Chapter 12 - Escape

624 22 1
                                    

CHAPTER 12

ESCAPE


Tiffany's POV


"I think you're just bored." Caylee even laughed after drinking her tequila shot. Nagyaya siya bigla na mag-meetup kaming magkakaibigan at hindi siya tumigil hangga't hindi kami napayag, kaya naman nandito kami ngayon sa rooftop bar ng isang kilalang hotel. She had the whole floor reserved just for us.

"Yeah... maybe." Uminom na rin ako at pinanuod sila Ava, Asher at Naomi na sumayaw sa dance floor. Those three were laughing like fools. "I bought a new condo unit nearby."

"Nice. Kailan housewarming?" Evan asked.

"Hindi ko pa sure. Nag-order kasi ako ng mga furniture in Paris last week nung binisita ko si Iris kaya hihintayin ko pa ma-deliver 'yon dito bago ako lumipat doon."

"Tell us as soon as you can, para mailagay agad namin sa sched namin," Theo suggested.

"Of course, I will."


Tiningnan ko si Zin na tahimik lang at pilit pinipigilan si Caylee maglasing.

Nakakalungkot rin na hindi kami kumpleto ngayon. As usual Rios didn't go. Wala na yatang makakapilit sa kanya mag-party ulit. Si Kiel naman nasa ibang bansa pa hanggang ngayon dahil sa tour niya. Patapos na daw iyon pero tingin ko naman ay hindi rin siya magtatagal dito kung sakali. And Iris has been staying in Paris since she started her business there. She's doing great now that both Dashiell and Damian are happy with their own lives.


Nakisayaw na rin ako sa mga kaibigan ko at nagpakalasing. It was fun but it only lasted for a few hours. Pagkagising ko, napamura na lang ako sa sakit ng ulo ko. I hate hangover.

"Sh*t! May meeting nga pala ngayong umaga!" Dali-dali akong nag-shower at nagayos upang makapasok agad sa office.


Pagdating ko sa floor ay napakagat na lang ako sa labi ko. Ngumiti ako kay Dad nang makitang lumabas na siya ng meeting room.

I am f*cking late!


"Sorry, I got caught up with something," I whispered to him. Kukunin ko sana sa kamay niya ang folder na hawak niya ngunit iniabot niya iyon kay Awi.

"I saw your pictures from last night. It's all over the internet." Napailing pa siya kaya naman kinabahan ako. It's been a while since I partied. Ngayon na lang naman ulit.

"Yeah, reunion po eh..."

"You should have just taken a leave today." Naglakad na kami papunta sa office niya.

"It's boring at home, Dad. I wanted to be here."


Umupo na siya sa seat niya habang ako naman ay tumayo lang sa tapat ng table niya. He sent me a message last night telling me to drop by at his office today. May sasabihin daw siya sa akin.

Dad stared at me for a few seconds before he nodded at Awi. Pinanuod kong tumango ito at lumabas na, closing the door behind her.


"So what are we going to talk about, Dad?"

"Hindi mo kailangang tumayo lang diyan. Take a seat." Umupo naman ako at naghintay nang sasabihin niya. "Anak, are you okay?"

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon