Chapter 32 - Friends

513 25 7
                                    

CHAPTER 32

FRIENDS


Tiffany's POV


"I'm bored. Punta tayo sa---"

"Sorry Tiff, may gagawin pa kasi ako." sabay akyat ni Awi sa kwarto niya, halatang nagmamadaling makaiwas sa'kin.

"Okay..." bulong ko na lang.


Awi's been avoiding me lately. Alam ko dahil iyon sa naging pagtatalo namin. Ever since I raised my voice at her, she became very cold and distant to me. Ilang beses kong sinubukan makipagayos pero mailap talaga siya. She's always on her room and when we're at work, she keeps things professional between us. Nakakapanibago dahil sanay akong kadaldalan siya.


Huminga na lang ako ng malalim at pumanik na rin sa taas upang magpalit ng damit. Wala akong magawa at ayoko namang maglibot na naman dito sa Hacienda sa takot na magkasalubong na naman kami ni Gael.

"Nasaan ba 'yon?" I couldn't find my white top and that's what I wanted to wear today so I marched down and headed to the laundry room. Ginamit ko kasi 'yon nung isang araw. Baka nalabhan na, hindi lang nailagay ni Manang sa kwarto ko, ako na ang kukuha.


Pagpasok doon ay natigilan ako nang makita ko si Alba. Namamalantsa siya ng ilang mga damit namin. I wasn't expecting to see her so I stood there for a few seconds, staring at her, before I realized I should leave.


"Yvonne, saglit lang." Tinanggal niya sa saksakan ang plantsa at lumapit sa akin. She looked really haggard than before. Ang gulo ng ayos ng buhok niya at balot na balot ang katawan niya. Nagkasalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan siya. Sa init ng panahon, hindi ko maintindihan kung bakit ang haba haba ng palda niya at naka-long sleeves siya. But then again, this is her normal wear. She's conservative.


Sumandal ako sa washing machine at tumingin lang sa kanya. I had no interest to talk to her but I'm curious as to what she's about to say. Hindi naman kasi kami close para magkwentuhan kaya alam kong tungkol kay Gael ang paguusapan niya.


"Kumusta ka na?" Medyo nagulat ako sa tanong niya. Last time we had a conversation, she was pissed off at me. Hindi ko inaakalang mangangamusta siya.

Was she genuinely asking me that question or was that her way of bringing up the subject involving her bestfriend?


"Nagkwento sa akin si El tungkol sa nagawa niya sa'yo." She gazed at my arms and legs, before giving me a tight smile. "Mabuti naman at naghihilom na ang mga sugat mo. Halos hindi na halata..."

I crossed my arms and raised an eyebrow at her. "Anong mabuti 'don? What he did to me was wrong."

"Nagkamali ka rin naman..."

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. "Ano?!"

"Alam ko ang buong pangyayari. 'Wag mong isisi lahat sa kanya dahil may kasalanan ka rin dito. Niloko mo siya kaya umakto lang siya base sa nagawa mo. Yvonne, mabuting tao naman si El. Alam mo 'yan."

"Did he tell you specifically what he did to me that evening? Alba, sinabunutan niya ako at kinaladkad! Then he didn't stop there! He slapped me and threw me on the ground like I was a trash!"

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now