Chapter 51 - Luggage

735 33 5
                                    

CHAPTER 51

LUGGAGE


Tiffany's POV


The ride towards the Viel's mansion was gut-wrenching. I felt as though I was unable to breathe correctly, despite making every effort to inhale and exhale. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, parang mahihimatay na ako.


"Zin, please hurry." I didn't want to sound ungrateful since he was the one who offered to drive for me. Alam niyang wala ako sa wisyo ngayon upang makapag-drive magisa kaya nagprisinta na siya.

Tumakas nga lang ako mula sa mga bantay sa bahay. My Dad became overly protective because of what happened, much like how I was with him after he was shot a few years ago. He made sure to tightened up the security at our house. Pero dahil kilala ang mga kaibigan ko, hindi na chineck ang mga kotse nila nang umalis sila sa mansion. I was able to hide at the back seat of Zin's car. Nagiwan na lang ako ng note sa side table ko sa kwarto ko, in case may makapansing wala ako sa bahay.


"Tiff, mas mahalaga na makarating tayo doon ng safe tayo." Caylee tried to calm me down by touching my hand, but it didn't work. Hindi pa rin ako mapakali.

"But we might be too late! Please Zin! You can do better than this!"

"I'm trying but Caylee's right, Tiff. Baka mahuli pa tayo ng pulis kung mas bibilisan ko pa. Tsaka malakas ang ulan, delikado."

I groaned in frustration but was forced to give up. Naiintindihan ko naman sila pero hindi ko pa rin gusto na ganito lang kabagal ang takbo ng kotse.


I looked outside the car window and prayed to God to stop the heavy rain.

Bakit ba naman sa lahat ng araw, ngayon pa bumagyo? Is this a sign? Will Law's flight be cancelled because of the storm? Hopefully, that would be the case. Pero paano kung wala na siya sa kanila? Paano kung nasa airport na siya? Mahahabol ko pa ba siya?


Hindi pa man din nakaka-park ng maayos si Zin ay bumaba na ako ng kotse at tumakbo. Hindi na ako gumamit ng payong kahit ilang ulit akong tinawag ni Caylee. I didn't care if I'd look like a wet rug in front of Law. Ang mahalaga, magkita kami.


"Law!" I shouted, not caring if his family would wake up because of my loud voice. Kakalampagin ko pa lang sana ang pintuan nang bumukas na iyon. An old maid smiled warmly at me. She looked familiar. Mukhang matagal na nilang kasambahay ito.


"Ms. Tiffany, magandang gabi po." Naitawag na yata ng guard sa gate na paparating kami kaya inabangan na ako ng katulong nila. "Pasok po. Nasa kusina ho sila."

Tahimik akong sumunod sa kanya papunta sa dining area. As I reached the room, I overheard a girl's voice and Law's parents laughing.


Lahat ng lakas ng loob ko ay naglaho na parang bula. Suddenly, I wanted to turn around and walk away.

Nandito ang ka-date kanina ni Law. Pinakilala niya na agad sa mga magulang niya ang babaeng 'yon? Is he that serious with her? Kailan ba sila nag-meet at bakit parang napakabilis naman nila?


"Ma'am, Sir, may bisita po kayo. Si Ms. Tiffany po naririto."

Hindi na ako nakagalaw pa nang marinig ko ang katulong nila magsalita. They all stopped to cast a quick glance my way, including the woman sitting on the right.

Tiningnan niya ako habang umiinom siya ng tsaa. She seemed surprisingly composed and interested in me, somewhat intrigued by my existence. Nakakapagtaka na kahit titig na titig siya ay mukhang kilala na niya ako.


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now