Chapter 10 - Stain

678 26 4
                                    

CHAPTER 10

STAIN


Tiffany's POV


I was devastated. The thought that my boyfriend had done the same thing my father did, made me sick in the stomach.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Law. Nakakairita pa dahil hindi kami makapagusap. Walang way of communication sa Elysian kaya kahit gustong gusto ko siyang tanungin ay hindi ko magawa.


Dumagdag pa ang kundisyon ni Papa. Nagkaroon siya ng infection kaya lumala ang kondisyon niya. Nasa ICU siya ngayon habang ang nag-utos na barilin siya ay nakilala na namin. Sinubukan kasing ipapatay ng kalaban ni Papa ang hitman kaya napilitan itong magsalita. He had some evidence of their transaction and meetups. Malaking tulong iyon upang manalo kami sa kaso na isinampa namin laban sa nakaaway ni Papa.

Kumalat na rin ang problema sa mga bigas namin. Ang laking sakit sa ulo no'n lalo na't mukhang may involved na corruption. For now, under investigation na pero hindi maganda ang epekto noon sa sales namin. I do not want my father's company to go down during the time that I'm handling it, kaya mas pressured ako ngayong ayusin ito.

Sabay sabay ang mga dumating na delubyo. It's funny how last year I was just going around different places, shopping till my feet couldn't handle it anymore. Ngayon, may hindi ko magawang bumili ng bagong sapatos dahil wala na akong oras para sa mga 'yon.


Pagkauwi ng Serenaville ay nagpasya si Kuya Jarvis na mag-stay muna sa mansion. Ayaw niya akong iwan magisa lalo na't alam niyang wala roon ang mga magulang ko. Hindi niya sinabi kung hanggang kailan sila rito ni Blake. Tumutulong rin siya sa opisina na siyang kinagagalak ko.


Nakatitig ako ngayon sa cellphone ko, pinagiisipang mabuti kung tatawagan ko na ba si Law. Hindi niya alam na umuwi na ako.

Oh f*ck it.


Kinuha ko ang phone ko at agad nag-request ng facetime sa kanya. I bit my lower lip as I waited for him to answer my call.

Medyo matagal bago niya iyon sinagot ngunit nang makita ko ang mukha niya sa screen ay agad namuo ang mga luha sa mata ko.


"Thank God you called!" iyon ang bati niya. "Tiff, let me explain please!"


Hindi ako umimik. Tiningnan ko lang siya.

Napapikit siya dahil sa reaksyon ko. He sighed heavily before looking at me again.


"It's not what you think, I promise."

I closed my fist and frowned at him. "Are those photos fake? Hindi ba ikaw 'yung lalake sa pictures?"

He was speechless for a moment. "Tiff..."

"Sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba 'yon o hindi?" It's that simple.


Napayuko siya at bumuntong hininga na naman. "I'm sorry."

Para akong sinakluban ng langit at lupa nang marinig ang sagot niya. I wanted so bad to hit him in the face. Kung nandito lang siya, baka nasaktan ko na siya.

Galit na galit ako sa narinig ko. Tila kumirot ang puso ko nang makumpirmang niloko niya nga ako.



"Love, hindi ko sinasadya ang nangyari. We were celebrating and---"

"I don't want to hear your excuses! Taksil ka! Nagtiwala ako sa'yo!"

"Alam ko, Tiff. Pero pakinggan mo muna ako, parang awa mo na. I did not cheat on you!"


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Место, где живут истории. Откройте их для себя