IKALAWANG KABANATA : KAPALARANG NAGHIHINTAY (Tagpo 15)

118 5 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKALAWANG KABANATA

KAPALARANG NAGHIHINTAY

Ikalabinlimang Tagpo

Gaya ng pangako ni Ernie kay Ine, makalipas ang dalawang linggo, pinasyalan nito si Ine sa Nueva Ecija para doon mananghalian kasama si Louie. Masayang-masaya si Ine nang makita sa bungad ng pinto ng bahay nila ang mag-amain.

"Tuloy...tuloy kayo!" ang anyaya ni Ine.

Pumasok ang dalawa.

"O. maupo muna kayo!"

Naupo ang dalawa sa sala. Lilinga-linga si Louie sa paligid. Halatang nagagandahan siya sa maayos at malinis na bahay nina Ine.

"Kung mag-aasawa ko Tito Ernie...ganito kaganda at kalinis ang magiging bahay ko..." ang nasisiyahang pahayag ni Louie.

"Si Louie nga pala, pamangkin ko!" pakilala ni Ernie kay Ine.

"Gwapo rin pala katulad mo..." ang papuring bati naman ni Ine kay Louie.

"Di naman po...isang paligo lang po ang lamang ko kay Superman hehehe," ang pabirong wika ni Louie.

"Ikaw Ernie...palagay ko...marami ka nang naikwento sa ating dalawa kay Louie. Musta nga pala ang lakad ninyo?" ang ungkat ni Ine.

"Eto nakapag-deliver na kami ng balot sa mga suki namin...eto nakapamili na rin kami ng mga itlog ng itik..."ang kwento ni Ernie.

"Mabuti naman at nang di sayang ang lakad ninyo!" sabi ni Ine.

Luminga-linga si Ernie.

"Nasaan nga pala ang Ate Luisa?" tanong ni Ernie.

"Hayun...nasa kusina...naggagayak na ng pananghalian natin," sagot agad ni Ine."Musta naman ang buhay-buhay?" patuloy ni Ine.

"Ok naman...medyo nagkaroon lang nang konting di-pagkakaintindihan sa aming magkakapatid!" ang kwento ni Ernie.

Rumehistro sa mukha ni Ine ang pag-aalala.

"Wag kang mag-alala...maaayos din 'yun!" ang nawika na lang ni Ernie para mapanatag ang kalooban ni Ine.

Sa papasok si Luisa.

"Halina na kayo...nakahanda na ang masarap na pananghalian...si Ine ang nagluto ng tinolang manok!" Matitikman n'yo ang kanyang specialty! " ang paanyaya ni Luisa.

"Wow paborito ko po 'yan!" ang sabi ni Louie na halatang gutom na.

"Pasensiya ka na Ate Luisa kay Louie...sa kanyang pagka-hyper," sabi ni Ernie sabay pukol ng tingin kay Louie na ipinahihiwatig na mag-behave.

"Naku, ok lang 'yan...mainam nga 'yan buo ang loob...di-mahiyain...!" ang nakangiting pahayag ni Luisa.

Dumulog na sa hapag kainan ang mag-amain at ang magkapatid na Ine at Luisa. Maraming putaheng nakahapag sa mesa. May adobong baboy, may tinolang manok, may chop suey, saging at pakwang pinaghiwa-hiwa na. Namimista ang mga mata ni Louie sa mga nakikita. Nag-pray muna si Luisa. Maya-maya lang, sabay-sabay nang sumusubo ang apat.

"Ang dami naman nitong hinanda mo Ine!" ang bati ni Ernie.

"Siyempre...special na bisita ko kayo, di ba Ate?" ang sabi ni Ine sabay sulyap sa Ate Luisa niya na gumanti naman ng ngiti ng pagsang-ayon.

"Oo naman...kaya pagbutihin n'yo ang pagkain...wala kayong ititira...luto lahat 'yan ni Ine!" ang pagmamalaki ni Luisa habang minamasdan sa pagsubo ang magpinsan na sarap na sarap sa putaheng inihanda ni Ine.

Sarap na sarap naman sa pagkain si Louie.

"Tikman naman ninyo 'yung tinola ko..." ang sabi ni Ine.

Humigop ng sabaw ng tinola si Ernie.

"Ano lasa?" tanong na buong pananabik ni Ine.

"Wow ang sarap...kakaiba itong tinola mo Ine...may anghang...iyan ang type ko!" ang papuring nasabi ni Ernie.

"May anghang ng pagmamahal yan Ernie!" ang malambing na sagot ni Ine. Tinugon naman ito ng nanlalagkit na tingin ni Ernie.

Humigop rin ng sabaw ng tinola si Louie. Nasamid sa anghang sabay buga ng kinakain sa mukha ni Ernie. Sa naging kakatwang pangyayari, di maiwasang matawa ng magkapatid na Ine at Luisa. Kinuha agad ni Ernie ang panyo sa bulsa habang pinapahiran ang mukha ng nabugahang kanin na may kahalong sabaw ng tinola.

"Sa sobrang sarap po ng sabaw ng tinola...naibuga ko po tuloy...a e hindi po pala...sa sobrang anghang!" ang mamali-maling tugon ni Louie na sinabayan ng pagbibiro.

Namula ang pisngi ni Ine. Iniihit naman ng tawa si Luisa. Di na rin mapigilan ni Ernie ang matawa. Pinilit na lang ipanatag ni Ine ang sarili at naki-join na rin sa tawanan nila. Pati si Louie, nakikitawa na rin.

All reactions:4Rachelle Bautista Mijares, Lucila Eduarte and 2 others


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulDonde viven las historias. Descúbrelo ahora