IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 36-E)

49 2 0
                                    


''MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKAAPAT NA KABANATA


KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN


Ikatatlumpo't anim na Tagpo (E)


Makalipas ang isang linggo, masinsinang nag-uusap sina Ruperto at Dr. Castro, kaharap sina Ernie, Ine at Louie sa reception area ng ospital.


"Mang Ruperto, batay po sa naging resulta ng MRI, ang inyo pong asawa na si Liling ay may brain aneurysm. Bukod po rito, tumaas po ang kanyang blood sugar gayundin ang kanyang blood pressure. Dahil po dito, na-comatose po ang inyong asawa.," ang paliwanag ni Dr. Castro.


"Doc...may pag-asa pa po bang maka-recover ang aking asawa..." ang nag-aalalang tanong ni Ruperto.


"Depende po. Sa mga ganitong kaso po ng comatose, minsan po inaabot lang ng one week or two weeks, may mga pasyente pong nagigising na...meron naman pong inaabot ng buwan o taon depende kung paano po magre-respond ang pasyente sa mga gamot na ia-administer ko sa pasyente."


"Sa madaling salita po Doc...walang katiyakang gagaling agad ang asawa ko..." bakas ang labis na pag-aalala sa tanong ni Ruperto.


"Sa ngayon po...wala po akong maibibigay na assurance sa pasyente...kundi ipanalangin na lang po natin na ang inyong asawa ay mag-respond agad sa mga gamot na pararaanin ko sa suwero niya," ang patuloy na pagpapaliwanag ng doktor.Balisa ang mag-asawang Ernie at Ine habang nakikinig sa usapan nina Ruperto at Dr. Castro.


"Magkano naman po kaya ang magugugol namin Doc sa pagpapaospital sa asawa ko....," usisang nag-aalala ni Ruperto.


"Medyo may kalakihang halaga po..."ang sabi ni Dr. Castro.


"Doc...kung milyon po ang ibig ninyong sabihin....may konti po akong natatabi sa banco pero di po sasapat iyun...yung iba ko pong pera ginagamit ko sa aming pagawaan ng balot...kung pagkatapos po ng dalawang linggo at di pa nagigising ang asawa ko, pwede po bang iuwi ko na sa bahay at doon ko na po paalagaan sa isang private nurse?" ang tanong na nagugulumihanan ni Ruperto.


"Pwede naman po...kailangan lang pong kabitan ng breathing aparatus at intravenous pumps para mapangalaan ang vital organs ng asawa ninyo at pwede ring dalaw-dalawin ko na lang din siya para ma-check up," sabi ng doktor na mapapatingin na sa kanyang relo."Sige po maiwan ko na kayo...kailangan ko na rin pong bisitahin ang iba ko pang pasyente. " Tatayo na si Dr. Castro saka maglalakad na ito para dalawin ang kanyang mga pasyente. Nakaalis na ang doktor, naiwang nakatulala si Ruperto na iniisip ang malaking gastusin sa pagpapagaling sa asawa. Naisip niyang baka maubos ang kanilang mga ipon sa banco at mga ipinundar pag nagkataon. Sa loob-loob niya, ayaw na niyang magbalik sa hirap ng buhay noong siya'y bata pa. Nang mapansin ito ni Ernie, hahawakan niya ang kamay ng Kuya niya nang may pag-aalala.


"Huwag kang mag-aalala Kuya...tutulong kami ni Ine sa pagpapagamot kay Ate Liling..." ang sabi ni Ernie.


"Oo Kuya...taimtim lang tayong manalangin...naniniwala akong gagaling din si Ate Liling."Tutulong din ako Tito Pert..." ang sabi ni Louieng malaki-laki rin naman ang kinita sa nag-viral na video niya sa facebook.


Sa mga narinig ni Ruperto sa gagawing pagdamay sa kanya ng kapatid na si Ernie, hipag na si Ine at ang pamangkin nitong si Louie, parang nabuhayan siya ng pag-asa.


Makalipas ang dalawang linggo, nanatiling comatose pa rin si Liling. Pinagpasiyahan na ni Ruperto na sa lumang bahay na lang nila paalagaan sa isang private nurse si Liling. Laking pasasalamat ni Ruperto nang wala siyang ginastos dahil pinagtuwangan na lang nina Ernie at Louie ang mataas na bill sa ospital.


Nang mailipat na sa lumang bahay si Liling at makakuha na sina Ernie at Ine ng private nurse at maikabit na ang mga aparatus na kinakailangan ni Liling gaya ng mga daluyan ng paghinga, lusaw na pagkain, at mga gamot.


Nagpaalam na sina Ernie, Ine at Louie kay Ruperto upang ituloy na nila ang plano nilang magsimba sa Simbahan ng Virgen Manaog sa Pangasinan na balitang-balitang nagmimilagro at pagkatapos, tumuloy na rin sa Baguio upang tuparin ang pangako nilang ipapasyal ang Ate Luisa ni Ine gayundin ang naantalang pulot-gata nila.


Lulan na sila ng pampasaherong dyipni na minamaneho ni Atong, nang mag-ring ang selfon ni Luisa. Sasagutin ni Ine ang tawag ng Ate niya.


"Musta na si Liling?" usisa ni Luisa.


"Naihatid na namin Ate sa lumang bahay...meron na rin siyang private nurse na mag-aalaga sa kanya," ang paliwanag ni Ine.


"Naku...ayan...tuloy ang inabot niya...masyadong napaaga ang karma sa hitad na 'yan...di pa kasi natuluyan...", ang panggagalaiti pa rin na pahayag ni Luisa.


"Ate...pauwi kami d'yan ngayon...tuloy ang pagsisimba natin sa Virgen Manaog at pagkatapos tutuloy na rin tayo sa Baguio..." sadyang iniba na lang ni Ine ang paksa ng kanilang usapan nang matapos na ang sobrang pagkainis ng Ate Luisa niya kay Liling."A mabuti naman. Sige, gagayak na ako," ang pakli ni Luisa.


Nang mag-vibrate naman ang selfon ni Ernie, titignan niya ang text message na nag-appear sa screen. Nuong mga sandaling iyon, abala rin sa pagti-txt si Louie.


"Lupa ka ba?" Lihim na napangiti si Ernie. Sa mga oras na iyon, nais niyang malibang dahil sa problemang hinaharap nila sa Ate Liling niya. Sinagot niya ang pick up line ni Arianne."Oo, bakit?" Sinagot ni Arianne ang reply message ni Ernie.


Kasi Langit ako. Tayo ang itinadhana. Kung walang lupa, walang langit...at walang langit, kung walang lupa!


Sa pagkakataong iyon, naiisip ni Ernie na nahuhumaling na ata talaga sa kanya ang tin-edyer na ito.


All reactions:2John Dave D. Cavite and Charet B. Monsayac

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz