Chapter 45 - Rain

455 23 10
                                    

CHAPTER 45

RAIN

Tiffany's POV


"Mali 'to, Tiffany. 'Wag mo na siya guluhin." Tumalikod agad ako at naglakad pabalik ng kotse ko.

I don't want Law to see me how frail and vulnerable I am. At tsaka, anong sasabihin ko sa kanya kapag tinanong niya ako kung bakit ako nagawi rito? That I'm suffering from the consequences of my actions? I'm insane for even thinking of him. This is purely wrong.


"Tiff?" I instantly froze when I heard his voice.


Kahit na gulong gulo na ang utak ko ngayon, sa ilang segundong narinig ko ang boses niya, ay biglang kumalma ang mundo ko.

He is truly my source of strength, despite being my weakness too.


"Do you want to come inside?"

I wiped the tears on my cheeks. "Hindi na. Nakakaabala pa ako---"

"I never find you to be a bother. Kahit maya't maya mo pa ako guluhin, ayos lang sa'kin."


Humarap na ako sa kanya at nagtaka nang ngumiti siya sa akin. I wasn't anticipating his welcoming smile...

How come he's calmly talking to me instead of being angry at me? Hindi man lang ba siya nagalit sa mga sinabi ko kanina sa mansion? He should be yelling and cursing me. Dapat ay kinamumuhian niya na ako!


"Come on. Don't just stand there. Madilim na. I think it'll rain soon."


I didn't move so he opened the gate more.

Napakabait mo, Law. I don't deserve you at all.


"It's just me, love. You're safe here."


Hinayaan ko ang sarili kong maglakad palapit sa kanya. It was like I was in trance. He smiled more and held my hand softly. Sobrang gaan ng pagkakahawak niya sa kamay ko, tila pinapahiwatig na wala dapat akong ikatakot.


"What happened? Why'd you cry?" Seryoso ang tono ng boses niya nang makarating kami sa living room. Maliwanag ang ilaw kaya kitang kita niya ang mga mata ko. I couldn't deny it.


I tried to sit as far away from him as I could, but he inched closer.

"Why are your cheeks red?"


Ramdam ko ang pamamaga ng pisngi ko pero hindi ko inakalang mahahalata niya ito. He reached for me but I pushed his hand gently away.

"Wala 'to...Natamaan ko---"


"Did he f*cking hit you?" Malumanay ang tono ng boses niya ngunit kitang kita sa mukha niyang nanggagalaiti siya habang tinititigan ang pisngi ko. "Did that asshole slapped you in the face?"


I pursed my lips and just gazed at my hands. Wala na akong maisip na dahilan para maitago ang totoo kay Law.


I was kind of surprised when he stood up. Wala siyang sinabi, tumayo lang siya at kumuha ng yelo sa ref. When he came back, he pressed an ice pack on my cheek. I flinched and moved back but he held my wrist. Nang tingnan ko ang mga mata niya ay hindi na ako lumayo.


He's mad...and in pain.

Ako 'yung sinampal ni Gael pero pati si Law ay nasasaktan.


Bakit ba nandito ako? Pinapahirapan ko lang siya sa sitwasyon ko. Hindi pa ba sapat na pinalabas kong ginamit ko lang siya?


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now