IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 90-B)

20 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATASALAMISIM

Ikasiyam-na-pong Tagpo (B)

Sinabayan ni Ernie sa pagtakbo ang inaakala niyang si Padre Tinio na nakasapatos ng Adidas at naka-jogging pants na kulay-blue at t-shirt na puting may tatak na puma.

"Padre Tinio, tumatakbo po pala kayo?" bati ni Ernie.

Magtataka ang binati. Bahagyang mapapalingon kay Ernie at matipid na ngigiti sa kanya.

"Napagkamalan po ninyo ako...ako po ang kakambal ni Padre Tinio...kadarating ko lang po galing sa U.S. Isa po akong clinical psychologist...tagarito lang po ako sa Brgy. Sta. Barbara..." ang paliwanag ng kausap ni Ernie.

"Ganoon po ba? Di po ninyo naitatanong...family friend po namin si Padre Tinio...siya rin po ang nagkasal sa amin ng napangasawa ko...ano nga po pala ang pangalan ninyo para pag nagkita kami ni Padre Tinio, mabanggit ko ang pangalan ninyo...ako nga po pala si Ernie..." pagpapakilala ni Ernie sa sarili.

"Ako naman po si Dr. Dante Montelibano...anyway, you can just call me Dan for short..." sabay abot ng kamay niya kay Ernie.

"Isa pong karangalan na makilala kayo," tugon naman ni Ernie habang nakikipagkamay kay Dr. Dante Montelibano.

"Isa po pala kayong clinical psychologist...ang tutuo po kaya hinabol ko kayo sa pag-aakalang kayo po si Padre Tinio, hihingi po sana ko sa kanya ng spiritual advice tungkol po sa mga napapanaginipan ko na labis na gumugulo sa isipan ko..." panimulang pagkukuwento ni Ernie sa kausap.

"Ano po 'yung mga napapanaginipan n'yo?" pag-usisa ni Dr. Montelibano na waring interesado sa sasabihin ni Ernie, "...mabuti po siguro, maupo tayo sa isang tabi para makapagkwentuhan...sa pag-uwi ko'y nasasabik din ako sa mga kababayang tulad mo na makakuwentuhan...malay mo, baka kahit paano'y makatulong ako sa problema mo..."ang nakangiting nasabi ng psychologist kay Ernie sabay upo sa may bakanteng espasyo.

Umaliwalas ang mukha ni Ernie. Sabay tabi malapit sa kinauupuan ni Dr. Montelibano.

"Hulog po kayo ng langit sa akin...sa tingin ko po malaki ang maitutulong n'yo sa problema ko..." ang nakangiting nawika na lamang ni Ernie.

Magsisimula nang magkwento si Ernie. Mataman namang makikinig nang mabuti ang clinical psychologist na waring malalim na sinusuri ang iba't ibang panaginip na labis na nagpapahirap sa kalooban ni Ernie.

Matapos makapag-unload si Ernie ng kanyang mga saloobin sa kanyang mga panaginip, kakausapin siyang nakangiti ni Dr. Montelibano.

"Iyang problema mo kay Arianne na madalas dinadalaw ka sa mga panaginip mo...kagagawan mong lahat 'yan Ernie..." paliwanag ng psychologist sa kanya.

Nagtatakang mapapatingin si Ernie sa kausap. Magtatama ang kanilang mga paningin ni Dr. Montelibano na waring mga nag-uusap.

"Doc...bakit po ako? Kinausap ko na po si Arianne...sinabi ko na pong kailanman, di magiging kami...anak lang ang turing ko sa kanya...sa laki ng agwat ng edad namin...magtatay lang kami..."

"Iba ang sinasabi ng iyong bibig sa tunay mong nararamdaman Ernie...kaya ayaw kang iwanan ng problema mo kasi...ine-entertain mo pa rin sa isip mo si Arianne...ang tutuo, ayaw mo siyang saktan...nagke-care ka pa rin sa kanya...ikaw ang di maka-move on at hindi si Arianne...hangga't di mo siya tutuong kinakalimutan...mananatili kang bilanggo ng Paraisong Ginto, isang mundo ng imahinasyon na iyung nilikha para sa inyong dalawa..." patuloy na pagpapaliwanag ni Dr. Montelibano.

"Hindi tutuo 'yan! Hindi tutuo 'yan!" Mapapatayo na lamang si Ernie sa kanyang kinauupuan at iiwanan ang kausap.

All reactions:3Dory Batas, Cai Zordilla and 1 other2LikeCommentShareWrite a comment...

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon