Chapter 28 - Lose Control

584 29 7
                                    

Trigger warning: This chapter contains strong language and violence that some may find disturbing. Reader discretion is advised.


-------------------------------


CHAPTER 28

LOSE CONTROL


Tiffany's POV


"You have to admit, this is pretty exciting! I heard it's the event of the year!" masayang sambit ni Awi habang hinihila ako papasok ng mall.

"Yeah, I heard you the last time..."

"Really? Cause I thought you weren't listening to me."

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at natawa bago ako sumubok tumawag ulit kay Gael. He's been MIA these past couple of days. Missing in action. And I'm not sure why. Nagri-ring naman ang phone niya pero bakit hindi siya sumasagot?


"Hay nako Tiff. Lalamunin ka na niyang cellphone mo." Sumimangot siya at iniwan ako kaya naman bumuntong hininga ako at hinabol na siya papunta sa isang store na dagsa ng mga namimiling tao ngayon.


"Please don't be mad. I'm just worried. Si Gael kasi, hindi na naman nasagot."

"Malay mo, busy kay Alba kaya walang panahon sa'yo." She chuckled. Hindi ako tumawa kaya naman sumeryoso siya. "Okay. That was insensitive of me... I'm sorry."


Umiling lang ako at tiningnan na ang mga binebenta dito sa store. The 'Flower and Garden festival' will be happening tonight. Awi and I are going since we didn't want to miss the chance to socialize with the locals. Everyone living here in Elysian will be there including my Abuela who will be sponsoring the main event, the floral street dancing. Halos lahat din sa mga trahabador namin sa Hacienda ay tutungo doon maliban sa ilang guards na naatasang maiwan.


She picked up some flower necklaces and made me wear it. Natawa na lang ako at hindi na umalma.

We're here today to buy Hawaiian costumes for tonight. Ang sabi kasi sa amin ay kapag hindi related sa festival ang suot ay maa-out-of-place kami. It's kind of majority to most girls our age to wear this.


"Baka naman magalit si Gael sa damit mo ha. Tanungin mo muna kaya siya kung pwede?"

"Okay lang naman siguro 'to. Sasamahan natin sa stage si Lola mamaya kapag nagsalita ito kaya dapat ay nakaayos talaga tayo. She's one of the guest speakers, remember? Ang panget naman kung sariling apo niya ay hindi nakaayos."

"Sana nga. Ang OA kasi magalit niyan ni Gael. Walang katuturan."


Tiningnan ko ulit ang phone ko upang ma-check kung nag-text back na ba ito but still, I got nothing from my boyfriend.

"Ang sabi niya nung isang araw ay tumutulong sila sa paggawa ng mga float. Maybe he's helping with the finishing touches. Mamaya na ang parade kaya dapat tapos na ang lahat."


Awi rolled her eyes. "Hindi ganyan si Gael sa'yo dati. Halos hindi nga kayo mapaghiwalay noon pero ngayon, ni tawag mo hindi na niya masagot. He changed a lot from the guy you were first dating. And I feel like it's because he has his eyes on someone else."

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant