IKAPITONG KABANATA : ALIMAOM (TAGPO 80)

26 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAPITONG KABANATA

ALIMAOM

Ikawalumpong Tagpo

Sakay ng kanyang SUV Toyota, suot ang kanyang jogging attire, alas-sais palang ng umaga, ipinarada na ni Ernie ang kanyang sasakyan sa parking area ng Padre Pio Subdivision na sakop ng Brgy. Sta. Barbara. Pagkababa ng kanyang SUV, ramdam na ramdam na niya ang lamig ng simoy ng Disyembre. Nagulat pa nga siya ng salubungin siya ni Atong na nakasuot rin ng kanyang outfit na pang-jogging.

"Ernie!"

"O, Atong...ikaw pala...sino kasama mo?"

"Ako lang..."

"Si Louie? Musta na siya? Ba't di mo kasama?"

"Naku, mula ng basterin ni Arianne...lagi nang lasing...buti pa siguro, kausapin mo..."

"Sige...pag nakatiyempo...kakausapin ko...tara jogging na muna tayo..."

Sabay na tatakbo ang dalawa habang patuloy na nag-uusap.

"Buti, nauwi ka ng Baliuag...si Ine, bakit di mo kasama?"

"Naiwan na si Ine...walang mag-aasikaso sa negosyo namin...balak ko kasing kausapin...isa-isa mga kapatid ko at kumbinsihin na bilhin naming muli yung lupang kinatitirikan ng luma naming bahay na nailit ng banco..."

"Tama 'yang desisyon mo Ernie...sayang naman kung iba pa ang makabibili ng lupang minana pa ninyo sa inyong mga magulang..."

Sadyang ibabaling naman ni Ernie ang usapan nila ni Atong sa ibang paksa.

"Isa pa, may problema ko kay Ine..."

Mapapakunot-noo si Atong. 

"Ano naman ang problema mo sa asawa mo?"

"May isang taon na kaming nagsasama, di ko pa rin nabubuntis...gustong-gusto pa namang magkaanak na kami..."

Ramdam sa tinig ni Ernie ang labis na pag-aalala sa asawa. Magagawang magbiro tuloy ni Atong.

"Hindi mo ata itinataktak na mabuti hahaha pag nakabaon na at nakapag-release na si Dayunyor mo...hayaan mo munang nakababad sa hulmahan hahaha saka huwag mo muna agad patatayuin si Ine para di matapon yung gatas ng buhay hahaha"

"Ikaw talaga...di ka pa rin nagbabago...puro ka kalokohan..."

"Saka isa pa...lahat ng istilo gawin mo...scissors, horse riding, roller coaster, helicopter, sixty-nine..."

"Lubayan mo nga ako Atong...ano ba 'yang mga pinagsasabi mo na 'yan...ni hindi ka pa nga nakapag-aasawa...ang dami mo ng alam hehehe..."

Unti-unti nang gumaganti ng biro si Ernie na kanina lamang ay seryosong nakikipag-usap sa kanyang kaibigan, kaklase at kababatang si Atong.

"Binata nga ako...pero...dami ko namang chicks na naka-live in...masyado ka kasing seryoso sa buhay..."

Pagyayabang ni Atong kay Ernie."Wala ka pa bang planong mag-asawa?" Usisa ni Ernie sa kaibigan."

Balak ko na ngang mag-asawa kung...kung..."

Ibibitin ni Atong ang huling sasabihin."Kung ano?"

Tanong ni Ernie na hinihintay ang idudugtong ni Atong.

"Kung papayag kang mapangasawa ko si Ate Luisa!"

Bubunghalit ng tawa si Ernie.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan hahahahahaha"

Ang haba ng tawa ni Ernie.

"Di nga! Seryoso ko!"

Mapapansin ni Ernie na unti-unti nang dumarami ang nag-ja-jogging na nakakasabayan nila. Di rin nakaligtas sa paningin niya ang grupo ng mga senior citizens na naka-t-shirt ng KapeTeaRun na masayang nagsisipaglakad. Dinig na dinig niya ang harutan at biruan ng mga ito.

"Bakit ba yung sa akin...pag nagbibihis ako...di ko na makita?

Kuwento ng isang senior citizen na malaki ang tiyan.

"Bakit ako...maliit naman ang aking tiyan...di ko pa rin makita ang akin..."

Ang pakli naman nung isa pang senior citizen. Kasabay nuo'y kapwa bubunghalit na ng tawa ang dalawa. Makikitawa na rin sina Ernie at Atong na nakikinig. Mararaanan naman nina Ernie at Atong ang isang pulutong ng mga babaing nasa mid-30's na naghaharutan.

"Naku kung ako sa inyo...huwag na huwag kayong  papatol sa mga Senior Citizen kahit marami pang pera hahaha mukha na lang ang nagagalit sa mga 'yan."

Lihim na nangingiti na lamang sina Ermie at Atong sa kanilang mga naririnig na harutan.Naagaw rin ang pansin nila ng mga teenagers, bata't matanda, babae at lalaki na abala sa kanilang mga physical activities na kanilang nararaanan sa kanilang pagja-jogging. May naglalakad na abala sa pagkukuwentuhan. May mga tumatakbo at may grupo rin naman ng mga kababaihan na nagsisipag-zumba.

Matitigil na lamang ang usapan nila ni Atong nang makita nila si Romy sa jogging area na patakbong lumalapit sa kanila.Ganoon na lamang ang tuwa ni Ernie nang di-akalaing makikita ang nakatatandang kapatid sa jogging area.

"Ernie...Atong...ang sasaya n'yo hahaha"

"Dikong Romy...nandiyan ka pala hahaha tamang-tama ang pagkikita natin...balak ko talagang sadyain kayo isa-isa nina Ate Nena para mapag-usapan natin yung nailit nating lupa ng banco..."

Makikisabay si Romy sa kanilang pagtakbo.

"Napag-usapan na rin namin 'yan ng Ate Nena. May plano talaga kaming pasyalan ka sa Jaen para pagtutulong-tulungan nating bawiin sa banco 'yung nailit nating lupa...saka isa pa para madalaw na rin namin ang Ate Liling, sina Efren at Beet..."

"Salamat sa Diyos Dikong Romy at iisa pala ang ating mga iniisip!"

Nakangiti naman si Atong na nakamasid lamang sa magkapatid. Di-mailarawan sa labis na kasiyahan ang mukha ni Ernie sa narinig sa bibig ng Dikong Romy niya.

All reactions:3Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 1 other

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulOù les histoires vivent. Découvrez maintenant