Chapter 30 - Scars

537 30 2
                                    

CHAPTER 30

SCARS


Tiffany's POV


I made an effort to resume my everyday routine rather than shutting myself away from the world. 'One day at a time', I told myself. I wake up, go to work, spend time with my Abuela. Awi and I even occasionally hang out at the mall, when we feel like it.


"Maybe I should try a different brand. Anong sa tingin mo? Feeling ko hindi naman effective ang mga ito."

I've been using a lot of skincare products to remove the scars on my body. This one has good reviews and thankfully meron sa mall kaya naman binili ko kaagad at ginamit. Gustong gusto ko na kasi mawala ang mga sugat at pasa ko dahil hirap na akong takpan iyon ng make-up, kaso...kahit anong gawin ko ay mukhang hindi pala talaga madaling magpagaling.

It's been two weeks already but my bruises and wounds are all still visible. Naghi-heal naman kahit papaano pero may mga marka pa rin. Natatakot tuloy akong may manatili sa makinis na balat ko. I'm tempted to visit Serenaville just to see my dermatologist. Kaso sa oras na bumalik ako doon ay malamang puputaktihin ako ng media.


"I watched a youtube vid yesterday, tingin ko mas gagana sa'kin 'yung product na ine-endorse nung influencer na napanuod ko. Samahan mo naman ako sa mall mamaya. Let's buy it." To my surprise, Awi just rolled her eyes and went out of my room without a word.

"Ano ba 'yan. Galit pa rin..." She's been like that ever since I begged her to keep her lips sealed. I don't blame her for her reaction but I wish she'd try to understand me.


Bumuntong hininga na lang ako at tumayo na upang kunin ang coat ko sa cabinet. I went downstairs and grabbed a piece of bread on the table for my breakfast. Wala pa akong gana kumain ng heavy meal kaya ito na lang muna.

"Manang si Abuela po?" tanong ko nang mapansing wala pa ito.

"Tulog pa, iha."

"Pakisabi na lang po umalis na kami ni Awi." Uminom ako saglit ng kape bago ako nagmadaling lumabas ng mansion.


I could see Awi from the porch. She's currently on the phone while seated in the car's passenger seat. Busy na kaagad siya kahit ang aga aga pa.

Pababa na ako ng hagdan nang mapalingon ako ng 'di sinasadya sa kwadra. I froze when I saw Gael standing there with my horse on his side. My lips parted and my eyes widened as I meet his gaze. Halata sa mga mata niya na worried siya at gusto niya akong makausap. In fact, he even took a step towards me.


Pero narinig kong bumaba si Awi ng kotse kaya agad akong nagiwas ng tingin at lumapit sa kaibigan ko. "Let's go," I told her, quickly hopping inside the car.

She was clearly agitated when she saw Gael and me. "You weren't thinking of talking to him, were you?"

"O-of course not." I looked away and tried to relax myself. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mukhang dahil iyon sa nabigla akong makita si Gael ngayong umaga. Ilang araw na kasi siyang hindi nagtatrabaho malapit sa mansion. I wasn't expecting to see him today.


"Ang kapal din naman talaga ng mukha niya. He should no longer be working for your grandmother---" Tinapik ko ang kamay niya pagkatapos ay ngumuso ako patungo sa direksyon ng driver. Baka kung anong masabi niya, marinig pa siya nito.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now