Chapter 49 - Hopeless

512 26 9
                                    

CHAPTER 49

HOPELESS


Tiffany's POV


"Chikahin mo na kasi sabi! Bilis na!" Halos ipagtulakan ni Caylee si Zin para lang tanungin si Law kung sino ang kasama nito. The girls were giggling because Zin appeared incredibly helpless. Kapag talaga may hiniling si Caylee ay hindi na siya makaayaw.


Wala na ngang nagawa si Zin kun'di ang magkamot na lang ng ulo niya habang naglalakad papunta sa kabilang table. I watched him hesitantly approach his friend. Binati niya ito at umupo sa tabi ni Law. They said a few words to each other before the girl shook Zin's hands.


"She must be an Elite too," komento ni Naomi. "Itsura pa lang at kung paano umakto, halatang hindi na basta basta."

"How come we don't know her then?" Caylee asked, crossing her arms.

"Probably like the others, too private. There are still a lot of aristocrats we haven't met, remember?"


I pursed my lips and stared at the woman again. She leaned into Law to whisper something. Sinubukan kong basahin ang labi niya upang malaman kung ano iyon ngunit masyado siyang malayo upang maintindihan ko.

Law smiled and laughed with her. Hindi ko nagustuhan iyon. It bothered me to see him so happy with that girl.


Halos hindi ako makakain dahil pinapanuod ko silang dalawa magusap. Halatang close sila dahil hindi umiiwas si Law kapag humahawak sa binti niya 'yung babae. I thought that was it but he surprisingly took off his suit and placed it around the girl's shoulder. Then she started massaging Law's hand under the table.


Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang tinidor na hawak ko.

"You girls saw that too, right?" Ava asked.

"Don't tell me, they're already dating?" Naomi gasped.

"Grabe naman kung girlfriend niya 'yon..." Awi muttered.

"Parang ang bilis yata niyang naka-move on," Iris disagreed.


Umiwas na ako ng tingin at kinalma ang sarili ko. Wala akong karapatan makaramdam ng selos o galit. I betrayed Law first. Bumalik ako kay Gael at pinagtulakan siya. If he decided to be with another woman this early, who am I to judge him?


"Excuse me. Kukuha lang ako ng inumin." Nagmadali akong tumayo upang magpunta sa buffet table sa likuran. I promptly reached for a wine glass and requested the waiter to pour me a glass of their strongest booze. Ininom ko 'yon ng diretso at humingi ulit ng panibago.

I need to calm myself. Hindi ko maintindihan kung bakit nanginginig ang mga kamay ko.


"Umayos ka." I felt Gael behind me. Bumulong siya sa tenga ko at hinawakan ang magkabilang braso ko ng mahigpit. "Kanina ka pa, napipikon na 'ko sa'yo."

"Ano na naman bang nagawa ko?" pagod na tanong ko.

"Hindi ako bobo, Yvonne. Mula nang dumating 'yang ex mo, hindi na naalis ang tingin mo sa kanya. Bubugbugin talaga kita kapag niloko mo ulit ako, tandaan mo 'yan."

I glanced at the waiter in front of me. Ayokong maalarma siya kaya umiling ako upang hindi siya mangielam. I'm pretty sure it's obvious to him that Gael's threatening me. Rinig na rinig niya ang sinabi nito. His eyes were also wide open.


"Gael, baka bumakat 'yang mga kamay mo sa braso ko. Let me go."

Thankfully, he listened but he deliberately pushed me. Muntikan na akong sumubsob sa table kung hindi lang ako nahawakan nung waiter.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora