Chapter 19 - New Love

565 23 6
                                    

CHAPTER 19

NEW LOVE


Tiffany's POV


Weeks passed by like a bullet train. Ang bilis ng panahon lalo na't excited akong bumangon araw-araw. Ever since the incident with Abuela happened, Gael and I became closer to each other. Siya pa rin ang naghahatid at sumusundo sa amin ni Awi sa trabaho at tuwing lunch time ay kasama rin namin siya. Sa gabi naman ay lumalabas pa rin kami, madalas ay nagiikot lang sa Hacienda.


"Nandiyan na ang boyfriend mo sa labas. Tara na," asar ni Awi habang sinusuot ko ang sapatos ko.

"Boyfriend ka diyan..." I laughed and glanced at the mirror for the last time.

"Ay hindi pa ba? Akala ko kayo na. Kung umasta naman kasi kayo, parang kayo na."

I blushed but rolled my eyes to hide my embarrassment. Naglakad na kami pababa ng hagdanan.


"You're smiling every day. In love lang ang ganyan," she continued.

"Will you stop? Ang aga ha."

"Totoo naman kasi. You're so obvious."


Ngumiti na lang ako at humalik na sa pisngi ni Abuela. She's eating her breakfast.

"Manang, kayo na po muna ang bahala kay Lola. Ang nurse niya po ba, nasaan?"

"Parating na raw iha."

When my Mom heard about what happened, she immediately hired a private nurse to look out for my grandmother. Ayaw nga ni Abuela dahil bumalik naman na ang lakas niya ngunit hindi pumayag ang nanay ko.

I also agreed that she should have someone to look after her when I'm not around. Dad went back to his family so it's only me, Awi, Abuela and the workers who are here. Hindi naman niya katabi palagi ang mga trabahador kaya mas panatag ako kung may kasama talaga siya.


"Mauna na po kami, La. I'll see you later."

"Magiingat kayo ni Awi."

"Bye, La!" Awi cheerfully said.


Lumabas na kami ng mansion at pagkakitang pagkakita ko kay Gael ay nabuhay agad ang dugo ko. He approached me and held my hand. Ganito na kami araw-araw. It became a routine that I'm fond of.


Tumaas ang isang kilay ni Awi habang nagpipigil ng tawa.

"Hindi daw boyfriend..." She whispered. Totoo naman kasing hindi pa kami ni Gael. Hindi ko pa siya sinasagot pero nagkakaintindihan na kami. We know we both like each other.

Naghihintay na lang naman ako ng tamang pagkakataon para sagutin siya. It's not like we were in a hurry so it's not really a big deal.


"Nakatulog ka naman ng maayos?" tanong ni Gael habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse.

"Yup. I had a good night sleep. And you?"

"Napanaginipan kita." I raised an eyebrow. "Ang sabi mo mahal mo ako sa panaginip ko."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinambit niya. I just avoided his eyes and smiled. Umupo na ako sa shotgun seat and tiningnan ang rareview mirror. Awi's trying her best not to say something. Sila Tonton at Luis naman ay naghahagikgikan.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now