Chapter 43 - Decisions

506 26 14
                                    

CHAPTER 43

DECISIONS


Tiffany's POV


"Kaya pala ayaw mo ako papasukin sa mansion noon. Sa'yo naman pala kasi lahat ng ito."

Gael gazed around, a look of wonder on his face. Every vase he came across was touched.

When he arrived in the living room, he stopped and turned to look at the enormous portraits of my family.


"Ibig sabihin ba nito, hindi ko na kailangang magtrabaho dito sa Hacienda?"

I pursed my lips and thought about it. Kahit kailan ay hindi ako nangielam sa pamamahala rito. But now that Abuela's gone, I guess I should start making decisions for everyone. Knowing my parents, they wouldn't waste their time managing this place.


"We're going to be short of staff if you---"

"Mag-hire ka ng bago. Hindi ba't mayaman ka naman? At kasintahan mo na ulit ako. Dapat ay may malasakit ka sa akin."

"Meron naman pero kasi, alam mo na ang pamamalakad dito. It would also take me a few days to hire someone new. Ite-train pa 'yon para gawin ang trabaho mo."

"Tsss. Ang dami mo namang dahilan. Gusto mo yata talagang nahihirapan ako."

He threw himself at the sofa and did not bother to finish our conversation. Ipinatong niya pa ang mga paa niya sa table bago binuksan ang flat screen tv namin. He watched a basketball game and even put the volume on the highest level. It echoed so loud I had to cover my ears.


"Pakihinaan naman ng kaunti."

"Ha? Ano 'yon? Yvonne, pahingi naman ng makakain. Gutom na ako," sigaw niya upang marinig ko siya.


I sighed and placed my bag on the side. Nagpunta ako sa dining room ngunit natigilan nang maalala si Abuela. This was the last place I've seen her alive...

Pumikit ako saglit at dumiretso na sa kitchen.


"Manang, pakilutuan naman po ng pagkain si Gael."

"B-bakit siya naririto, iha?" Halata sa itsura ni Manang Pasing na may bumabagabag sa kanya. Close sila ni Lola. Bago pa ako tumira dito ay ilang dekada na siyang nagtatrabaho para sa mga Yllana. Sigurado akong hirap rin siya dahil sa nangyari.

"Bisita ko po siya kaya mapapadalas na po siya rito."

She frowned but slowly nod her head in defeat. "Wala akong karapatan pagsabihan ka o pagbawalan kung sino ang gusto mong kaibiganin pero sana naman iha, pagisipan mong mabuti ang mga sinasamahan mo. Kakawala lang ng Lola mo ngunit binabastos na agad ng lalakeng iyan ang pamamahay niya. Ang lakas lakas niya manuod ng TV. Kung buhay pa si Donya ay natitiyak kong magagalit siya niyan."


Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom bago ako tumingin ulit sa kanya. I don't want to argue with anyone today. "Pakidala na lang po sa kanya ang merienda niya. Salamat po."


Bumalik na ulit ako sa living room at kinuha ang bag ko. I paused for a second when I saw Awi glaring at Gael. Then when she felt my presence, she raised an eyebrow at me.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now