IKAANIM NA KABANATA : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 55)

34 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikalimampo't limang Tagpo

Matapos makausap ni Ernie ang kanyang Kuya Ruperto, nagpaalam na agad siya at idinahilan sa Kuya niya na kailangan na niyang makabalik sa Jaen, Nueva Ecija para asikasuhin naman ang kanyang negosyo.

Lulan ng kanyang SUV, nang makalayo-layo na siya sa kanilang lumang bahay, saglit na hihinto ni Ernie ang sasakyan niyang minamaneho sa isang tabi at lihim na tatawagan si Kapitan Anchong. Sasagutin naman ni Kapitang Anchong ang tawag ni Ernie."

O, Ernie inaanak...napatawag ka?" tanong ni Kapitan Anchong.

"Saan ko po ba kayo pwedeng puntahan para makapag-usap tayo ng personal...alam ko pong napaka-busy n'yo ngayon...pwede po bang malaman ang available time n'yo... " paniniguro ni Ernie.

"Bukas maagang-maaga mo kong puntahan sa may Alido Subdivision...bago ko umalis...alam mo naman...ang dami ko ng appointments na kailangan kong harapin lalo't palapit nang palapit ang eleksyon..." tugon ni Kapitan Anchong.

"Ok po Ninong....salamat po...makakaasa kayong bago pa sumikat ang araw...nariyan na po ako sa mansiyon n'yo..." ang mabilis na sagot ni Ernie.

Matapos mag-usap nina Ernie at Kapitang Anchong, agad tinawagan ni Ernie si Ine. Nagpaalam si Ernie na sa isang hotel na lang siya matutulog sa Baliuag dahil maagang-maagang makikipagkita siya sa kanilang Ninong Anchong. Pagkatapos maipaliwanag ni Ernie sa asawa ang tunay na rason ng pakikipag-usap niya sa kanilang ninong sa kasal, pumayag na si Ineng duon na siya magpalipas ng gabi sa hotel sa Baliuag.

Nuong gabing yaon, pinili ni Ernie na sa Chocolate Hotel mag-check in. Sa may lobby ng hotel, umorder siya ng Italian food para sa dinner niya. Dahil sa labis niyang kaabalahan sa kanyang mga iniisip, di niya napansin ang isang grupo ng mga kabataang babae na kanina pa manaka-nakang sumusulyap at nagbubulungan sa lugar na kanyang kinauupuan. Nang i-serve na ng isang babaing waiter na naka-white dressed uniform ang kanyang inorder sa table niya, dahan-dahang lumapit sa may likuran ni Ernie ang limang naggagandahang kabataang babae. Maagap na tinakpan ng babaeng nasa gitna na naka-red t-shirt at maong pants ang mga mata ni Ernie ng dalawang kamay nito. Bagamat nabigla si Ernie, nakiramdam muna siya.

"Guess who?" sabi ng magandang babaeng naka-red t-shirt at naka-maong pants.Pamilyar ang tinig. Kilala ni Ernie ang tinig. Pati ang pabangong gamit nito na langhap na langhap niya. Di siya maaaring magkamali.

"Arianne, ikaw ba 'yan?" tanong ni Ernie.

"Oo ako nga ito hahahaha! Kilalang-kilala mo na talaga ako!" ang lakas ng tawa ni Arianne.Aalisin ni Arianne ang pagkakatakip niya sa mata ni Ernie.

"Nakasosorpresa ka naman...paano kang napunta rito?" usisa ni Ernie habang nakalingon kay Arianne at sa mga kasama nito.

"Mga classmates ko sa St. Louie University...wala bang nabanggit si Louie sa iyo?" tugon ni Arianne.

Titignan ni Ernie isa-isa ang mga classmate na ipinakilala ni Arianne at sabay-sabay na magwe-wave hands at magsasabing "Hi po!"

"May nabanggit. Sabi ni Louie magbo-volunteer daw kayo sa pangangampanya ni Kuya Pert at may group thesis daw kayong gagawin tungkol sa local politics..." tugon ni Ernie sa tanong ni Arianne.

"Exactly my dear!" ang malambing na reaksyong nakangiti ni Arianne kay Ernie. "Si Ine kasama mo?" paniniyak ni Arianne.

"Hindi. Nag-iisa lang ako..." payak na sagot ni Ernie.

"Ows talaga? May iba ka sigurong dine-date rito...hahaha..." pagbibiro ni Arianne.

"Wala. May kakausapin lang akong importanteng tao bukas nang maagang-maaga..."paliwanag ni Ernie.

Sa biglang susulpot si Louie sa lobby ng hotel, mababaling ang atensiyon ng lahat sa kanyang pagdating.

"Siya ba si Louie? Ang gwapo pala!" ang sabi ng classmate ni Arianne na mestisang tsinita na naka-yellow t-shirt at naka-maong pants habang bumubulong kay Arianne.

"Oo ang gwapo nga...." ang pangalawa nung mala-bombay ang mukha na naka-white t-shirt at maong pants.

Magugulat si Louie pagkakita sa Tito Ernie niya.

"What a surprise Tito Ernie...akala ko nakauwi ka na sa Jaen?" ang nagtatakang naging reaksyon ni Louie.

"May usapan kami ng ninong namin sa kasal ni Ine na magkikita nang maagang-maaga bukas kaya naisipan kong mag-check in na lang sa hotel para di ako ma-late sa appoinment ko...di ko akalain na magkita-kita kami rito nina Arianne...sige umonrder na kayo ng dinner n'yo at sagot ko na..." ang paanyaya ni Ernie.

"Sige umorder na tayo hahaha...sagot ni Tito Ernie at ako naman after our dinner, sagot ko ang wine!" ang masiglang pangangalawa ni Louie.

"Alright girls...order na hahaha..." masayang pangangatlo ni Arianne.

Nagkanya-kanyang order na ang lahat. Napagpasiyahan ng grupong lumipat sa long table para magkaharap-harap. Matapos makakain, umorder ng wine si Louie. Lumalalim ang gabing naging palagay na ang mga classmate ni Arianne kay Louie sa pagiging galante at palabiro nito. Tahimik lang si Ernie. Paminsan-minsang makahulugang nagkakatama ang paningin nila sa isa't isa ni Arianne.

"Louie...saan ka nga pala matutulog? Kung gusto mo...tabi na lang tayo sa kwarto ko..." alok ni Ernie na may tama na rin sa alak na iniinom.

"Huwag na Tito Ernie...sa kwarto na lang namin matutulog si Louie...hahaha di ba mga girls?"ang biro ng classmate ni Arianne na kayumanggi at may balingkinitang pangangatawan na naka-blue t-shirt at maong pants.

"Yes Tito Ernie...don't worry Tito Ernie kami na ang bahalang mag-alaga kay Ernie," sabi naman nung isang medyo may pagka-chubby ngunit may maamong mukha, naka-green t-shirt at maong pants.

"Hayaan mo na ko sa kanila Tito Ernie...certified bachelor naman ako hahaha...walang asawang magagalit jejeje..." ang birong pangangantiyaw ni Louie.

Tatayo si Louie at aayain na ang mga kainumang girls na magpahinga na kasi maaga silang magpapamigay ng mga ni-repack na canned goods at bigas. Susunod naman sina Arianne.

"Sige, Ernie...sweet dreams...maagang-maaga ka rin may appointment bukas..." ang paalala ni Arianne na halatang lasing na rin na susunod na rin kay Louie na palagay ang loob na nakaakbay pa sa dalawang kaklase ni Arianne.

Tatayo na rin si Ernie. Susundan ang grupo nina Arianne na nagsiakyat na sa hagdan. Kitang-kita ni Ernie si Louie na kasama ng mga girls na papasok sa loob ng isang malaking silid na pangmaramihan. Naisip ni Ernie na ganito na ba talaga ang mga kabataan? Nagkilala ngayon, palagay na ang loob agad-agad na para bang matagal nang magkakakilala? Naiisip din niya si Arianne, di ba nagseselos ito sa ginawang pag-akbay ni Louie sa dalawang kaklase nito gayong nanliligaw ito sa kanya?

All reactions:2Herman Manalo Bognot and Len Cruz Odtohan

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulWhere stories live. Discover now