labis na nag-aalala ang lahat lalo pa nga't ibinabalitang marami ang nasawi at naging sugatan sa nabanggit na insidente. Abot- abot ang tahip sa dibdib ni Ine habang pinapanood niya sa telebisyon ang maraming patay at sugatan na isinasakay ng mga sundalo sa mga sasakyan ng militar.

"Diyos ko po...Diyos ko...huwag ninyong pababayaan ang asawa ko! Huwag po...huwag po!"

Walang tigil sa pagpatak ang luha sa mata ni Arianne. Inaalalayan siya ni Jessa. Gayundin si Althea na tahimik na lumuluha na di pa rin maikakalla na mahal pa rin niya si Ernie.

"Mommy, why are you crying?" bati ni Jershey sa ina.

Mamasid-masid lang si Dr. Adonis sa mag-ina. Maya-maya pa'y magugulat si Jershey, nanlalaki ang mata nang makita si Ernie kasama ang mga kapatid nito na iniinterbyu.

"Look! Ninong Ernie is still alive!" ang sigaw ni Jershey. Matitigil sa pag-iyak si Ine at nang makitang buhay ang asawa, mapapalundag ito sa tuwa!

"Yes! Yes!"

Gayundin si Arianne, mapapalundag na rin sa labis na kasiyahan sabay sigaw ng "Yes! Yes!"Mapapasunod na rin si Althea.

"Yes! Yes!"

"Salamat sa Diyos at buhay silang lahat...thank you Lord...thank you Lord!" ang sigawan ng mga tao na nakilahok sa 'prayer vigil' habang pinapanood sina Ernie at ang mga kapatid nito sa telebisyon.


All reactions:5Charet B. Monsayac, Carolina Javier and 3 others

2LikeComment

Share

View more comments

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon